Assassin 30

376 29 1
                                    

Nakalapag na sa aming harapan ang ibat ibang bagay tulad ng lata,paper clip at hairpin, yung iba hindi ko na alam ang tawag.

"Alam kung nagtatanong kayo para saan yan..Kung anong gamit sa pag-aaral, Pwes, malaki ang maitutulong yan sa inyo. Tuturuan ko kayo kung paano buksan ang ibat ibang pinto o doorknob gamit ang nasa harapan nyo", agad nyang binigay ang instructions kung paano gamitin O ikutin para mabuksan ang padlock.

"Subukan natin ang kakayahan nyo sa Sport Center..", sumunod kami ng lumabas si Instructor Venom sa classroom. Akalain mo nga namang kasama pala ito sa tricking.

Pagdating namin doon ay wala kaming makikitang estudyante, instructor or couches sa labas.

"Wag na kayong magtataka kung walang estudyante or couches dahil parte ito ng plano.", nagkatinginan kami dahil sa planong sinabi ni Instructor Venom.

"Ngayon, hanapin nyo ang kaklase nyong nakulong sa loob ng sport center within 40 minutes", nanlaking nagpalinga-linga kami para masiguradong nagbibiro lang ang instructor namin. Pero nang binilang namin ay halos lahat kaming naiwan ay alam na namin ang susunod na sasabihin ni Instructor Venom.

Pero? Paano sila nakulong at nakuha ng hindi namin napapansin?

Kanina lang nakasunod pa ang sampong iyon sa amin. Tsk! Fucking Tricks!.

"Kung hindi nyo mahanap ang sampung kaklase nyong nakakulong sa loob ng mga pinto sa sport center ay maaring mamatay sila. Mamatay sila dahil mamalalanghap nila ang nakakalason na gas, mauubusan sila ng hininga O mamatay sila sa pagsabog..", nakakilabot na ani ni Instructor.

Binuksan ni Instructor ang pinto na salamin.

"Ano pa ang hinihintay nyo? The time is running! Save Or  Died?", mabilis kaming tumakbo papasok sa sport center.

Pagpasok namin ay katahimikan ang sumalubong, walang kahit anong kaluskos o tunog ang maririnig. Nakatayo kami sa gitna ng apat na hallway.

"Group yourselves in to 5 then my isang group na tatlo lamang ang member", ani ko at mabilis naman silang napagsunod. Ang naiwan na lamang ay si Vic at Star kaya kami ang magkakasama.

"Dito kami sa unahan!",

"Susunod kaming papasok",

"Kami ang sunod dito",

Hindi na nila hinintay ang sagot ko ay mabilis na silang tumakbo kung saan. Damn it!.

"Tayo na", nauna si Vic sa pagtakbo sa ikaapat na hallway.

"Katokin nyo para mapadali ang paghahanap natin sa kanila", sahesyon ni Star.

"Paano pag wala silang malay", tama si Vic.

"Wala tayong magagawa kundi buksan lahat ng pinto", agad naming binuksan ang pinto.

Panay punas ko sa pawis ganun din ang dalawa dahil sa kaba. Paano kung hindi namin magawa? Paano kung mamatay sila? Paano kung--shit! Hindi dapat ako mag-iisip ng ganito.

Sampung pinto ang nandito sa hallway na pinasukan namin at sigurado akung ganon rin ang iba pero ang pinagtataka ko ay may pintong doble ang kandado maliban sa doorknob nito pero may isang pinto na walang doorknob. Weird!

"Guys! I think alam ko na kung na saan sila", sabay kaming napatango sa sinabi ni Vic. Alam rin nila ang nasa isip ko.

Patakbo akung pumunta sa ikapitong pinto, si Vic naman sa pang-apat at si Star ay sa pang siyam. Dalawang kandado ang nakalagay dito sa bawat pinto na pinuntahan naming tatlo.

Mabilis pero maingat kung pinasok ang hairpin na nasa kamay ko. Ilang ikot ang ginawa ko bago marinig ang tunog ng kandado na ibig sabihin nabuksan ko na. Sinunod ko ang dalawa at ang huli ay ang doorknob.

Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang nakagapos na kaklase ko na lalaki sa gitna sa Pole. Inalis ko ang takip sa bunganga nya at mabilis kinalas ang tali.

Lumabas agad kami sa loob at kita kung nandoon na ang dalawa kasama ang dalawa pa naming kaklase na kinulong rin.

Nakabalik na kami sa gitna ng apat na  hallway at nandoon narin ang tatlong grupo kasama ang mga nakulong.

"Mabuti at ligtas kayo", ani ni Mist na nakangiti dahil sa accomplishment pero ako naman ay hindi mapakali.

"Ilan tayong lahat?", tanong ko kaya nagtaka sila pero binilang parin nila.

"Guys! I guise were 2-27 only", OMG! Iyan unang lumabas sa bibig ng lahat.

"Sigurado ka?", tango lamang ang sagot nya kaya wala akung nagawa kung hindi ay tumakbo pabalik sa hallway namin. Tinawag nila ako pero nagpatuloy parin ako sa pagtakbo kaya sumunod nalang sila.

"I hope your here!", sinipa ko ang pinto na walang doorknob kaya sapilitan itong bumukas. Tumambad sa akin ang kwartong walang laman maliban sa kaklase naming nakatali ng patiwarik. Nang makita nya ako ay impit itong sumisigaw. Alam kung humihingi ito ng tulong.

Agad ko syang dinaluhan at pilit kinakalas ang tali pero napaatras ako ng makita ang bagay na nakalagay sa likod nya------ isang time bomb.

"Hhmmmm!", umiiyak na ang kaklase ko kaya natauhan ako at naghanap ng bagay para maputol ang tali.

"Shit! Shit! Shit!", lahat na atang mga lintik na salita ay nasabi ko na.

"2 minutes", nawalang pag-asa kung ani habang nakatingin sa time bomb.

"Do you trust me?", mahinahon kung tanong at tinanggal ang takip sa bibig nya.

"Ano bang sinasabi mo?! Tanggalin mo na tong bomba!", umiiyak na galit syang tumingin sa akin.

"Just Answer me! Do you trust me!?", sigaw ko sa kanya. Pero umiiling iling sya kaya naman isang nakakamatay na titig ang binigay ko.

"Yes Or No?", tanong ko ulit.

"Ye-Yes", kinakabahan nyang sagot kaya sinuri kung mabuti ang bomba. Inaamin kung wala akung alam sa bomba na ito pero susubukan kung iligtas ang classmate ko.

"Ano na!", sigaw nya kaya sinuntok ko sya dahilan para mawalan sya ng malay..

"Shut up fucker!", nangangalaiti kung sigaw. Pabayaan ko kayang sumabog to para mapatahimik ang bunganga nito.

"Okay..Inhale...Exhale", nagdadalawang isip ako kung saan ang puputulin kung wire dahil lahat ng wire dito ay lahat kulay pula..

Narinig kung nasipagdatingan ang sumunod sa akin at ng makitang nakapikit ako habang hawak ang isang wire ay napaatras sila at nagtago.

"Trust your sense!", bumuntong hininga muna ako ng malalim. At ng makitang labing limang segundo nalang at sasabog ay kinagat ko ang isang pulang hawak ko. Nanginginig akung mas bumilis ang segundong nalabi mula sa labing lima ay naging sampu.

Ten.....

Nine...

Eight...

Pigil hininga parin akung nakahawak sa bomba at pilit kinakagat ang isa na namang pulang wire.

Seven..

Six..

Five...

Four...

Three....

Two....

One.

Napapikit ako habang kagat ang hindi pana puputol na pangalawang wire. Inaabangan ko ang pagsabog ng bomba pero napamulat ako ng marinig ang hiyawan at yakap ng nasa labas kung classmate na nagtago.

Napamulat ako at nakita ang time bomb na huminto sa mismong number one. Napabuga ako ng malakas na hangin dahil akala ko nabigo ako at mamatay sa oras sa araw na ito.





Comment Down...❣

Assassination AcademyWhere stories live. Discover now