Assassin 45

269 17 2
                                    

"Finally", pagpasok ko palang sa Dean office ay naghihintay na sa akin ang lalaking gusto akung patayin."Ang tagal mo namang nakaabot dito.", pailing-iling pa ito habang nakatingin sa akin.

Bored syang tumayo mula sa kinaupuang swivel chair."May ibibigay pala ako sayo dahil nakarating kana rito. Tanggapin mo sana ito bilang gantimpala",.

Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang hinila nya mula sa isang sulok. Si Serpent. Bugbog sarado na ang buo nitong katawan at marami na syang sugat mapakamay man O mukha. WTH.

"Anong ginawa mo?!", nanlalaiti kung sigaw sa kanya.

"Hindi naman talaga sa kanya ito mangyayari kung hindi sya humarang sa dinaanan ko. Kung hindi rin nya nakilala ang tunay kung pagkatao", tumatawa nitong sabi sabay balibag nya sa katawan ni Serpent papunta sa akin na para bang isang sakong bigas lang."Wag kang mag-alala. Buhay pa yan pero habang tumatagal mamatay rin yan dahil mauubusan yan ng dugo at syempre kasalanan mo kasi ang hina mo.",

"Damn you! Sino ka ba nga talaga?", sigaw kung tanong at nilabas ang katana ko mula sa lalagyan nito.

"Tsk! Hindi mo parin ba ako nakikilala. Pathetic.", pang-iinis pa nito.

"Kung hindi mo sasabihin. Pipilitin kita", saad ko at naka fighting standing.

"Then, Come here!", hindi maitago ng maskara nya ang ngisi nito sa akin.

Nilibot ko ang paningin at wala akung nakitang patibong. Wala rin akung nakitang armas na hawak nya.

"Wala akung nilagay na patibong kung yan ang inaalala mo",

"Kahit may patibong ka pang nilagay, iiwasan ko yun para lang makalapit sayo!", sabay sugod sa kanya. Hiwa doon, hiwa dito ang ginawa ko pero masyado syang malikot kaya hindi ko sya magalusan man lang.

"How sweet! Determinado ka talagang makalapit sa akin. Gusto ko yan!", mangungutya nya habang iniiwasan ang pag-atake ko."My turn!", bulong nya at mabilis nya akung sinipa sa mukha at mabuti nalang mabilis ang pagsangga ko doon gamit ang katana at ng lalagyan nito kaya hindi ako natamaan kaya lang napaatras ako palayo sa kanya.

"Totoo nga palang mabilis ang kilos mo sa depensa. Gawin kaya natin ng ganito", nakita kung may binunot syang tatlong dagger at sunod-sunod ang pagtapon nya sa akin. Mabilis kung naiwasan ang dalawang iyon.

Agad akung nabahala dahil tatlo ang tinapon nya at kitang-kita ko iyon. Nasaan ang isa?. Napalingon ako sa likod ko ng maramdaman ang paparating na dagger. Mabilis ko iyon sinangga ng katana kaya hindi ito nakasugat sa akin.

"Mabilis rin ang reflexes mo.", magiliw nitong sabi. Mukhang nag-e-enjoy syang paglaruan ako. "Wag mong iwawala ang paningin mo sa kalaban mo", narinig kung sabi nya pero hindi na ako nakakilos ng mabilis na tumama sa tyan ko ang sipa nya kaya tumilapon ako sa gilid.

Napasuka ako ng dugo at ininda ang sakit. Kahit wala syang armas ay siguradong talo na ako. Malakas, mabilis ang galaw at sipa nya na pwedeng maging dahilan ng pagkamatay mo.

"Ano ba! Iyan lang ba ang kaya mo? Ilang buwan ka bang nag-insayo? Ang hina mo pala", disappointed itong nakatingin sa akin.

"Sya nga pala kamusta naman kaya ang kasamahan mo? Patay na siguro sila? Ano sa tingin mo? Alam kung alam mo na malayo ang agwat ng lakas nila sa kina Ocean, Dark, Black, Shadow, Silent at Flash. Akalain mo nga namang nasa higher position sila. Nakakaawa naman ang kasama mo.", pang-aasar nito.

"Wala sa posisyon ang pagbabasihan para manalo sa laban. Hangga't hindi pa natatapos ang laban hindi mo pa pwedeng sabihing natitiyak muna ang pagkapanalo mo. Kilala ko ang kaklase ko at alam kung mahirap man pero makakaya nilang baliktarin ang sitwasyon", tumayo ako at naghanda sa pagsugod.

Tumawa ito ng malakas at kahit ang tawa nito ay napaka familiar sa pandinig ko. May hinala na ako pero dapat hindi lang basta hinala kundi papatunayan ko iyon.

Tinutok ko sa kanya ang katana at mabilis na tumakbo sa kanya. Naghanda sya sa pagsugod ko pero huminto ako sa kalagitnaan ng pagtakbo ko at mabilis na binato patungo sa kanya ang katana.

Syempre madali lang sa kanya maiwasan iyon.  Pero ang kasunod kung pagsipa at pagsuntok ay hindi nya naiwasan na kinabigla nya. Umatras sya palayo sa akin.

"I see. Tricks.", mabilis syang sumugod sa akin. Suntok at sipa, sangga at iwas naman ang ginawa ko pero mabilis talaga sya kaya nakakalusot ang iba nyang atake.

Hindi lang dapat ako sangga at iwas dapat makakaganti rin ako. Umatake ako sa kanya  at depensa naman sya. Napadikit ako sa pader at balak pa ata nitong e korner ako dito sa pader. Mabuti nalang nasa itaas ng ulo ko ang katana kung nakatusok kaya lumambitin ako doon sabay talon sa likod nya at mabilis kung iniwasan ang patalikod nyang sipa. Napaluhod ang isa  kung tuhod sa sahig kaya ini-slide ko ang isa kung binti para patidin sya pero nakatalon sya patagilid.

Binunot ko ang katana ko mula sa pader at kinuha ang lalayan nito sa sahig. Inilagay ko ang katana sa lalagyan nito at sumugod sa kanya. Binunot ko sa lalagyan ang katana at iniwasiwas sa kanya. Naiwasan nya iyon ngunit hindi ang kasunod na palo sa ulo nya gamit ang hawak kung lalagyan ng katana.

Dahil na distract sya sa palo kung iyon ay hiniwa ko ang mukha nya pero mabilis syang nakaatras kaya ang maskarang suot lang nya ang nahiwa ko.

Napayuko sya at napatingin sa maskarang nahiwa sa sahig. "Ngayon, Sino ka?", tanong ko at tinitigan sya. Nakatabon kasi ang hindi kataasan nyang buhok sa mukha nya.

"In the first place pala ay maskara ko na ang target mo.", nakangiti nitong sabi at dahang-dahan inangat ang ulo hanggang nagsalubong ang aming tingin. At sa pagkakataong ito ay hindi ko mapigilang magulat." Surprised?",

"Pa-anong i-ikaw?", gulat na gulat ako. Akala ko hindi na ako magugulat dahil naisip ko na sya pero talagang hindi ko mapigilan paring magulat O mabigla.
"Akala ko si Mist lang ang nakakagulat dahil sa nangyari sa pagitan namin pero talaga ngang may mas malala pa doon", hindi ko mapigilang maibulalas iyon.

Napahawak ako sa pisngi ko ng may maramdamang basa doon. Akala ko noong una dugo pero ng hawakan at makita ko iyon at ang sunod-sunod na pagpatak. Alam kung umiiyak na ako.

"Reflexes, Defense and Decision making ay talagang nakakabilid at isa iyon sa kailangan para maging leader sa Assassin pero nakaka disappoint ang madali mong magtiwala at ang emosyon mong yan", ngumiti ito at mabilis akung sinugod kaya hindi ko iyon nasangga at tumilapon ako sa mesa. Napasuka akung muli ng dugo.

"Nakakapaghinayang ang talento mo. Sana kung hindi sa ganitong sitwasyon tayo nagkita siguro magiging magkasundo tayo", lumapit ito sa akin at tinapik-tapik ang pisngi ko.

"Bakit? Bakit mo ito ginagawa?", iyan ang isa sa mga  tanong ko na tanging sya lang ang makakasagot.

"Bakit nga ba? Dahil gusto kung ipagpatuloy ang sinimulan ng Clan ko at ang Clan nyo ang sagabal", ngiti nito. Bago pa nya madugtungan ang sinabi nya ay mabilis ko syang sinampal at sinipa palayo sa akin.

Napaluhod sya at ako naman ay tumayo mula sa pagkasandal sa wasak na mesa."Lahat ba ng pinakita mo ay isang laro lang para sayo?",

"What do you think. Sa tingin mo ba makikipag-ugnayan ako sayo para sa wala lang.  I feel disgusting sa mga oras na magkalapit tayo", serysosong tumingin sa akin ang kulay uling nitong mga mata.

"Bakit ko pa nga ba iniisip ang isang sitwasyon na imposibleng mangyari", sumeryoso ako at nilabanan ang titig nya. Naglabas ako ng pamatay na aura. Isinantabi ko ang emosyon ko na maging sagabal sa laban namin.

"Ngayon, palang magsisimula ang tunay na laban, God of Destruction or should I say Nagawa Successor.",


Wew! God of Destruction!




Assassination AcademyWhere stories live. Discover now