Chapter 4:

5 0 0
                                    

2 weeks later...

Krystal Emerald's Pov:


Napabalikwas ako dahil sa malakas na tunog na narinig ko. Agad kong hinanap kung saan nanggaling ang maingay na tunog na yun, halos mapasigaw ako ng makita ko ang nag iingay.

Yung alarm clock ko!

5:00Am, watdapak ang aga aga!

Lechugas! Sinong animal naman ang nagset nito? wala akong natatandaang sinet ko to kagabi bago ako matulog.

Nanggagalaiti kong kinuha ang alarm clock at pinatay. Halos ibato ko to ng ibalik ko sa mesa malapit sa bed ko.
Si kuya siguro ang nagset neto, pakialamero talaga yun kahit kailan. Nakakainis!

Inaantok pa ako ng sobra. Feeling ko 1hour palang ang tulog ko, anong oras na kasi akong natulog kagabi eh, este kaninang umaga pala. 2am na ata ako nakatulog, nawili kasi akong manood ng k-drama. Tinapos ko talaga yun kaninang madaling araw, ang ganda kasi eh.

Muli akong nahiga sa kama ko at pipikit na sana ako ng biglang bumakas ang pinto ng kwarto ko, medyo malakas ang pagkakabukas kaya naman halos maibato ko na ang unan sa taong pumasok.

"Aba't sinong nagsabing pwede ka pang humirit ng tulog" saad ng isang impakto. Ang impaktong sa kasamaang palad ay kapatid ko.

Hindi ko siya pinansin at nagtalukbong nalang ng kumot.
Inaantok pa ako, gusto ko pa matulog.

Gusto ko nalang matulog maghapon. Feeling ko isang linggong di ako natulog eh. Ang bigat bigat ng takulap ng mata ko.

Makukuha ko na sana ang tulog ko ulit ng maramdaman kong nawala ang kumot ko at parang lumilindol.

Wtf? Lumilindol?

No!

Hindi pala lumilindol kundi niyuyugyog ako netong impakto kong kapatid.

Naiinis naman akong umupo at sinamaan siya ng tingin.

"Pft, mukha kang zombie" nang-iinis na saad niya kaya mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin. Eh kung gawin ko kaya siyang zombie psh. Napaka istorbo eh!

"What do you want?"
Mahinang tanong ko pero sinigurado kong mahahalata din niyang naiinis ako. Sinong bang di maiinis? Ke aga aga nangiistorbo.

"Bumaba ka na at kumain" sabi niya at nagsimula ng maglakad papuntang pintuan ko. Yun lang? Gigisingin at iistorbuhin ako ng alas singko ng umaga para kumain? Anak ng..

"What the hell" mahinang sabi ko sa sarili ko ngunit likas na impakto ang kuya ko at narinig pa niya ang sinabi ko,

Agad na may tumamang crumpled paper sa mukha ko. Langya saan naman nanggaling yun?

"Watch your words. Saan mo natutunan yan ha?" Pasigaw na sabi ni kuya, halatang galit siya, psh pano kasi eh minsan lang niya ako marinig na magmura. Wait mura ba yun? Ay wala akong pake! Syempre kasi pag nagmumura ako sa mga friends ko lang no. Baka putulin niyan dila ko pag narinig niyang nagmumura ako eh. Kala mo naman siya di nagmumura.

"Huh? Ano yun?" Maang maangan kong sabi.
Sinamaan niya ako lalo ng tingin at lumapit pa sakin.

"Pag nalaman ko kung kanino mo yan natutunan tsk humanda sakin yan"

Ganyan yan si kuya, para narin namin siyang tatay eh, actually mas mahigpit at mas protective pa siya kesa kay papa. Si papa kasi pa go go lang sa buhay, sinusupportahan kami sa mga bagay bagay na alam niyang ikakasaya namin, pero sa mga mabubuting gawain lang. hindi namin gugustuhing galitin siya kasi nakakatakot siyang magalit, super! Siguro tama nga ang sabi nila na 'masama magalit ang mga mababait'.

A Crystal of LoveWhere stories live. Discover now