Assassin 12

468 27 0
                                    


"Tang-ina sakit ng paa ko!",

"Ako rin",

"Grabe talaga si Instructor X!",

"Pagkatapos ng 20-25 laps around ay naging 30",

Iyan ang naabutan kung reklamo mula sa lahat pagkatapos ng takbuhan namin kahapon. Buong araw kaming pinatakbo at paulit-ulit at wala pang pahinga.

Ngayon! Binabawi ko na ang sinabi ko kahapon na gusto ko sya bilang Instructor dahil grabe ang pagpapahirap nya sa amin. Ikaw kayang paikot-ikotin sa malapad at malaking field.

"Kilala nyo ba kung sino ang instructor natin ngayon?", tanong ko pero ang matamlay lang na mukha ang sinagot nila.

"Good Morning! Nakatulog ba kayo ng mabuti?", shit! Ngayon alam ko na kung bakit ganon nalang katamlay ang expression nila dahil ang instructor namin ngayon ay walang iba kundi si Instructor X parin.. Argh!

"Bakit ganyan ang Itsura nyo? Nagdala ba kayo ng extra pants at t-shirt nyo? ", tanong nya habang natutuwa sa nakikita nyang expression namin.

"Hindi po kami na inform na kayo po ang Instructor namin ngayon", sarcastic kung sabi..

"Tama po si President Silver, Instructor!", sinong nagsabing tinanggap ko na ang posisyong yan?.

"Sandali! Sinabi ko bang ako na ang maging President nyo? Wala naman akung sinabi ah!", tinuro nila si Mist kaya agad akung napatingin dito.

"Huh! Bakit ako ang tinuturo nyo? Hindi naman ako nagsabi na tinanggap na nya!", pinanliitan ko sya ng mga mata kaya naman agad itong nag peace sign sa akin. Babatukan ko na sana sya ng magsalita si Instructor X.

"I give you 40 minutes para kumuha or magbihis ng stretchable na mga damit!",agad kaming napatayo dahil sa sinabi nya.

"Pero Instructor! Malayo po ang Dormitory namin!", sumang-ayon kami sa sinabi ng kaklase namin. Malaki ang World Academy buildings pati na ang dormitory kaya mahihirapan talaga kami.

"Wag na kayong mag reklamo! Kayo na ang bahala kung paano kayo makarating at makabalik dito sa tamang oras! Hindi ko na iyon problema! Pag may mahuli sa inyo kahit isa ay may punishment kayong lahat! Maliwanag! Ano pang hinihintay nyo Pasko!", agad kaming nasipagtakbo lahat palabas ng classroom.

Tinungo namin ang elavator pero napahinto kami ng mabasa ang nakasulat sa elevator.

"Under maintenance!",sigaw ko.

"Ano!?",sabay sigaw ng lahat.

"Wala na tayong oras! Wala na rin tayong pagpipilian sa hagdan na tayo dadaan!", sigaw ko at nauna ng tumakbo sa hagdan. Sumunod naman sila sa akin.

"Ilang minuto na lang ang natitira?", tanong ni Mist ng makababa kami na hingal na hingal.

"30 minutes!", sigaw ng isa sa amin.Hindi na kami nag-aksaya ng kahit isang segundo at tumakbo na sa nakahilerang mga bike.

Mabuti nalang at naisip ng lahat na para mas mapadali ay sumakay kami ng bike. Halos tumilapon na ang bike naming mga babae ng makarating kami sa tapat ng dormitory.

Agad kaming nagtungo sa elevator ngunit ganon parin sa naunang elavator 'Under Maintenance!'. Umakyat agad kami sa hagdan at nagtungo sa palapag kung nasaan ang dorm room namin.

Halos sirain ko na ang pinto ng dorm namin dahil sa pagmamadali. Agad kung hinalungkat ang cabinet ko at ng makita ang hinahanap. Nagmadali akung nagbihis at nagdala ng extra.

Pagbaba ko ay dalawang bike nalang ang natirang sinakyan namin. Kanino tong isa?.

"President Silver!", narinig ko ang sigaw ng hinihingal na tumatakbo sa Kinaroroonan ko ang isa naming kaklase.

Assassination Academyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें