Chapter 14

1 0 0
                                    



Gaya nga ng napag usapan kanina ay dumeretso kami sa amusement park pagkatapos ng klase namin sa hapon. Yung kotse ulit ni Nash ang ginamit namin papunta doon.

Tuwang tuwa naman sila Dianne nung makarating kami doon at parang batang tumatalon talon pa. Nagtataka talaga ako kung paano ko naging kaibigan ang mga yan eh. Hindi naman ata sila ganyan noon? O baka naman hindi ko lang masyadong napapansin noon dahil gaya din nila ako noon na medyo may pagka isip bata.

Pinagtitinginan tuloy sila ng mga tao kaya naman medyo binagalan ko ang paglalakad para magmukhang hindi ko sila kilala. Hindi naman nila ako napapansin kasi tuwang tuwa sila at busy sa pagtingin tingin sa paligid na akala mo'y first time nila makapunta dito.

Buti nalang at wala si Laby kundi mas lalong lalayo na talaga ako sa kanila. Paano kasi eh mas grabe pa yun sa bata eh. Isang beses nga may inagawan siya na cotton candy sa isang batang nakaupo sa gilid. Nagulat nalang kami nang biglang sumugod yung nanay ng bata sinabing pinaiyak ni Laby ang anak niya. Sobrang kahihiyan yun. Sa huli wala akong nagawa kundi humingi ng tawad at bilhan ng bagong cotton candy yung bata dahil iyong bakulaw ay bigla nalang umalis at pumunta sa mga rides. Para tuloy akong nagbabantay ng bata.

Agad namang dumeretso sila Kelly sa mga nagtitinda ng kung ano ano sa gilid. Hindi na ako sumunod dahil kusang lalapit ang mga yan sa akin pag mag aaya na silang mag rides.

"Why aren't you joining them?"

Napatalon ako sa gulat nang may magsalita bigla. Jusko!

Napatingin ako sa taong nakatayo sa tabi ko na nanonood din sa kanila. Ako ba kausap niya? Jusko ngayon niya lang ako kinausap. Yan din ang pinaka mahabang sinabi niya na narinig ko so far. Improving na ba yun?

Sasagot ba ako? Hindi naman sa ayaw ko kundi baka kasi magmukha akong assuming kung sasagot ako pero hindi naman pala ako ang kausap niya. Pero wala namang ibang tao dito na malapit sa kanya kundi ako lang. si Nash naman ay kasama sila Dianne na nagtitingin tingin doon, so malamang ako nga?

"Ano.. nakakatamad" dahan dahan at maingat kong sagot. Napatingin naman ako sa kanya at nagulat nang tignan niya ako pabalik.
Feeling ko namula ako kaya umiwas ako ng tingin. Jusko hindi ko ata kayang makipagtitigan sa kanya, para akong tinutunaw eh.

"Ikaw?" Pagtatanong ko nung hindi na siya nagsalita. Baka mapanis laway namin dito kung walang magsasalita sa amin kaya ako na mag aadjust, nakakahiya naman sa kanya duhh.

Hindi ko siya tinignan at kita ko naman sa gilid ng paningin ko na hindi rin siya nakatingin sa akin.
Mas maganda bang panoorin ang mga taong yan kesa sa akin na kausap mo? Mas maganda ako kesa sa mga yan no! Char!

"Me?"

Ay hindi! baka ako!

Malamang ikaw!

Ano ba yan mukhang napaka slow nitong kumag na ito. Gwapo nga slow naman, wala rin!

"Bakit sino bang kausap ko? Ikaw diba!? May nakikita ka bang kausap kong iba?"

Normal lang yang sagot kong ganyan kila Myka. Ewan ko sa kanya kung anong iisipin niya. Bahala siya, wala akong paki.

Bigla akong nagulat nang marinig ko siyang tumawa ng mahina. Omyghad!

H-he laughed!

Nakita at narinig ko yun.

Parang nahulog. Nahulog ako! Ang gwapo niya seryoso. Parang gusto kong pisilan ang pisngi niya. Tao ba talaga siya? Mukha siyang diyos! Diyoskolord!

A Crystal of LoveWhere stories live. Discover now