Chapter 40

85 7 1
                                    


"Ang makakasama niyo ay ang mga Montemayor, Delgado, at kayo Monteverde hindi natin makakasama ang ibang pamilya dahil ayaw na nilang mangielam." Paliwanag samin ni Atty.

Nasa office niya kami ngayon para makapag usap ng maayos, at iniwan din namin sa living room sila Grace lalo na't ayaw ko na silang madamay sa sitwasyon ko.

"Isang pamilya lang naman ang Monteverde, ibig sabihin kayo lang. Buong Delagado, at buong Montemayor ang makakasama natin sa conference. Maraming itatanong, hindi maiiwasan ang sigawan. At sana... ma-control mo Grind." Natigilan ako sa huling sinabi ni Atty at tinanguan siya. 

"Bakit kasama ang mga Delgado? Are they the judges? Kailangan natin ng judge." Napatingin ako kay Lizy, dahil sa tanong niya.

"To inform all of you the Delgado family has a rights to be a judges here in Làs Èspalas. You don't have to worry because there's really a judges in their family, they're not just living here anymore. But they'll be here tomorrow." 

Hindi ko mapigilang humanga ng marinig yun dahil hindi ko naman alam na may mga ganun sa pamilya ni Jax. Ang alam ko lang mayaman sila, sobrang yaman. 

Natigilan nalang ako ng may humawak sa kamay ko, at tiningnan kung sino ito. Napangiti nalang ako ng makitang si Max pala.

"Kung ganun kailangan pala naming ibigay lahat ng nakuha naming ibidensya." Rinig ko pang salita ni Kuya, na ngayon ay katabi ni Lizy.

"Oo ganun na nga. Ang sabi sa'kin kaninang umaga, ng mahuli si Mrs.Monteverde, nag tangka pa daw siyang tumakas. At nag hanap narin ang mga pulis sa bahay niya kung may ibidensya pa."

"May nahanap ba?" Seryoso kong tanong sakanya.

"Oo, meron. Ilang mga papeles na... nag bibenta sila ng mga pinagbabawal na gamot. At gumagawa sila ng kababalaghan, sa iilang batang babae." Natigilan ako sa sinabi niya. Nag simulang manginig ang kamay ko, k-kaya agad ko tong hinawakan. Para pigilan.

Hindi ko akalain na g-ganto ang ginagawa ni Mom. B-Bakit kailangan ganto?!

"K-Kailangan na nating umuwi. Para makapag pahinga, anong oras narin at maaga pa tayo bukas." Salita ni Kuya. Kaya agad kaming nagsi tayuan, at nag paalam na kay Atty.

"Saan mo siya iuuwi?" Tanong ko kay Kuya na ngayon ay nakakatitig kay Lizy. 

"Sa bahay ko." Diretso niyang sagot sakin, habang nakatitig kay Lizy. Napangisi nalang ako.

"Ako na mag hahatid sainyo." Napalingon naman ako sa nag salita, at napangiti.

Tumango nalang ako, at niyaya na sila Wendy na sumakay sa sasakyan ni Max.

Mabilis lang kaming nakarating. At pumasok na sa Orphanage sila Wendy at Grace, dahil inaantok na daw sila. Napaka bilis umandar ng oras, hindi ko akalain na gabi na. 

Napatingin nalang ako kay Max, na ngayon ay halatang may inaabangan, napangisi nalang ako.

"Goodnight." Mahinahon kong sabi sakanya. Ngumiti naman siya sakin, at dahan dahang naglakad papalapit sakin.

"Good night." He said sweetly, while staring at me. Hindi ko mapigilang mapangiti, at hinawakan siya sa pisngi.

"I-I love you." Banggit ko. At dahan dahang nilapit ang mukha ko sakanya, at mabilis na hinalikan siya sa labi. But then... I felt my tears dripping down on my cheeks at ramdam ko din ang mga daliri niyang agad pinunasan yun kaya lalo akong napangiti. 

Nag paalam na ako sakanya, at pinanood ang pag alis ng sasakyan niya. Pag alis niya, pumasok nadin ako at umakyat sa kwarto.

Hindi na ako nag hugas ng katawan, at nag bihis nalang. Napabuntong nalang ako ng hininga, ng makita ang mga babaeng to na mahimbing na natutulog. Napangiti nalang ako, at inayos ang mga kumot nila at humiga narin sa sarileng kama at hindi na iwasang mag isip na namn dahil hindi ako makaramdam ng antok.

Remembering The Sky (Làs Èspalas Series #1) (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang