Chapter 3

5 0 0
                                    



"So kumusta lakad niyo?"
Pagtatanong ni kuya pagkalapit ko palang sa kanya, humalik muna ako sa pisngi niya bago ako umupo sa tabi niya. Si jade naman nakaupo naman sa lapag at pinaglalaruan yung mga nakuha niyang freebies kanina sa mcdo.

"Ayos naman, masaya"
Kibit balikat kong sagot, tumango tango naman siya.

"Nag enjoy ba ang baby girl namin?" Tanong ni kuya kay jade habang pinapakailaman niya yung paglalaro ni jade.

Tumango tango naman si jade tapos nagngingiti ng sobrang lapad at tinaas pa yung mga laruan para ipakita ng husto kay kuya. Ang saya saya niya kaya naman napapangiti nalang din si Kuya.

"Yes kuya po, ang dami ko pong toys" sagot niya dito.

"Buti naman kung ganun" sabi ni kuya at tinap ang ulo ni jade, psh ginawa naman niyang aso ang kapatid namin.

"Kuya! Kuya! Si ate bri at ate myka po nag-away po kanina, they look like monsters" sabi ni jade at may pa laki laki pa ng mata at ilong tapos yung kamay may pa kaway kaway pa. Ayan nagsumbong na ang bata, OA pa naman to si Kuya pagdating sa ganyan.

"Ha? Ba't sila nag away?" Tanong ni kuya tapos may pasulyap pa sakin na nanlalaki ang mata, parang nagtatanong kung anong nangyari. ayaw niya kasing nakikita ni jade na may nag aaway baka daw kasi matulad siya sa kanila paglaki niya, baka matuto rin daw magmura mura. Napaka ano mag isip eh.

"I don't know po" saad ni jade at bumalik na sa paglalaro niya.

Tinignan naman ako ni kuya, yung mata niya nagsasabing magpaliwanag ako kahit wala naman dapat ipagpaliwanag.

"Hoy Ems ano na? Bat nag away ang dalawang yun?"

"Di sila nag away, ganun lang talaga sila mag-usap" sabi ko nalang, eh sa totoo naman yun eh.

Alam naman niyang ganun kami mag usap usap, laging nagpipikunan o kaya nagbabarahan. Hindi naman kami na ooffend sa isa't isa, infact mas nagiging close pa kami.

"Hoy sagutin mo ako ng maayos" sabi niya at pinektusan pa ako, aray ah kala niya di masakit? Psh eh kung siya kaya pektusan ko no. Mapanakit na Kuya.

"Eh totoo naman kuya eh, para namang di mo sila kilala" naiinis na sabi ko, ang sakit kasi ng pagpektus niya sakin. eh kung di ko kaya ibigay sa kanya yung mga pinabili niya sakin psh. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Eh yung si lawrence? Kasama niyo ba? Pinopormahan ka ba nun?" Taas kilay na tanong niya. Anak ng.. dami namang tanong tsaka Aba naman ang imagination ni kuya, pati kaibigan ko pinaghihinalaan. Hindi na talaga ata niya gustong nakadikit si Laby sa akin. Well wala siyang magagawa kasi magkaibigan kami since Elementary pa no, akala mo naman minsan hindi siya natutuwa sa mga jokes ni Laby eh. Close naman sila minsan ah pero pag ako pinaguusapan napaka ano niya.

"Kuya naman, kaibigan ko lang siya no"

At alam mo yun.

"Mabuti ng nagkakaintindihan. Bata ka pa, mag aral ko muna hindi yang lovelife lovelife ang inaalala mo" napairap nalang ako sa hangin dahil sa sinabi niya. Ang OA talaga ng kuya kong to, ewan ko ba kung bakit andaming nagkakagusto diyan eh ang OA kaya niya psh. Mga babae talaga sa physical appearance lang tumitingin eh. Pero yeah, medjo may taste naman sila. Mabait naman yan si kuya eh, minsan nga lang. pag di tinamaan ng topak.

"Ikaw lang naman nagiisip ng ganyan kuya eh, tsaka di na ako bata no dalaga na kaya ako" sabi ko na nagpataas lalo ng kilay niya, bading ata si kuya eh. Siguro bading nga kaya di pa to nagkaka girlfriend, wews confirm! May pa 'study first' pa siyang nalalaman sus. Bading lang siya eh,

A Crystal of LoveWhere stories live. Discover now