Assassin 4

580 37 0
                                    


    

       Paghinto namin sa pangalawang gate, gaya nung unang gate ay may inspection ring naganap, pagkatapos ng inspection ay pinapasok na kami.Tanging pagkamangha ang makikita sa mukha ko ng makita ang nasa loob ng nagtataasang pader. Iba't ibang malalaking store ang makikita at naririto rin ang hindi mawawalang gusali ang Mall at Bar.

Hmm! Mini City!

Sa unahan naman ng mga gusali ay nandoon ang malaking gusali. Dalawang bilog na gusali at sa gitna nito ang hugis Pi.

A/N: (Pi is one of the symbols of mathematics).

"Butler John iyan na ba ang Academy?", nilingon ko sya na tahimik lamang nakaupo.

"Yes Lady Hayumi..The one in the middle of that big Pi shape is the World Academy Building, iyang nasa kaliwa na bilog na gusali na kalahating semento, kalahating glass wall iyan ang Battle Arena at ang --------", tinaas ko ang kamay ko kaya napatahimik sya.

"Tama ba ang narinig ko. Battle Arena?",  Battle Arena? For What?

"Yes, Lady Hayumi..Kung tatanungin nyo ako para saan ang Battle Arena hindi ko po alam at ang kaliwang bilog na gusali na full glass wall ay ang sport center.",. pagpapatuloy ni Butler John ng papalapit na kami sa Academya pero ang nakakapagtaka ay wala akung makikitang kahit isang estudyante,tahimik lamang ang Academy. Weird!

Huminto kami sa Battle Arena. Bumaba ako at sumunod sa mga transferees na katulad ko. Umalis naman ang limousine na sinakyan ko ganun rin ang ibang sasakyan.

Huminto ang lahat sa tila entabladong nakalagay sa labas ng bilog na building na tinatawag nilang battle arena. Sa taas ng hindi kalakihang stage ay nandoon ang apat na lalaking nakatayo. Ang lalaking nasa gitna ay may hawak-hawak na microphone.

"Hello Novices!Welcome to Assassination Academy!", masiglang sigaw ng lalaking sa gitna na katulad lang namin ng edad."Are you ready for today?", nagsigawan ang ibang mga kasamahan ko samantalang tahimik lamang ang iba kasama na ako."Before we go to our destination Let me introduce myself first. I'm Ocean! Yes! Karagatan..You can call me PRES.OCEAN. This is not my real name but this is my Codename.I'm President Council in this Academy..Now Novices! Prepare yourself!", nag-ingay ulit ang mga kasama namin, pagkatapos magsalita Si Ocean ang President Council ay bumaba mula sa stage ang tatlo nyang kasama at lumapit sa amin.

"Line Up! Separate Women and Men!", nakangising sigaw ng nasa kanan kaya pumila kaming nasa one hundred na bagong estudyante. Napansin ko ang nametag nang tatlong lalaki,kulay ginto ang letra ng CODENAME nila. Ang nasa kanan ay Si Spring kasunod nya ay si Light at ang panghuli Si Shadow.

I hate this feelings! Parang may mangyayaring hindi mo gustuhing mangyayari! sambit ko sa isip nang pagmasdan mula ulo hanggang paa silang apat.

"Divide the two queues of men and woman! The first batch will enter first and fight.", si light naman ang nagsalita na may kahalong makapanindig balahibo na ngisi. Feeling ko estudyante rin sila dito dahil sa suot nilang maputing long sleeve with men maroon blacers at naka maroon pants pero ang mga lalaking ito ay may mga posisyon sa academy.

Nabaling naman ang lahat ng tingin ng magsalita ang panghuli na si Shadow."Each Batch must be thirty people! Good luck!", kung kaninang ang nakapanindig balahibo na ngisi ni Light ngayon naman ang kay Shadow  ay ang boses nitong akala mo ay nasa ilalim ng lupa.

Nangunang pumasok ang mayayabang na kalakihan at kababaihan ng bumukas ang metal door ng Batte Arena. May pa kaway-kaway pa silang nalalaman na parang mga politiko na tumatakbo. Sigurado akung may nalalaman sila tungkol sa Academy dahil sa confident aura nila.

Assassination AcademyWhere stories live. Discover now