Chapter 13

1 0 0
                                    



Pagpasok ko kinabukasan sa school ay hindi ako makatingin kay Kelly ng deretso. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaalam sa kanya na may girlfriend na si Kuya. Ayoko talaga siyang masaktan, lalo na at si Kuya pa ang dahilan.

"Hoy ang lalim ng iniisip natin ah" sabi ni Dianne pagkatapos ng class namin sa pang umaga. Nagsilapitan naman yung iba naming kaibigan sa akin.

"May problema ka Ems?" Pagtatanong ni Myka kaya umiling ako.

"Wala ah, tara kain na tayo" pag iiba ko ng topic at hindi naman yun pinansin nila Dianne at tuwang tuwa nilang tinawag sila Nash at Kris.
Nakita ko namang nakatingin si Kris sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Ayan na naman ang tingin na yan. Para akong kinukuryente.

"Sabay ulit kayo sa amin" masayang sabi ni Dianne at pumayag naman sila. Inayos ko muna ang mga gamit ko at nilagay sa bag ko bago kami naglakad palabas ng classroom.

"MedCOS tayo" sabi ni Myka at umagree naman kami.

Coffee shop yun oo pero dahil sa maraming customer na dumadayo doon at minsan naghahanap ng makakain ay nagseserve narin sila iba't ibang klaseng pagkain. Hindi na pinalitan ni ate Meddy ang pangalan nun, mas nasanay na daw siya doon ay yung mga tao.

"MedCOS?" Pagtatanong ni Nash. Sinabi naman ni Dianne kung ano ibig sabihin nun.

Nagulat naman ako nang akbayan ako ni Kelly habang tumatawa na nakikinig sa usapan nila Dianne. Napaiwas naman ako ng tingin. Jusko Kelly hindi ko alam kung paano kita pakikisamahan ngayon, nahihiya ako.

"I saw you with Kuya Copper sa parking lot kanina, so you're okay na?" Masayang tanong niya sa akin kaya naman napa tanga ako, ito na yung iniiwasan ko. Sana hindi nalang niya kami nakita kanina. Kung dati nagkukwento pa ako tungkol sa amin ni Kuya ngayon naman gusto ko na lamang umiwas.

Mahal ko si Kuya at mahal ko din si Kelly kaya ayaw kong masaktan ang isa sa kanila. Hindi ko masisisi si Kuya kung wala siyang kaalam alam noon na may pagtingin sa kanya si Kelly. Pero kung nalaman ba niya nung una palang, ano kayang gagawin niya? Iiwasan niya ba? Susubukang gustuhin din? Hindi ko alam.

Ang sabi sakin ni Kuya noon wala siyang masyadong type sa mga babae basta mabait daw at may malasakit sa kapwa. Alam yun ni Kelly kasi sinabi ko sa kanya. Hindi na rin naman kailangang maging mabait si Kelly kasi natural na din namang mabait siya, so naiisip ko dati na magugustuhan din siya ni Kuya. Pero hindi ko aakalaing magkakagusto agad agad siya sa iba.

Tumingin ako kay Kelly at ngumiti ng pilit.

"Ah oo" yan nalang ang nasagot ko at masaya naman siyang tumango.

"That's good. Nga pala We're going to your house later"

Nagulat naman ako, bakit sila pupunta? Anong meron?

"Oh sorry you didn't know pa pala, si Dianne ang nagplano"

Omyghad paano kung nandun si Kuya? Ang alam ni Kelly wala pang alam si Kuya na gusto niya ito, so paano kung lalapit si Kelly sa kanya? Ganun pa naman siya noon. Lalapit si Kelly kay Kuya at makikipag kwentuhan, omyghad pano kung iwasan siya ni Kuya? No! Hindi sila pwedeng pumunta sa bahay.

"Uhm ano kasi hindi kayo pwedeng pumunta sa bahay mamaya" hindi nag iisip na sabi ko kaya nagtataka siyang tumingin sa akin, napatingin din sa akin sila Dianne kasi medyo malakas ang pagkakasabi ko nun.

"Luh bakit?" Tanong ni Dianne. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko, anong sasabihin ko? Na ayaw kong magkita si Kuya at Kelly kaya ayaw ko sila papuntahin sa bahay? Ang lame naman baka magtaka pa sila.

A Crystal of LoveWhere stories live. Discover now