Assassin 22

468 35 4
                                    


Nasa elavator na kami ng Administrative building at papunta nasa Dean's office. Tahimik lang kaming dalawa ni God of Destruction. Pagbukas ng pinto ng elevator ay agad kaming nagtungo sa office ni Dean.

Kumatok kami bago pumasok sa loob. Nagulat ang Secretary ng makita nya ako at si God of Destruction na magkasama. Lumapit kami sa kanya na hindi parin nakabawi mula sa pagkagulat.

"Nasa loob ba ng office si Dean?", diretsong tanong agad ni God of Destruction. Kaya naman napatayo ang Secretary na nanginginig ang kamay. Bakit naman sya nanginginig? Tinanong lang naman sya ni---oh shit!.

Napatingin ako sa mukha ni God of Destruction at nagulat ako ng makita ang seryoso at nakakatakot na expression ng mukha nya.

"A-Hh si De-an------", napitlag ang secretary at hindi natuloy ang sasabihin ng itarak ni God of Destruction ang dagger nya sa mesa nito. Saan nya nakuha yan?.

"Sumagot ka ng diretso! Wag kang-------Aray!", binatukan ko sya kaya napatingin sa akin ang gulat na Secretary dahil sa ginawa kung pambabatok kay God of Destruction.

"Paano sya makakasagot ng diretso kung naninigaw ka at nanakot!", ngumiti naman sya sa akin bago umayos ng tayo pero seryoso paring tumingin sa secretary, at least hindi na sya ganon katakot kanina.

"Sumagot ka!", takte wala talagang kadala-dala minsan tong dios nato.

"Si Dea-n kasi wa--la sya ngayon", hinampas ni God of Destruction ang lamesa kaya pati ako ay nagulat.

"Tawagan mo sya! Bilis!", napakamot nalang ako sa batok dahil naninigaw na naman sya.

Agad naman kinuha ng secretary ang selpon sa bulsa nya habang nanginginig ang kamay. Tatlong ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya. Ni loud speak ng secretary ang selpon para marinig namin ang pag-uusap nila.

"What do you want?", walang ganang tanong nito sa secretary.

"Ahm. Dean? Ano kasi----",hindi mabuo-buo ng secretary ang sasabihin dahil natatakot sya sa kasama kung dios na nagsimula na namang magdilim ang paningin.

"Faster! What do you want?!", sigaw ng babaeng Dean sa secretary nya. Mas lalong nanginig ang sekretarya dahil sa maitim na aurang nakabalot sa kay God of Destruction at sa maitim ring aura ng babaeng Dean na kahit nasa kabilang linya ay ramdam mo parin.

"Ano kasi Dean nandito si God of Destruction at si Silver sa Section F may kailangan daw silang sabihin sa inyo", napabuga ng malakas na hangin ang secretary.

Natahimik ang kabilang linya pero ramdam ang maitim at mabigat na aura galing doon.

"Ibigay mo sa kanila ang selpon", ma-owtiridad na utos ng Dean.Nanginginig namang inabot ng secretary ang selpon nya kay God of Destruction.Hinablot ito ng dios at nilagay sa tenga ang selpon.

Umupo naman ng walang pagdadalawang isip ang walang modong dios sa swivel chair ng secretary. Gumilid naman ang secretary.

"May gusto ka raw sabihin sa akin?", tanong ni Dean. Tumikhim muna si God of Destruction bago sumagot.

"Mrs. Dean.Gusto ko lang humingi ng pabor na wag nyong ilipat sa section namin si Silver", sabay tingin nito sa akin bago binalik ang tingin sa ibang dereksyon.

"Reasons?", mahinahon pero may authority ang boses ni Dean. Nakakatakot,nakakasakal at makapanindig balahibo kahit nasa kabilang linya ito.

Kahit ako ay ramdam ko iyon ngunit pinatili ko ang postura ko at hindi hinayaan ang katawan kung manginig.

"Dahil gusto nyang itaguyod ang Loser Section! Gusto nya itong buuin bilang isang magaling na Assassin. Bigyan nyo sya ng kunting panahon para mapatunayan nya na kayang makipagsabayan ng mga Loser na iyon sa tulad naming nasa mataas na posisyon", paliwanag ng Dios pero tinawanan lang sya ni Dean.

Assassination AcademyWhere stories live. Discover now