Assassin 19

443 30 0
                                    


"Mist!", sigaw ko sabay takbo ko ng mabilis sa kanya dahil walang pagdalawang isip na hiwain sya ni Sunday pag naabutan. Hinila ko si Mist palayo kay Sunday.

"Salamat",hirap na hirap syang magsalita na. Hindi nya kaya ang impact ng suntok at sipa ni Sunday.

"Wag ka munang magpasalamat dahil hindi pa tapos ang laban. Magpasalamat ka kung buhay pa tayong makakalabas dito",

Hinila ko sya sa likod upang protektahan kay Sunday na nakangising tinutok sa akin ang katana.

Sumugod sya kaya hinablot ko ang kumot sa higaan ko at iyon ang pinulupot ko sa braso nya para ibaliktad pero nalaman nya ang galaw ko kaya nakatayo parin sya ng binaliktad ko sya.

Hinigpitan ko ang pagkahawak ng kumot sa kamay ko. Isang slash ang binigay nya at sinangga ko ito ng kumot pero nahati ang kumot sa dalawa.

"Ang talas pala ni Hayumi!", natatawang saad nya at ako namay humalakhak sa katangahan nya O kabobohan.."Anong nakakatawa Pathetic Bitch!",galit nyang ani.

"Nakakatawa lang Sunday dahil hindi mo pa lubusang kilala ang katanang hawak mo", sabay tawa ko.

"Ano ang ibig mong sabihin?", galit nyang tanong.

"Ang ibig kung sabihin ay Tanga ka ba talaga?! O Bobo!? Tsk!",

"Anong sabi mo!?", sumugod sya sa akin at winasiwas ang hawak nyang katana. Iniwasan kung tamaan ng katana kaya hindi ko naiwasan ang kasunod nyang flying kick kaya tumilapon ako sa pader.

Ang lakas ng sipa nya. Ngayon kailangan kung magfocus dahil hindi basta-basta itong kalaban ko.

Mist's POV

Napanganga ako ng tumilapon si Silver sa pader pero nakatayo parin sya ng tuwid. Sumeryoso ang mukha nya at ang mga kulay ng mata nya ay nagsimulang mag-iba.

Hindi nagtagal ay naging ganap na Silver ang kulay nito.Bahagya pang napanganga si Sunday ng makita ang pag-iba ng kulay ng mata ni Silver. Ngayon, malalaman na ni Sunday kung bakit iyan ang Codename ni Silver pero hindi na mahalaga iyon dahil iba ang seryoso ng mukha ni Silver ngayon kaysa noong nakita namin ni Star sa Cafeteria.

Naka standing position na si Silver kaya sinugod sya ng nakangising si Sunday. Kung kanina ay mabagal pa ang kilos nya kaya nataman sya ngayon nakasabay na sya sa kilos at bilis ni Sunday.

Isang sipa ang pinakawalan ni Silver sa mukha pero nasangga ito ni Sunday ng braso pero napangisi si Silver at di na malayan ni Sunday ang kasunod na suntok sa tenga nya.

Napaatras si Sunday palayo kay Silver habang pinipilig ang ulo nya.Agad naman hinablot ni Silver ang buhok ni Sunday at tinuhod ang mukha nya. Napangiti ako ng hindi na nakabawi si Sunday at pinagpatuloy parin ni Silver ang pagtuhod sa mukha nito.

Nabitawan ni Sunday ang katana dahil sinangga nya ang tuhod ni Silver. Kukunin na sana ni Silver ang katanang nabitiwan ni Sunday pero mabilis nasipa ni Sunday ito palayo.

Sa ngayon, mano-mano na ang labanan. Wala nang kahit isang sandatang hawak ang bawat-isa. Sinugod ni Sunday si Silver ng suntok at sipa ngunit nasalag ito lahat ni Silver.

Ginantihan naman ng sipa at suntok ni Silver si Sunday at nasangga rin lahat to ni Sunday. Nakangisi ang dalawa habang nagkakatitigan.

Unang sumugod si Silver pero nagulat ako ng makita ang dagger na hawak ni Sunday na kinuha sa gilid nya at sinaksak ang binti ni Silver ng mahuli nya ito.

"Argh!", sigaw ni silver. Isang malakas na suntok ang ginanti ni Silver sa panga at isa pang suntok at sipa kaya tumilapon si Sunday sa pader. Kahit sugatan na ay kaya paring makikipaglaban ni Silver.

Agad naman akung tumakbo papunta kay silver ng makitang binato ni Sunday ang hawak na dagger kay Silver.Niyakap ko si Silver ngunit hinawakan nya ako sa balikat at hinila sa likod nya.

Napanganga ako dahil sa ginawa nya,  nahuli nya ang dagger gamit ang  kamay nya. Dumugo ang kamay nya at tumulo ang dugo sa tile's na sahig.

"Lumayo ka sa akin para hindi ka masaktan", tumango ako dahil masyado syang seryoso at walang ka buhay-buhay ang mga mata nya.

"President Silver!", napasigaw ako ng makitang papasugod na si Sunday at hawak nyang muli ang katana. Tinulak nya ako at  pinigilan ang katana gamit ang dalawa nyang kamay.

Umagos ang malapot na dugo sa kamay ni Silver. Diniin pa ni Sunday ang katana kaya napaatras si Silver at napasigaw dahil sa pagkahiwa ng palad nito.

Hawak-hawak parin ni Silver ang katana habang dinidiin parin ito ni Sunday.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!", buong lakas na hinila ni Silver ang katana mula sa pagkakahawak ni Sunday kahit ang talim ay nasa kamay nito. Naagaw nya ang katana mula sa pagkakahawak ni Sunday at tinutukan nya agad ito sa leeg.

"Bago kita gilitan ng leeg! Gusto ko lang sabihin sayo na hindi HAYUMI ang pangalan ng KATANA ko Kundi  AY YUMI!", sabay hiwa sa leeg ni Sunday.

Napaluhod at napahawak si Sunday sa leeg habang umaagos dito ang masaganang dugo nya. Napaubo sya ng dugo at pilit na humihinga.

"HINDI HAYUMI ANG PANGALAN NG KATANA KO DAHIL AKO SI HAYUMI ANG PANGALANG KANINA MO PA BINABANGGIT! AKO SI HAYUMI TAKASHI!!!", nagulat ako sa binanggit nyang apilyedo..Isa syang TAKASHI?. nanlaki at napanganga ako ng marinig ang tunay na sya. Nanginig ang kalamnan ko ng marinig ang apilyedong Takashi.

Hindi na nya hinayaang magsalita pa si Sunday agad na nya itong pinugutan. Gumulong ang ulo ni Sunday sa paanan ni Silver.

Kahit takot ako na lumapit kay Silver dahil sa totoong sya ay lumapit parin ako at binalot ang palad nya ng kumot na nasa sahig.

"Tatawag muna ako ng doktor?", agad akung tumakbo palabas at tinawag ang doktor. Patakbo namang pumasok ang doktor pero napahinto sya ng makita ang pugot na ulo ni Sunday at ang dugong nagkalat sa sahig.

"Oh! Fuck!", hindi mapigilang magmura ang doktor. Kahit ako magmura talaga ako pag ganito ang nadatnan ko. May pinindot ang doktor sa relo nya.

Maya-maya pa ay may tumunog sa buong infirmary na ugong. Nagsidatingan naman ang mga nurse at gaya ng doktor ay nagulat sila sa nakita. Nasuka nga ang isang babaeng nurse ng makita ang pugot na ulo at mga dugo.

Inasikaso nila si Silver at binindahan ang dalawa nitong kamay at binti nya. Malalim ang hiwa nito sa kamay at saksak sa binti.

"PRESIDENT SILVER---GOD!", nagsidatingan ang mga classmate namin kasama ang RULER'S at Council. Narinig nila siguro ang ugong dito sa infirmary.

"Anong nangyayari dito?",

"Okay ka lang ba President Silver?

"Napano yang kamay mo?",

"Bakit ang rami raming nangyayari na ngayon?",

"Si Sunday ba yan?",

"Sino pumugot sa ulo nya?", nandidiring sambit nila.

"Oh! Ano guys I told you na may masamang balak ang babaeng iyan. Bagay lang sa kanya yan!", saad ko sa gulat na mga mukha ng kaklase namin.

"Ano? Bakit Ano ba ang binabalak nya?", tinaasan ko ng kilay si Star.

"Balak lang naman nyang patayin ang President Silver natin", agad gumuhit sa mukha nila ang gulat.

Sinalaysay ko ang nangyari kanina sa classmate ko. Gulat sila noong una pero napalitan ang gulat sa mukha nila ng galit para kay Sunday.

"All Students of Section F! All Students of Section F! Please Proceed to Dean's Office! I repeat All students of Section F Proceed to Dean's Office!", agad kaming napatayo mula sa pagkaupo sa hospital bed ni Silver habang nakikinig sa paulit-ulit na tawag sa speaker.

Assassination AcademyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ