Chapter 10.

91 12 0
                                    


"Oh! Pareng Paul." Rinig kong bati ng isang lalake na naka shades.

Halatang lahat sila ay kilala ang Kuya ko. Isa isa silang lumapit at napansin ko yung isa na naka tingin kay Ate. 

"Paul musta?" Tanong ng isa. Habang nakapamulsa pa ito. 

"Brother Paul? Is that you?" Tanong pa nung isa sakanila. Punyeta ano?! Tatayo nalang ba ako dito?! 

"Paul? I miss you." Sabi niya sabay yakap kay Kuya. Pero agad naman itong umatras dahil aakma si Kuyang susuntukin siya. Nag tawanan naman sila dahil dun. 

"Mga sira talaga kayo." Sagot ni Kuya sakanila habang tumatawa. 

Humanda ka saking halimaw ka! They know that I hate waiting. 

"So? kailan tayo ulit iinom?" Rinig ko ulit tanong nung naka shade. Siya lang naman kasi yung naka shade sakanilang apat. 

"Nako, out muna madaming work."

"Hindi na ako mag tataka kung kayong apat, matanda na bukas." Sabi niya. Napangisi naman sila Kuya. 

"Kahit naman tumanda kami, gwapo pa din kami." 

"Yeah and girls like us. They want matured man, not like you." Napatingin ako sa nag salita. 

Meron siyang salamin kaya lalo itong nag pa matured sa itsura niya atsaka parang mag kasing edad lang sila ni Kuya. Napairap nalang ako at napatingin kay Max na ngayon ay nakatingin din sakin, tinaasan ko siya ng kilay at umiwas naman siya. 

"Anong sabi mo?!" Akmang susuntukin na nung naka shade yung isang nakasalamin pero inawat naman sila agad ni Kuya. 

"Seriously? Dito kayo mag aaway." Sabi ni Kuya kaya napamewang ako. Napansin ko na kinalabit siya ni Ate sabay nguso sakin. Kaya dahan dahan siyang lumingon sakin. 

Nang mag tama ang tingin namin diko na napigilan yung kamay ko. Hinampas ko agad sa mukha niya yung mga pinamili naming damit para sakanya. 

"Aw!" Rinig kong mga reaksyon nila, kaya tiningnan ko sila ng masama.

"Oh, may kamukha ka." 

Lumingon ako ng marinig ko yun at hinanap ang nag salita.

"Diba?" Tanong niya sa mga kasama niya. Nag tama ang paningin namin nung nakasalamin at nakita ko yung gulat sa mukha niya at tumingin kay Max.

"Ikaw yung, siya yung kalar-" 

"Paul, I think we have to go." Napatingin ako sa sumingit na si Max. 

Pinasadahan niya pa ako ng tingin at hinila ang mga pinsan siya. Bumalik ang tingin ko kay Kuya na ngayon ay nakaluhod at nakahawak sa mukha niya. 

"Sinong gwapo ulit kahit matanda na?" Tanong ko na may sarcastic na tone. 

"Mygosh! What a mess! Tara na nga umuwi nalang tayo." Yaya sakin ni Ate at hinila na ako papalabas ng mall. 

Hindi na namin hinintay si Kuya, bahala siya diyan umuwi mag isa. Sumakay kami ni Ate sa kotse at napansin ko naman na badtrip ang mukha niya, ano meron sakanya? Imbis na dapat ako yung bad trip.

Pag dating namin sa bahay dirediretso siyang padabog umakyat sa kwarto niya, tssk. Ako naman, I went to the kitchen because I was so hungry kakahintay sa wala! Akala kopa naman makakakita ako ng mga bagong luxury bags at mga damit, napanguso nalang ako sa sobrang pagka dismaya. 

Habang kumakain ng toest tiningnan ko yung watch ko and It's already 6pm tapos pumunta kami dun sa mall 5, tapos wala manlang akong nabili, tssk. 

Remembering The Sky (Làs Èspalas Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now