Assassin 17

438 30 0
                                    


Hapon na ng makauwi ako ng dorm. Ang sayang makabonding ang buong section. Pumasok ako sa loob at nadatnan ko ang basag na mga gamit parang may nagrambol sa loob ng dorm namin.

"Sunday? Puma? Nasan kayo?", tawag ko ng hindi sila makita sa kusina. Dumiretso ako sa kwarto. Bubuksan ko na sana ang pinto pero napatigil ako ng marinig ang mga basag na gamit sa loob.

"Sa tingin mo ba?---- Ackkk!",narinig ko ang boses ni Puma at parang sinasakal sya. Binunot ko ang katana at sinipa ng buong lakas ang pinto.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING!?", sigaw ko kay Sunday at tinulak sya palayo kay Puma na sinasakal nya. Kaya pala nagkagulo at nabasag ang mga gamit dahil nag-away ang dalawang ito.

"S-Sa-Salamat Silver!", umubo ubo si Puma at tumayo mula sa pagkahiga sa kama nya. Tinitigan ko naman si Sunday ng masama dahil sa ginawa nya.

"Ano bang nangyayari dito? Puma? Sunday?", tanong ko at palipat-lipat ang tingin sa kanila."Bakit nagpapatayan kayo dito? Kung hindi pa ako dumating baka isa na sa inyo ang nilalamayan!",.

"A-Ano kasi Silver", sinugod ako ng yakap ni Sunday at humahagohol ito sa balikat ko.."Hin-Hindi ko naman sinasadya.Si Puma kasi--*singhot* kung ano lang ang sinasabi nya! Ta-tapos ano--pinagbantaan nya akung patayin kaya lu-lumaban ako", naiiyak nitong kwento.

Hinaplos ko naman ang likod nya at niyakap sya ng mahigpit. Lumingon naman ako kay Puma na mukhang takot na takot. Sinamaan ko sya ng tingin kaya napayuko sya.

"Totoo ba to Puma?", hinarap ko sya matapos humiwalay ng yakap si Sunday sa akin."TOTOO BA?", sigaw ko at bahagya syang tumango.

Napasapo ko ang noo ko at ginulo ang buhok ko. Paano kung wala ako rito? Magpapatayan sila?. Tsk!

"Anong nangyari sayo? Bakit mo ginawa yun?", tanong ko ng mahinahon pero umatras lang sya palayo sa akin.

"Patawad! Hindi ko sinasadya! Patawad sa inyo! Nadala lang ako ng galit ko! Sor---ry Sunday", umiiyak nitong sabi kaya naman nilapitan ko sya at niyakap pero nabigla ako ng maramdaman ang sakit sa likod ko.

Nabitawan ko ang katana ko at humiwalay mula sa pagkakayakap sa kanya. Nakita ko ang dagger sa kamay nya at duguan ito.

"Oh My God Silver!", sigaw ni Sunday at inalalayan nya ako para hindi matumba. Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo ko mula sa saksak ni Puma."PUMA! ANONG GINAWA MO!?", susugurin na sana sya ni Sunday pero pinigilan ko sya.

"Wag kang lalapit sa kanya baka saktan ka nya!", nakatutok sa amin ang dagger ni Puma pero may napansin ako sa kanya para syang takot na takot at nanginginig habang nakatingin sa duguang dagger.

Nanginginig ang tuhod,labi at kamay nya ng binitiwan ang dagger."Puma?", tawag ko sa kanya ngunit tumakbo sya sa palabas ng dorm.

Inalalayan naman ako ni Sunday palabas.Nahihilo na kasi ako at marami ng dugo ang nawala sa akin.

"Tulungan nyo naman ako!", narinig kung sigaw nya sa lahat kaya naman nilapitan kaagad nila kami ng makitang duguan ako.

Sunday's POV

"Silver! Wag mong ipipikit ang mata mo please!",sambit ko habang sinusugod sya sa infirmary. Umiiyak na ako dahil natatakot ako baka malaki ang sugat nyang natamo sa pagsaksak ni Puma.

Pagdating namin sa Infirmary ay inihiga agad sya sa kama at pinalabas kaming lahat. Inaasikaso na si Silver ng may nasipagdatingan.

"Anong nangyari kay Silver?", nag-aalalang tanong ng babae.

"Nasaksak sya", sagot ko habang nakayuko.

"ANO?!", gulat nilang sigaw habang napapahilamos sa mukha.

Assassination AcademyWhere stories live. Discover now