Chapter 2.

174 37 3
                                    


Hanggang ngayon hindi parin matanggal sa isipan ko yung naramdaman ko kagabi. Nasa coffee shop nako. Maaga akong pumasok dahil aasikasuhin kopa yung pagtanggap namin nang bagong dalawang employer para hindi na kami mahirapan pag maraming costumer. 

Nag post na si Blaster sa social media na humahanap kami ng imployer at nag lagay nadin nang poster sa harap namin kaya baka ngayon meron nang pumunta. Wala pa akong maayos na tulog dahil nanaman sa bangungot, tssk.

Nag timpla ako nang kape para mahimasmasan ang mata kong kanina pa gusto pumikit. At napunta ang tingin ko sa pintuan nang tumunog ito. 

"Hmm, Hi po." Isang babae ang pumasok halatang nag-aaral pa ito, tinanguan ko siya at tuluyan na siyang pumasok. 

"Andito po ako para mag apply for this job po." Sabi niya at pinakita sakin ang post ni Blaster sa social media.

"Ilang taon kana?" Tanong ko at umupo sa harap niya habang umiinom ng kape. 

"19 po ma'am." Tumango tango naman ako sa sagot niya. 

Hindi siya mukhang 19, baby face eh.

"Magpakilala kana kung ano bang gusto mong sabihin, tinatamad ako mag tanong." 

"Hmm, sige po. Ako po si Riquela Ysha Lim half chinese po ako dahil sa mother ko at nag aaral pa po ako malapit lang po dito ang university ko." Pagpapakilala niya, maikli lang naman pero may hinahanap ako. 

"Bakit gusto mo mag trabaho?" Tanong ko at titig sakanya. 

"K-Kasi po yung mother kopo may sakit at ayaw kona pong dumagdag sa gastusin kaya mag tratrabaho nalang po ako kahit mahirap." Sagot niya habang nakayuko.

Nakatitig lang ako sakanya habang iniinom padin ang kape, ano pa bang magagawa ko. Ang sama ko naman atang tao pag hindi koto tinanggap. "Tanggap kana." Tipid kong sagot.

"Talaga po! Thankyou po!" 

"Gusto mo ba ng kape?" Tanong ko.

"Hindi po ako nagkakape."

"Gatas?"

"Pwede na po yun." Sagot niya sakin na may malaking ngiti.

"Ubusin mo yan." Binigay kona sakanya yung ginawa kong gatas napatingin ako sakanya mahinhin lang siyang babae at yung pangalan niya, Ysha.

"Ano po palang-" 

"Kailangan mong maging mabilis ikaw ang tagahatid at tagakuha ng mga order ng costumer hindi ka dapat mag papanic lalo na pag maraming costumer para walang mapirwisy-" Naputol ang pagsasalita ko nang may pumasok nanaman sa pinto.

"Mag a-apply po ako." Salita niya at sinenyasan ko naman siyang pumasok. Lalake naman ngayon. Kailangan din kasi namin nang tagahugas ng mga plato at baso.

"Pakilala." Tipid kong salita. Umupo naman siya sa tabi ni Riquel.

"Ako si Roison Brent Manansala, 19 nako at nag aaral pa sa malapit na university dito." Pakilala niya, pinagmasdan ko naman siya pati si Riquel. May itsura tong lalake at matangkad okay naman na at si Riquel maganda at mahinhin atsaka tama lang ang taas niya bilang babae. 

"Tanggap na kayong dalawa magsisimula na kayo ngayon. Mag ayos na kayo Brent sa hugasan Y-Ysha ayusin na ang mga lamesa." Sabi ko at agad silang kumilos. 

"Morningggg!"

Halos mapairap nalang ako nang marinig ang malakas na boses nayun, boses pa lang kilala kona kung sino.

"OMG! May bago na tayong mga kasam dito, waaaaaah!" Masaya niyang sigaw kaya hinarap ko na siya. 

"Grace!" Tawag ko sakanya na kinagulat niya kaya agad siyang napatingin sakin sabay nag peace sign at zineep pa ang bibig. 

Remembering The Sky (Làs Èspalas Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon