Assassin 42

295 22 3
                                    

Nagpakitang gilas muna sa mga move si Black. May pa-ikot-ikot pa sya sa ere. Pinapakita nya pa ang mga move kung saan sya magaling. Ang yabang talaga.

Mapapahamak lamang sya sa ginagawa nya dahil madaling mabasa ng kalaban ang galaw nya.

"Let's see what you got, Silver the President in Loser Section", agad syang sumugod sa akin ng sipa kaya sinangga ko rin ito ng sipa. Bawat galaw nya ay nasasangga ko dahil nga pinakita nya na ito. Pero hindi ko inaasahan ang maliksi nyang galaw.Napaatras ako ng maramdaman ang mabigat nyang sipa sa sikmura ko. Tumakbo sya papunta sa akin at tumalon sa tuhod ko sabay sipa sa mukha ko. Napahiga ako at napahawak sa ilong ko. Dumudugo ito. Pinahiran ko ang dugo at tumayo. Ngumisi sya sa amin. Oras na para ako naman ang susugod.

Tumakbo ako patungo sa kanya at pinaulanan sya ng suntok. Nasangga nya ito kaya mabilis akung umiikot sa likod nya at inipit ko agad ang isa nyang kamay pero hindi ko natuloy ang pagbali nito ng malakas at mabilis nyang nalaman ang gagawin ko. Pero hindi pa ako tapos. Inangkla ko ang braso ko sa leeg nya kaya napabuloktot ang katawan nya. Agad kung hinawakan ng mahigpit ang sinturon sa likod nya at inangat sya sa ere sabay bagsak ko sa kanya sa lupa. Napagulong sya sa sakit.

"Umalis na tayo", sigaw ko at agad tumakbo sa isang daan pero nadapa ako ng mahawakan at nadaganan ako ni Black."Umalis na kayo rito", ayaw pa sana nila akung iwan ngunit ng makitang seryoso ako ay napabuntong hininga sila bago ako iniwan.

Muling gumalaw ang maze kaya agad kung nilihis ang ulo ko para hindi matamaan. Nadaganan na ako ni Black at sinakal nya ako. Pilit kung tinatanggal ang kamay nyang parang kadenang pumulupot sa leeg ko.Gumulong ako pero hindi ako hinayaan ni Black. Nawawalan na ako ng hininga at nanlabo na ang aking paningin. Nakita ko O nag hallucinate lang siguro ako ng makita sina Daddy at Mommy. Ngumiti sila sa akin at bumulong  sa hangin ng 'Laban, Anak'. Nabuhayan ako at malakas na siniko ng dalawang beses si Black sa panga nya bago ko naramdaman ang pagkaluwag ng kamay nya sa leeg ko.

Umubo-ubo ako bago umupo at lumanghap ng maraming beses.Mabilis namang nakabawi si Black. Nasa harapan ko na sya at nakangising dinilaan ang dugo sa labi nya dahil sa pagsiko ko.

Bago pa nya ako mahawakan ay isang sipa ang natanggap nya sa akin. Napaatras sya at tumayo naman ako at naghanda sa anumang pagsugod nito. Sumugod sya kaya sinalubong ko sya pero nagulat sya ng bigla akung umikot at binigyan sya ng siko sa ulo kaya nadapa sya. Tumayo sya at galit na galit na tumingin sa akin.

Agad nya akung pinaulanan ng suntok kahit sa anong parte kaya mas pinaigtingan ko ang mga depensa ko. Malalakas ang bawat suntok nya kaya naman napapatras ako palayo sa kanya. Mabilis akung umatras at binigyan ko sya agad ng sidekick sa panga kaya natumba sya.

"Tapusin na natin to Bitch!!", sigaw nya at halos pumutok na ang ugat nya sa leeg dahil sa galit.  Sinugod ko sya sabay padausdos patungo sa kanya. Nakadaan ako sa gitna ng mga binti nya at mabilis na kinuha sa unahan ang espadang hawak ko kanina lang.

Nakaluhod akung umikot at agad syang sinugatan binti. Napasigaw sya at lumingon sa akin. Agad nya akung inambahan ng tadyak sa mukha kaya humiga ako sa lupa sabay hiwa sa binti nya.

"Arghhhh!", malakas nyang sigaw at napaupo hawak-hawak ang binti nyang hiniwa ko. Tumayo ako at mabilis syang tinadyakan sa mukha ng maraming beses. Halos hindi na makilala ang mukha nya dahil sa dugo at sugat nyang nakuha sa tadyak ko. Niluhod ko ang isa kung tuhod at hinila ang buhok nya.

"Sabi namin hindi ba na kukunin namin ang pwesto mo bilang ika-walong Ruler's. Ito na siguro ang tamang oras na sinasabi mo. Magkita nalang tayo sa impyerno. Tandaan mo ang mukhang to", pero bago ko pa man maitarak sa leeg nya ang espada ay may tatlong shurekins ang patungo sa akin ng gumalaw ang maze sa gilid.

Agad akung tumalon paatras kaya naiwasan ko iyon. Humigpit ang hawak ko sa espada ng makita ang misteryosong lalaki. Sya ang nagbato sa akin ng Shurekins. Susugurin ko na sana sya ng biglang nagsipaglabasan ang mga alagad nya sa likod nya.

"Ang duwag mo! Nag dala ka pa ng alagad mo para sa akin!", tumawa lamang sya at sumeryoso.

"Duwag na Kung Duwag! Masama bang susubukin ko muna ang lakas mo", tang-ina! Kanina pa pala sya nonood. Muling gumalaw ang Maze sa kung saan dumaan ang kaklase ko.

"Magkikita pa tayo at sisiguraduhin kung pagbabayaran mo ang ginawa mo sa pamilya ko. Mark my Word!", banta ko at mabilis na lumisan bago nya pa mautusan ang alagad nya na patayin ako.

Tumakbo ako at ramdam kung may sumusunod sa akin at hindi nga ako nagkamali ng lingunin ko iyon dahil ang mga alagad ng lalaking iyon ang sumusunod. Pinagbabato nila ako ng shurekins pero mabilis akung tumalon at umikot-ikot sa ere. Naiwasan ko iyon pero dahil doon ay bumagal ang takbo ko at naharangan ako ng isa.

Mabilis kung sinugod ang isa at binigyan sya ng suntok kaya lang nasangga nya pero hindi ang kasunod kung siko na tumama sa tenga nya. Napahiga sya kaya agad kung tinarak ang espada sa dibdib nya. Muli akung tumakbo at muli na naman nila akung pinaulanan ng shurekins sa iba't-ibang parte kaya mabilis akung huminto at sinangga iyon gamit ang espada.

Tumakbo ako ulit palayo sa kanila ng gumalaw muli ang Maze. Hinihingal na ako at marami ng daplis sa katawan dahil sa laban namin ni Black. Kapag nagpatuloy pa to siguradong kapusin na ako ng hininga ngunit hindi ako papayag na ang mga pipitsuging Assassin na mga ito ang papatay sa akin. Kailangan ko pang harapin ang leader nila.

Nabalik ako sa ulirat ng maramdaman ang pagtama ng shurekins sa braso ko. Napahinto ako at napatingin sa unahan ng makita ang misteryosong lalaki. Sya naman ulit ang nagbato ng shurekin na tumama sa braso ko.

Nangigil akung tumakbo papunta sa kanya at sabay hila ng nakabaong shurekin sa braso ko.

"Ahhhh!", sigaw ko at binato sa kanya pabalik pero dalawang daliri lamang ang ginamit nya sa pagsalo ng shurekin. Binigyan ko sya ng slash pero iniwasan nya lang iyon. Ilang ulit ko syang sinubukang hiwain ngunit mabilis ang kilos nya.

Umatras ako at inandayog ng malakas ang espada ko. Naiwasan nya iyon sabay sipa sa kamay kung nakawak sa espada kaya tumilapon ang espada sa ere. Nagkatitigan kami at sabay tumalon para kunin ang espada. Habang sa ere ay sinipa nya ako kaya bumagsak ako sa lupa. Nakuha nya ang espada at tinutok sa leeg ko. Tinitigan ko sya sa mata ganun rin ito. Mabilis akung nakaisip ng paraan. Mabilis kung ginamit ang paa ko, pinulupot ko ang dalawa kung binti sa kamay nyang may hawak na espada sabay hila papunta sa akin. Agad kung iniwasan ang espada na papunta sa akin kaya natusok ito sa lupa. Binigyan ko kaagad sya ng sidekick sa panga ngunit nakatalon sya paatras. Hindi pa sya naka porma ay mabilis akung tumayo at hinablot ang espada sa lupa sabay bato sa kanya. Mabilis nyang hinilig ang ulo nya pero nadaplisan parin ang pisngi nya.

Tumulo ang dugo nya mula sa sugat na gawa ng espada. Hinawakan nya ito at nanlilisik ang mga matang binalingan ako ng tingin. Binato nya ako ng maraming shurekins kaya iniwasan ko iyon pero nakakuha parin ako ng daplis sa katawan. Mabilis syang nakalapit sa akin at dobleng sipa ang nakuha ko sa kanya. Napaluhod ako. Tiningala ko sya ngunit bigla na lamang syang nawala sa harapan ko. Lumingon ako sa likuran kung nandoon pa ang mga alagad nya pero wala na rin ito.

Nang masigurong wala na sila ay mabilis akung nagpatuloy sa pagtakbo. Nakita ko na sa di kalayuan labasan ng maze kaya mabilis akung tumakbo doon. Pagdating ko doon ay bigla akung napaluhod.

"President Silver!", narinig kung magkasabay silang sumigaw. Lumapit sila sa akin para tulungang makatayo ngunit biglang nanlabo ang paningin ko kaya bumagsak ako sa damuhan.

"President Silver? Anong nangyayari sayo?",

"OMG! Anong nangyayari sa kanya?",

"Guys! Tulungan natin sya!", narinig kung sabi nila. Nagpapanic na sila sa pag-alala. Gusto kung tumayo ngunit hindi ko magawa. Gusto kung magsalita ngunit hindi ko magawa, namamanhid ang bibig ko. Nahihirapan na akung huminga at nanlabo na rin ang pandinig ko. Nakita kung binuhat ako na parang pangkasal ni Axe. Isa sa classmate kung mahilig sa paggamit ng palakol. Iyon ang paborito nyang sandata.

Naramdaman kung tumatakbo kami habang sumusunod ang lahat ng Section F. Nakita kung sinalubong kami ni Instructor X bago ko pinikit ang mga mata ko at tuluyan ng nawalan ng malay..

Assassination AcademyWhere stories live. Discover now