Assassin 13

443 32 0
                                    

Unang nagtaas ng kamay si Mist kaya tumango ako sa kanya.

"Noong una palang kasi ka naming nakitang tumuntong sa battle arena ay masasabi naming matapang ka kaya naman nong malaman naming sa section ka namin papasok, alam mo bang pinagdiwang namin yon.", tumango ang lahat habang nakangiti.

"Talaga?", tumango sila ulit.

"Ako naman yung araw na tinulungan mo ako sa nambubugbog sa akin", napatingin ako sa lalaking nakasalamin. Sya nga yung lalaking tinulungan ko noong nadaanan ko, kaya pala familiar sya ng minsang mapasulyap ako sa kanya."Ang bait mo nga e, tinulungan mo ako kaya simula noon ay naging Idol na kita kahit hindi mo sinabi sa akin ang codename mo", natatawa nitong sabi.

"Ako naman nakita ko sayo ang namayapa naming leader! Nakita ko sya kung paano mo kami pahalagahan kahit sinasabi mong wala kang pakialam sa amin pero sa bawat kilos mo ay nakikita namin ang pagpahalaga mo", sumang-ayon ang lahat. Ganon ba talaga ang kilos ko? Masyado bang halata?.

"Tama sya! Kahit tinutulak mo kami palayo at gusto mong tigilan ka namin pero alam naming iba ang nasa puso mo.",

"Hindi man namin alam ang pinagdaanan mo noon para magbago ka, hindi man namin alam kung anong klase kang tao pero pinakita mo sa sandaling panahon na nagkasama tayo na mabuti kang tao at hindi yon nawala ,tinago mo lang.", masayang sumang-ayon at pumalakpak ang lahat.

"Alam mo bang Hindi kita gusto noong una dahil wala kang pakialam, manhid gaya ng sabi nila", natatawang saad ni Star..Pansin ko nga!."Pero noong pinakita mo sa Cafeteria na may halaga kami sa iyo,na nandyan ka para iligtas kami doon na nagsimulang nagustuhan kita. Pinaramdam at pinakita mo sa amin na hindi namin pinagsisihang ikaw ang pinili naming karapat dapat sa posisyong iyan.", naiiyak na saad nya. Niyakap naman sya ng katabi nya.

"Kaya naman Bitch kung ayaw mong mabugbog ulit Tanggapin mo na!!", sigaw ni Mist. Hayst!Nangingibabaw talaga ang bibig ng babaeng ito sa nakakarami.

"Ano Silver? Nasa iyo parin ang desisyon.", naibalik ko ang tingin sa Instructor namin ng magsalita sya ulit. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Hindi ko-------", naputol ang sasabihin ko ng sumabat ang lahat.

"ANO?!", sigaw nila kaya napatakip ako ng tenga.

"Hindi pa ba sapat ang rason namin sayo!",

"Napaka manhid mo talaga!",

"Grabe ka naman! Ano ba Silver!? Ano ba ang gusto mong patunayan namin sayo?!",

"Ano pa ba ang dapat naming gawin para pumayag ka!?",

"Tama!",saad ng nakakarami na may kasamang pagkabigo sa mga itsura.

"LECHE KAYO! Hindi pa nga ako tapos magsalita! Aangal agad?!", kailangan ko pa ba talagang magalit para tumahimik.

"Hindi pa ba tapos bitch? Akala kasi namin hindi ka papayag?", napahilot ako sa sintido ko at sinamaan sila ng tingin.

"Paulit-ulit?! Hindi pa nga ako tapos diba? Hindi nyo man lang ako pinatapos mag Speech! Tsk! Oo na papayag na ako. Ano? Masaya na kayo?!!", natulala naman sila sa sinabi ko

"Totoo? Seryoso? Talaga?", sunod-sunod na tanong ni Mist. Bakas sa mukha nila ang pinipigilang tuwa.

"O,O nga!", Ayun! nag-ingay na silang lahat. Bigla naman akung nilundagan ni Mist at niyakap."Hin-di ako makahinga Bitch!", agad naman syang bumitaw mula sa pagkayakap at nag peace sign.

"At dahil pumayag na sya!", may hinanap sya sa bag nya at pinakita nya sa amin."Simula ngayong araw! Hindi na ako maglalagay ng sobrang kapal na make-up!", agad nyang pinahid sa mukha nya ang make-up remover.

"Oh My Gosh!", saad ng lahat ng makita ang tunay na ganda ni Mist. Maganda naman talaga sya at maputi ,naging pangit lang dahil sa makapal nyang make-up. Kay bata-bata pa gumagamit na ng make-up.

Masaya kaming kumain sa cafeteria matapos ang nangyari. Hindi namin inaasahan ang ganoong side ni Instructor X. Nagpapasalamat talaga kami na sya ang magtuturo sa amin.Binabawi ko na talaga ang sinasabi ko. Ngayon gusto ko na talaga syang maging 'Instructor'. Nagpapasalamat rin kami kay Dean dahil pinalagahan rin nya kami kahit hindi pa nya kami nakikita.

Masyado kasing ilap sa mga tao ang Dean simula noong junior pa tong mga kasama ko kaya naman hindi namin sila bibiguin.

Nasa iisa kaming lamesa ng may sumipa sa lamesa kaya tumilapon ang pagkaing nakalagay doon.

Napatayo kami kaagad at masamang nakatingin sa kay Black. Sya ang sumipa ng mesa namin. Nasa likod nya naman ang mga Ruler's pero kulang sila ng tatlo. Pito lang sila ngayon. Yung apat na babae na sina Icy,Fiery,Diamond at Golden at ang tatlong lalaki na sina Black,Flash at Silent. Paano ko nalaman na sila yan? Simple lang sa nametag nila.

"Ano kailangan nyo?", walang gana kung tanong.

"Sino sa inyo ang nakaaway ni Diamond at Golden?", sigaw nito kaya ang mga inchoserang estupidyante ay nagsimulang naging bubuyog.

"Bakit mo tinatanong? Wala ka ba sa araw na iyon? Bakit hindi mo nalang itanong dyan sa kasama nyo?", sabay turo kina Golden. Tinapik naman ni Black ang kamay ko kaya bahagya akong natawa.

"Kayo ang tinatanong ko kaya kayo ang sumagot! Sino sa inyo!?", sigaw nya ulit. Nag smirk muna ako bago sumagot.

"Bakit mo pa pinapahirapan ang sarili mo? Kung pwede namang itanong sa kasama mo?", pabalik kung tanong.

*Pak!

Isang sampal ang natanggap ko gamit ang likod ng kamay ni Black. Susugurin na sana sya ng mga kasama ko ngunit pinigilan ko sila. Hindi naman kasi nila kaya si Black sa ngayon.

"Ang Sakit", saad ko at hinimas himas ang pisngi ko."Bakit mo ako sinampal? Wag mong sabihing itanong ko sa kasamahan ko?", pagbibiro ko."Nakakatawa lang isipin na nagagalit ka dahil nasugatan ang kasama mo ng isang tulad namin.Nagagalit ka kasi nasira ang reputasyon nyo dahil-----",

*Pak!

*Pak!

"Wala ka talagang kadala-dala! Kung magsalita ka parang sino kang malakas! Mahina lang pala!", natatawang insulto nito sa akin.

"Sa ngayon Mr. Black! Mahina palang kami pero wag kang mag-alala kung maging malakas na kami dahil yang trono mong yan ang una naming aagawin. Ang pagiging rank 8 na yan ay mapapasaamin yan sa susunod.", sabay lakad ko ngunit hinila nya ako paharap at sasampalin na sana pero nahuli ko ang kamay nya.

"Pang-ilan ka na bang nakasampal sa akin? Isa!? Dalawa?! Ah! Tatlong beses!", naningkit ang mata nyang nakatitig sa akin. Hinila nya ang kamay nya mula sa pagkahawak ko.

"Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mong pag-sipa sa ari ko!", sinipa nya ako ng malakas kaya natumba ako kasama ang nasa likod kung kaklase."Ano? Iyan ba ang sinasabi mong kukunin mo ang trono ko? Hahahha! Isang sipa nga lang natumba na!", natawa naman ang kasama nya.

Tumayo ako at pinagpag ang narumihan kung damit. Tinulungan ko ring tumayo ang kasama ko.

"Saan mo nilagay ang utak mo? Kinain ng Zombie?!Hanapin mo muna para maintindihan mo ang sinabi ko kanina isama mo na rin sa paghahanap ang Paki ko!", agad nyang inangat ang kamao nya para suntukin ako ngunit hindi sya nakatama.

Sinubukan na naman nya akung suntukin sa pangalawang pagkakataon pero nahuli ko ang braso nya kaya agad ko syang binaliktad.

"Ouch!"

"Masakit yun!", panunukso ng kasama ko sa kanya. Hindi kasi makatukso ang estudyante dahil fan's sila ng mga impaktong to at higit sa lahat natatakot sila.

"Mahina pala ha!", natatawang sabi ni Mist with action pa.

"Hey Losers!", napalingon kami ng may tumawag sa amin. Nakita namin ang mga estupidyante namay dala-dalang pagkain."Batuhin sila!",.

Agad nila kaming pinagbabato pero imbes na magalit,pinagtatawanan pa namin sila habang tumatakbo palayo sa kanila.

Assassination AcademyWhere stories live. Discover now