Assassin 34

394 26 3
                                    

Please Support may Others story Entitled: Magical Teacher and Fire chaser.. Pramis po maganda yang dalawang yan pero kung ako papipiliin sa dalawang yan I recommend the MAGICAL TEACHER. Thank you❤

This chapter dedicated to: RosamaeDrio

   Una naming  ginawa ay ang Obstacles, sunod ang meditation, next is push up sa dagat bago bumalik sa gym. Hindi lang isa kundi maraming beses namin iyong ginawa sa ilang oras.

Nagbihis muna kami at kumain ng lunch. Pagkatapos ay nag training ng special Combat. Tinuruan rin kami kung paano maging flexible ang katawan na parang ahas at hindi lang yan para na kaming nag gymnastics lahat dito sa loob.

May sumuntok at sipa sa ere, may sa punching bag nag-iinsayo at may magka-partner na naglalaban. Sa ilang araw na ganitong insayo ay may malaking improvement na sa klase.

"Instructor X", tawag ko sa Instructor..

"Yes ,President Silver?", tanong nito matapos turuan ang isa naming klase.

"Fight me", paghahamon ko kaya naagaw ko ang tingin ng lahat. Napatigil sila.

"Are you serious?", tumango ako ng sigurado kaya naman na sipaglapitan ang lahat at pumurma ng bilog. Nasa gitna kami nakatayo ng paupuin silang lahat ni Instructor para manood sa laban namin.

Pinatunog ko ang mga binti ko at kamay at leeg samantalang nakatayo lamang si Instructor X at nakatingin lang sa akin. Pagkatapos ng kaartehan ko ay sumugod agad akung ng sipa pero isang palad lang nya ang gamit sa pagsanggga nito.

Sinugod ko ulit sya ng suntok sa mukha ng maraming beses. Tinapik tapik nya lang ang mga suntok ko at mahalata mong hindi sya interesado sa laban namin. Umatras ako at buwelo ng sipa kaya napaatras sya ng sanggain nya iyon. Sinundan ko ng suntok at isang sipa sa sikmura at mabilis na tumalon at humawak sa balikat nya at tumambling papunta sa likuran at ubod lakas ko syang sinipa dahilan para malapit syang madapa.

"Ako naman", sumugod si Instructor X sa akin kaya sinagga ko ang mabibigat nyang atake. Atras ako ng atras. Tumalon sya sa ere at inambahan ako ng sipa kaya nabasag ang depensa ko at napahiga ako.

Tumayo agad ako at umayos. Wala sa vocabulary ko ang matalo kaya sinugod ko sya. Tatlong beses akung tumambling papunta sa kanya at sabay sipa. Nahuli nya ang sipa ko at binalibag ng malakas pero hindi ako tuluyang lumagapak sa semento ng mabilis kung tinukod ang dalawa kung kamay at paatras na tumambling sa kanya palayo.

"Please give a around of applause for our President Silver", nagbigay ng masigabong palakpakan ang lahat para sa akin. Naka thumbs up pa ang iba at ang iba ay nakangiti sa akin.

"Lahat kayo ay e test ko kung gaano na kayo kalakas,kung may natutunan ba kayo", nabigla sila ng marinig iyon kay Instructor. Mukhang ng dahil sa akin ay may naganap na test at ranking sa pakikipaglaban.

Inisa isa ni Instructor ang lahat. May naka survive sa sakit ng mga atake ng Instructor meron ring natamaan pero hindi gaya ng unang araw na susuko at iiyak sa tabi. Malaki na talaga ang pagbabago sa section namin. Pinagpawisan ang Instructor namin habang pumalakpak at binabati ang lahat sa malaking improve. Take Note: Ilang araw pa lang yan pero mabilis matuto ang lahat.

"Magaling! Napaka galing! Ito ang kauna-unahang napahanga nyo ako sa determination nyong matuto at higit sa lahat binabati ko kayo dahil napahanga nyo ako nasa sandaling panahon mabilis kayong natuto",  masayang nakangiti ng ubod tamis si Instructor X. Walang bahid na pangungutya gaya noong unang training.

-------

"Section F!", naagaw ni Instructor Venom ang aming atensyon. Napatingin kami sa dala-dala nyang tatlong malalaking plastic bag. Hindi namin nakita kung ano ang nasa loob nito dahil hindi ito transparent.

Assassination AcademyWhere stories live. Discover now