Chapter 12

1 0 0
                                    



"Kuyaaaaa"

Pagpasok palang namin sa bahay ay sumisigaw na si Jade na lumapit kay Kuya at yumakap pa dito.

Naglakad naman ako papuntang living room at umupo, medyo napagod ako. Siguro dahil sa paghahanap namin ng regalo para sa girlfriend niya.

Narinig ko namang lumapit si Kuya at Jade sa living room. Naupo naman sila sa tabi ko.

"Kuya where did you go?"

Spoiled yan si Jade kay Kuya kaya ganyan siya, parang siya na nga ang tatay niya eh. Si papa naman kasi minsan lang nakaka bonding si Jade kasi laging nasa trabaho. Naaawa nga ako minsan sa kanya kasi tuwing aalis sila mama ay bakas sa mukha niya ang lungkot. Mabuti nalang andiyan si Kuya para tumayong tatay sa kanya.

"We just bought a gift for Arianna" malambing na sabi niya kay Jade, agad namang nangunot ang noo niya. May pagka over protective din kasi si Jade kay Kuya kaya di na ako magtataka kung iintrigahin niya ito.

"Who's Arianna?" Masungit na tanong nito at nag cross arms pa.

Ngumisi naman ako dahil sa pinapakitang itsura ni Jade sa kanya.

"She's my girlfriend" ngiting sagot niya at napaubo naman ako. Hindi manlang nagsinungaling. Mukhang gusto niyang ipakilala sa pamilya niya si Arianna at sigurado na siyang siya ang makakatuluyan niya ah.

Luh wala kayang forever!

Tumayo naman si Jade at pumunta sa harapan ni Kuya habang naka cross arm pa rin. Pero ngayon ay hindi na maintindihan ang expression ng kanyang mukha.

"Girlfriend? You don't have a girlfriend! Break up with her! I don't like her!" Biglang sigaw ni Jade kaya naman nagulat kami ni Kuya. First time niya sumigaw at ganun pa ang sinigaw.

Nakakaloka naman ito.

Bumuntong hininga naman si Kuya at pinalapit si Jade sa kanya pero ayaw lumapit ni Jade. Mukhang nasaktan naman si Kuya dahil sa sinabi ni Jade. Paano naman kasi, hindi pa nga nakikilala ang girlfriend ayaw na niya dito.

"Jade don't say that. She's a nice girl" pagpapaliwanag ni Kuya ngunit hindi manlang nagbago ang mukha ni Jade.

Kahit kung ako man si Kuya ay masasaktan ako sa sinabi ni Jade. Hindi naman tama na sabihin niya yun. Alam kong bata pa siya at wala pang alam pero hindi parin yun tama.

"No! I don't like her!" Sigaw pa niya at paiyak na. Hindi naman alam ang gagawin ni Kuya kaya kinuha ko si Jade at inupo sa kandungan ko.

"Jade don't be like that" mahinahong sabi ko pero hindi padin siya nagpaawat.

"Why are you being like that Jade? Why don't you like her? You don't even know her" sabi ni Kuya kaya naman nanubig ang mata ni Jade at yumakap sa akin. Parang nagsisi naman si Kuya dahil sa nasabi niya.

"Kuya hates me na" naiiyak na sabi niya habang nakayakap sa akin. Hindi naman nagtagal at naramdaman ko nang nababasa ang balikat ko at umiiyak na siya.

"I'm sorry Jade, please baby I'm so sorry. Forgive your Kuya" pag aalo ni Kuya pero mas umiyak lang si Jade at hinigpitan ang yakap sa akin.

Napatingin naman ako kay Kuya at ginulo nalang niya ang buhok niya at tumingin sa taas.

"Jade talk to your Kuya" pagpipilit ko ngunit umiiling lang siya at mas lalong humihigpit ang yakap niya. Kaya napapabuntong hininga nalang din ako.

"I hate him!"
Pagtukoy niya kay Kuya, Nagugulat nalang kami sa mga sinasabi niya, jusko!

"Jade ano ba! Ano bang problema? Bakit ka ba ganyan?" Naiinis at medyo malakas na din na sabi ni Kuya kaya mas lumakas ang iyak niya.

A Crystal of LoveWhere stories live. Discover now