Chapter 5

2 0 0
                                    




Nakasimangot akong naglalakad papasok ng paaralan namin. Di ko mapigilang sumimangot kasi iniwan ako ni kuya, hindi naman ako nakapag pahatid kay manong bikong kasi wala siya. Sinamahan daw niya yung isa naming katulong na mamalengke, feeling ko tuloy sinadya yun ni kuya. Wala tuloy akong choice kundi mag commute psh.

Lirrical International School.

Yan ang name ng school namin, I don't know kung saan nanggaling ang name na yan, basta isa ito sa pinakamahal at pinakasikat na paaralan dito. Puro mayayaman ang mga nag aaral dito, may mga scholar din naman pero bilang lang.
Sabi nila maraming matatalino at magagaling na studyante dito which is totoo naman, pero dahil mayayaman ang mga nandito ayun mas madami ang mga suplado at maaarte. mga laging naka make up, ginawang coloring book ang mukha eh akala naman nila ikinaganda nila yun.

"Ems I said wait. Ano ba bingi ka ba?"
Sabi ng taong pumigil sakin sa paglalakad.
It was Kelly, iws ang aga aga ang haggard ng itsura niya.

"Ba't hingal na hingal ka diyan?" para kasi siyang aso, sobrang hingal na hingal kasi parang anlayo ng tinakbo. Ano bang trip niya?

Sinamaan naman niya ako ng tingin. Oh ano? Suntukan?

"Kanina pa kita tinatawag di ka namamansin, you're so nakakainis ha. What happened ba at mukha kang problemado diyan?" Sabi niya habang inaayos ang buhok niyang nagulo. Sunod ay pinunasan niya ang maliit na pawis na bumuo sa may noo niya.

"wala. Nag commute kasi ako kanina"
panimula ko. Nagtataka naman siyang tumingin sakin.
"What? Don't tell me naghihirap na kayo?" nandidiring saad niya, gaga talaga. Ano masama sa pagiging mahirap? Kung sabagay pinanganak kasi siyang mayaman kaya ganyan, di sanay sa hirap. Inirapan ko nalang siya.

"You have driver naman, edi nagpahatid ka nalang sana" eh sa wala nga, naisip ko din naman yan ah psh. Akala mo sakin di nag iisip?

"Wala, namalengke sila" tumango tango naman siya at parang naintindihan naman niya, iisa lang kasi ang driver namin, yun ang driver namin ni jade, si manong bikong. Si kuya may sarili siyang kotse at hindi na niya kailangan ng driver dahil may lisensya at marunong naman siya.

Sila kelly marami silang driver, depende kung sino ang maghahatid sa kanya dito kaya kahit wala yung isa ay meron pang extra, o diba ang yaman nila. Mapapa sanaol ka nalang talaga. Dagdag mo pa na mabait ang Mommy niya at yung Daddy niya.

"You should have texted me girl para sinundo ka namin at sabay na tayo pumasok"
Kahit maarte yan si kelly mahal na mahal ako niyan, true friend talaga siya, kaya mahal ko din siya eh, maalalahanin yan sobra. Maarte pero soft hearted yan. At sobrang napaka conyo.

"Gaga nakakahiya kaya"

Inirapan naman niya ako, aba aba tusukin ko mata mo eh!

"Gosh girl what are friends are for? Duh" maarteng sabi niya.

Duhh.

"Kahit na no, may hiya naman ako kahit papano."

"Oh really? It's not halata ah" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya, ano kala niya sakin makapal ang mukha? Minsan lang no. Pag kasama ko silang mga kaibigan ko, nawawalan talaga ako ng hiya. Minsan lang naman eh. Maimpluwensya kasi sila, mga makakapal muks.

"Nagalit sakin si kuya" sabi ko at nagsimula nang maglakad ulit, sinabayan naman niya ako. Magkaklase din kasi kami kaya parehas ang way ng pupuntahan namin, actually kaming magkakaibigan ang magkaklase, except kay laby, sa ibang section naman siya. Mas mataas kasi grades niya sa amin eh, kaya nasa higher section. Hindi kapani paniwala dahil sa ugali nun.

A Crystal of LoveWhere stories live. Discover now