Chapter 1

10 0 0
                                    

Krystal Emerald's pov:

Nagising ako bigla nung may naramdaman akong pumapatak na tubig sa mukha ko, pagdilat ko ng mata nakita ko ang nakakabata kong kapatid na babae na may hawak na tabo. Mukhang winisikan na naman niya ng tubig ang mukha ko, ganyan niya ako gisingin eh tsk. Tinuruan siya ng nakakatandang kapatid namin, ang walangyang iyon.

"Ano na naman ba yun Jade?" Mahinanong tanong ko pero bakas dun ang pagkainis. Sinong di maiinis diba gigisingin ka na ngalang wiwisikan ka pa ng tubig.

"Are you mad ate?"

Napairap ako sa tanong niya. Ano ba namang klaseng tanong yan. Hindi ako galit pero naiinis ako. Hindi ko nalang siya sinagot kasi malamang iiyak na naman yan.

Isang beses kasi pinagalitan ko dahil binuhos niya lahat ng laman na tubig nung tabo sa mukha ko, may pumasok pa sa tenga ko eh pagod na pagod pa naman ako noon, galing ako sa school kaya hindi ko napigilan ang sarili kong sigawan siya, ayun todo iyak  at nagsumbong pa kay mama, napagalitan tuloy ako.

"What do you want?" Tanong ko nalang at umupo. Nilagay naman muna niya yung tabo sa lamesa ko sa tabi ng higaan ko tapos may nilabas siyang isang pirasong papel at inabot yun sa akin.

Tinignan ko muna siya bago kuhanin yung papel at basahin yung nakasulat. Tumaas ang kaliwang kilay ko nung puro notebooks at iba't ibang klase ng gamit na pang skwela ang nakasulat. Ano naman to?

"Sabi ni mama po ikaw daw po kasama ko bibili ng gamit ko po"

Oh right tss malapit na pala ang pasukan. Hindi parin pala ako nakakabili ng gamit ko mabuti nalang at nagpapasama siya. Isasabay ko na din ang akin na bumili para wala ng problema.

"Okay Maliligo muna ako, wait for me downstairs"

Tumango siya tapos tumakbo na pababa. Ako naman tumayo na at inayos muna ang higaan ko bago ko kinuha ang twalya para maligo.

Ako nga pala si Krystal Emerald Limeston, 17 years old na at 4th year highschool na ngayong pasukan. May dalawa akong kapatid. Una si Copper Clein Limeston, mas matanda siya sakin ng dalawang taon, 2nd year college na siya ngayong pasukan. Ako yung sumunod sa kanya tapos yung bunso namin si Jade Ryley Limeston 7years old siya at grade 3 sa pasukan.

Pagkatapos kong maligo ay nagpalit na ako ng simpleng white T-shirt tapos pantalon. nagsuot din ako ng belt at tinuck-in yung damit ko. Nagpulbo lang ako tapos liptint dahil hindi naman ako nag memake-up, di ako marunong eh tsaka feeling ko kasi papangit ako lalo pag nag make up ako.

Pagkababa ko sa sala nakita kong nanonood ng cartoons si jade katabi niya si Kuya Copper na nagbabasa sa notes niya habang sumisipsip ng kape, napatingin ako sa orasan at nakita kong 7:15am palang, napaka aga naman akong ginising ni jade, excited masyadong bumili ng gamit. Wala pa atang nakabukas na mall ng ganitong oras eh.

"Oh Emerald gising ka na pala sakto kakain na tayo. Clein! Ryley! C'mon let's eat na" tawag ni mama sa dalawa, tumayo naman agad si Kuya tapos pinatay niya yung tv kasi mukhang ayaw pa tumayo ni jade eh.

Second name namin ang tinatawag samin nila mama pero pag sa school second name din ang tawag nila sakin kasi lagi kong sinasabi na Emerald nalang ang itawag nila sakin kasi mas sanay na ako doon, iba naman kila Kuya kasi sila mama lang tumatawag sa kanila ng second name nila.

"Goodmorning Ma" bati ko kay mama tapos humalik pa ako sa pisnge niya. Close kami ni mama tsaka kahit dalaga na ako tinuturing parin niya akong baby niya. Ganun din kila Kuya. Si Papa naman medyo strict pero mabait siya, actually close kaming lahat sa isa't isa.

A Crystal of LoveWhere stories live. Discover now