Wakas.

106 5 0
                                    


Napakagat nalang ako sa ibaba kong labi, ng maramdaman ang luhang tumulo sa pisngi ko dahil sa matalim kong titig sakanya.

"M-Mr.Massimo, pwede bang ako na mag salita." Nanginginig kong salita at tingin kay Mr.Massimo. Dahan dahan naman siyang tumango sakin, kaya binalik ko ang titig kay Mom.

"B-Bumalik ako sa bahay, kung saan namatay si M-Mr.Montemayor. At nahanap koto." At nilabas ang picture na nahanap ko sa vase.

"Anong meron diyan iha?" Rinig kong tanong ni Mr.Massimo.

"Si Mrs.Montever at si Mr.Montemayor ay may r-relasyon dati." Sagot ko sakanya. At wala akong narinig na reaksyon, dahil mukhang alam naman na ng lahat.

"Itong picture nato, nahanap ko sa isang vase. At may nakasulat sa likod na hindi ko maintindihan, dahil ang pinansulat dito... ay dugo. A-Anong ibig sabihin nito?" Sabay pakita sakanya ng likod. Kita ko namang nanlaki ang mata niya, pero... agad ding nag bago ang itsura niya nang dahan dahan siyang lumingon sabay at ngisi. 

"Gusto mong malaman kung anong nakasulat diyan?" Naka ngisi niya pading tanong sakin. Kaya lalo akong nanggigil sa galit, at nahalata niya to dahil nalukot ko ang picture.

"Hindi ko akalain na mag babago ka ng husto, Aries."

"Sagutin moko!" 

"Ang nakasulat diyan ay.... Mahal kong Lucio, patawadin moko dahil napatay kita ng walang laban. Nagmamahal Sentina 4/13/12." Sagot niya na kinatigil ko.

S-Sandali.... halos manlaki at tumaas ang mga balahibo ko dahil sa na isip ko at tumingin sakanya.

"H-Hindi baliw sayo si M-Mr.Montemayor. I-Ikaw, Ikaw ang baliw." Salita ko na kinatigil ng lahat.

"Tangina ka! Anong ginawa sayo ng Kuya Lucio ko?! Anong ginawa sayo ng Kuya ko?!"

"T-Tita t-tama na." Rinig kong nanginginig na boses ni Shena habang pinipigilan ang Tita niya.

"Tinatanong moko! Kung anong ginawa ng putanginang kuya mo sakin?!" Natigilan ako sa sigaw ni Mom. 

Dahil ramdam ko dito ang pinagsamang galit at lungkot, s-sobrang ibang tao na siya ngayon. Ibang tao na ang nasa harap ko. 

"Gusto niyong malaman! Gusto niyong malan ang toto?! Oo pinatay ko si Lucio! Pinatay ko siya!" 

"D-Dahil sinira niya ang buhay k-ko! S-Sinira ng putanginang Lucio nayan ang buhay namin!"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko na kinatingin niya sakin, kaya natigilan ako ng makita na ang totoong luha sa mga mata niya. 

M-Mom.

"Lumayo ako sakanya hanggang sa makakaya ko! Nag pakasal ako sa lalaking mahal ko pero hindi siya tumigil! Binaboy n-niya ako, binababoy niya.. ang pagkatao ko sa harap ng mahal kong lalaki!" 

Nanlaki nalang ang mga mata ko ng isigaw niya ang mga salitang yun sakin habang titig na titig siya sa mga mata ko, hindi ako lalo nakagalaw dahil sa rebelasyong sinabi niya. L-Lalong nanginig ang mga kamay ko sa galit. 

"A-Anong s-sinasabi mo?" Rinig kong boses ni Kuya.

"N-Nirape niya ako Paul, n-nirape niya ako sa harap ng Papa mo!"

Halos mapatakip nalang sa bibig ko ang mga nanginginig kong mga kamay sabay muntik ng matumba dahil sa panghihina ng mga tuhod ko sa narinig ko, at... ang mga luhang kanina kopa pinipigilan tuluyan natong bumuhos. 

T-Tangina! Wala akong ka alam alam, b-bakit nila to ni lihim sakin?! B-Bakit?! 

Tiningnan ko si Dad, na ngayon ay nakayuko lang at halatang umiiyak. Napatingin ako kay Ate, na ngayon ay humahagulgol na sa balikat ng asawa niya. Tiningnan ko si Kuya, na ngayon ay... hindi gumagalaw sa kinauupuan niya.

Remembering The Sky (Làs Èspalas Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now