Chapter 18.

79 8 0
                                    


Kanina pa ako dito sa kwarto ko. Hindi ako mapakali at hindi ko alam kung bakit! Hindi rin ako makapag isip ng maayos, tssk. 

As usual, ako nanaman mag isa dito sa bahay. Si Ate umalis and I don't know where did she go. Si Kuya Paul naman nasa office nanaman niya, may malaki daw kasi siyang project na gagawin ngayon, Kuya Paul is a famous architect. Kung saan saang bansa ang kumukuha sakanya, pero yung iba hindi niya tinatanggap dahil malalayo. 

My Mom and Dad.. I haven't seen again this time. Bigla kong naalala yung kagabi, tssk. pake elam koba sakanila! Eh wala naman akong gusto sa Max nayun ah! 

Be sure Aries! Aish! 

"Ma'am Aries?"  

"Po?" Sagot ko habang tamad na tamad padin bumangon. 

"May bisita kayo sa baba." 

Naapakunot nalang ang noo ko ng marinig yun, dahil wala naman akong inaasahang bisita. Lalo na't umuwi naman na si Lizy.

"Sino?" Takang tanong ko. 

"Si sir Max po." 

Nanlaki na lang ang mata ko at agad napabangon sa higaan. Muntikan pa akong madapa, punyeta! 

"Bababa nalang ako." Sigaw ko sa maid. 

Bigla naman akong pumunta sa salamin at inayos ang sarile. 

W-Wait, why am I doing this?! 

Balibag kong binaba ang suklay, tssk. 

Bumaba nalang ako agad. Sumilip muna ako dito sa taas pero hindi ko siya makita. Pero ng tuluyan na akong nakababa. Natigilan ako ng makita ang lalaking nakatalikod sakin. He was looking to our frames. Napamewang ako at napangisi. Pinagmasdan ko siya habang nakatalikod. He's wearing his black pants and a plain v-neck gray shirt na sobrang bagay sakanya. 

Napaayos ako ng tayo ng bigla siyang lumingon sa gawi ko. 

"Bakit ka nandito? Wala sila ate dit-" 

"I'm here for you." Natigilan ako sa sinabi niya. 

"W-Why?" 

Kumalma kang puso ko!

"I wanted to see you and there is something I want to show you." Mahinahon niyang sagot sakin at napatango naman ako. 

"M-Magbibihis lang ako." Sagot ko sakanya at tumango lang siya sakin at binalik ang pagtingin sa mga frames namin. Aakyat na sana ako ng mag salita siya ulit. 

"Wear a pants." Napalingon ako sa sinabi niya. At napa iwas naman siya ng tingin kaya napa ngisi nalang ako. 

Just like he said, I wear a pants. Naligo naman na ako kanina kaya nag bihis nalang ako. Mabango pa naman ako kahit papaano. Binagayan ko yung pants ko ng black off-shoulder na long sleeve. Inayos kopa ang sarile ko bago bumaba, light make up as always. 

Bumaba na ako at narinig niya siguro ang footstep ko kaya napalingon siya sa gawi ko. He look at me and down to my body. He bit his lower lip while staring at me. Kaya napangisi ako. 

"Stop staring. Baka matunaw ako." Asar ko sakanya. Kaya napunta ang tingin niya sakin at ngumisi. 

"So... tara na?" Yaya ko sakanya. At tumango naman siya. 

"Don't worry I already told your brother that we're gonna go out." Sabi niya habang nauunang mag lakad sakin, tssk. Sumakay na kami sa sasakyan niya at inistart niya naman to agad. Tahimik lang kami ng mag salita siya. 

"Wala kaming ginawa kagabi." Natigilan ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa labas para di niya makita ang pag irap ako. 

"H-Huh? Anong sinasabi mo?" Pa inosente kong tanong.

Remembering The Sky (Làs Èspalas Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon