Chapter 25.

86 5 0
                                    


Nagising ako sa loob ng banyo, dahil nakatulog pala ako dito habang umiiyak kagabi. Tumayo lang ako ng dahan dahan, at agad na lumabas sabay bagsak ng katawan ko sa higaan.

I can't face them right now. Napahawak nalang ako sa ulo ko ng.. maramdaman ang pagod sa mga mata ko. Dahil siguro kakaiyak kagabi, hanggang ngayon pagod padin.

"Aries?" I froze when I heard my Kuya's voice. 

"Hmm?" Pagod kong sagot.

"Bumaba kana kakain na tayo." Sagot niya sakin. Napakunot ang noo ko dahil, bakit siya andito? Wala ba siyang pasok? 

"Bababa nalang ako." Sigaw ko. Napabuga nalang ako ng hininga, ng marinig ang pag alis ni Kuya. I don't know what to do. Halata parin ang pagod sa mga mata ko. 

Bumaba na ako, dahil baka akyatin ulit ako ni Kuya. Natigilan ako ng makitang nanginginig parin ang kamay ko. Pinakalma ko ito at binuksan ang pinto. 

"There's my Tiger." Natigilan ako ng bumungad sakin ang buo kong pamilya. I saw my Dad smiling at me and my M-Mom. 

"OMG! Aries come here na, niluto ko ang paborito mong pagkain." Ganito ang salubong niya sakin nung una kong punta dito. Pero lumipas ang ilang araw, nag iba siya. 

"Aries?" 

"O-Oh, I'm sorry." Baling ko sakanila. Naglakad naman ako papunta sa upuan kung saan katabi ko si Kuya. 

"Here's our food." Sigaw ni Mom. Na parang excited makisalo samin. 

"Galing talaga mag luto ng asawa ko." Napatingin ako kay Dad, dahil sa sinabi niya. Sabay halik sa pisngi ni Mom. 

"Syempre." Sagot ni Mom, at kumindat pa kay Dad. 

While staring at them, I realized na hindi sila yung tipong mga taong kayang gawin yun. Dahil halatang halata na mahal nila ang isat-isa.

Pero... ang totoo, niloloko na nila ang sarile nila. 

"Aries?" Napalingon naman ako sa tumawag sakin. 

"Y-Yes?" 

"Is there something wrong? Kanina kapa nakatitig kila Mom." Sabi na, mapapansin niya ang mga kinikilos ko. 

"I'm okay Kuya. Siguro na miss ko lang sila Dad and Mom." Masaya kong sagot sakanya. At ginulo naman niya ang buhok ko habang nakangiti sakin. 

"Talaga? Na miss mo kami ng Mom mo?" Tanong sakin ni Dad. Kaya napalingon ako sakanya, at ngumiti ng malaki. 

"Opo. L-Lagi kasi kayong wala, si Mom laging nasa farm ng Buenavista, si Dad naman laging nasa office." Sabi ko. At sadyang diniinan ang word na office at farm. 

"Hindi na tayo sabay sabay kumain." Dagdag kopa at angat ng tingin sakanila. I saw there shocked in their eyes. Akala siguro nila diko mapapansin. 

"S-Sorry Tiger. Babawi kami sayo promise." Sagot sakin ni Mom, at ngumiti ng mag ring ang phone niya. Napatayo naman siya agad ng tumingin sa phone niya, kaya hindi na tanggal ang titig ko sakanya. 

Napansin niya siguro ang matalim kong titig, kaya lumingon siya sakin at ngumiti... ng pilit. 

"I'm just gonna answer this." Paalam niya at humalik kay Dad. 

"Don't you have a work today Dad?" Rinig kong tanong ni Ate. 

"I have, gusto ko lang kayo makasabay sa umagahan. Aalis narin ako mamaya." Sagot naman ni Dad. 

"Why?" Tanong ko, pero hindi ko siya tiningnan. 

"Anong why Tiger?" Tanong niya. Kaya napangisi ako at inangat siya ng tingin. 

Remembering The Sky (Làs Èspalas Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now