Chapter 36 (Part 1)

87 7 0
                                    


"Kamusta lakad?" Napatigil ako sa pag akyat sa hagdan, at napalingon sa nag tanong sa gilid ko. 

Its Grace.

"H-Hey? Okay lang." Sagot ko sakanya. Lumapit naman siya sakin.

"Mag bihis kana muna, nagsisimula ng gumawa ng design para sa linggo." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Akala koba bukas pa?" Takang tanong ko.

"Sabi ng nga sisters, mas maganda daw na maaga mag handa para hindi na daw magmamadali." Paliwanag niya sakin, tumango tango nalang ako.

"Tara na." Yaya ko sakanya. At nilagpasan na siya.

"Wait, akala koba mag bibihis kapa?" Tanong niya sakin, kaya nilingon ko siya sa likod ko.

"Di na, tara na." Yaya ko ulit sakanya, at naglakad na. Agad naman siyang tumakbo sa tabi ko, na sobrang laki ng ngiti. Napa iling nalang ako.

"Asan ba sila?" Tanong ko dahil, hindi ko pala alam kung saan gaganapin ang event nayun.

"Tsk! Tara." Sabi niya, sabay hila ng kamay ko.

Natigilan naman ako ng nasa dulo na kami ng building. Binuksan niya ang isang pinto. At natigilan ako ng bumungad sakin ang malaking ground.

"Andito na pala kayo." Salubong samin ni Sister Viena.

Nakita ko namang, nakahanda na agad ang mga ilaw. Sinasabit na sila nila, Zac at Roi at Lando.

"Dito gaganapin?" Tanong ko, habang pinagmamasdan ang malaking ground nato.

"Yup, marami daw bisita eh. Atsaka baka daw kasi may mag party pa ng late, hindi maririnig ng mga bata pag natulog na sila." Paliwanag niya pa sakin. 

Napatingin ako sa gawi nila Wendy, kasama si Ysha at Bea. Kaya agad akong lumapit sa gawi nila.

"Ano yan?" Tanong ko. At napatalon naman sila sa gulat, dahil sa bigla kong pag sulpot sa likod nila.

"Aish! Wag ka manggugulat ng ganun!" Bulyaw sakin ni Wendy.

"Hindi ako ng gulat." Seryoso kong sagot sakanya. Napa irap nalang siya sakin, na halatang ayaw na ako sagutin.

"Ano bang plano?"

"Bali, gusto ng mga sister na may malaking stage dito. At syempre dito ang mga lamesa. Madami daw a-attend na mga tao, lalo na ang mga mayayaman dito." Paliwanag sakin ni Wendy.

"Bali, kailangan ng MC at DJ, yung sa MC hindi na problema kasi syempre andito na ako." Dagdag niya. Kaya napalingon ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.

"Yah! Magaling ako no!" Bulyaw niya sakin, dahil gets niya naman yung itsura ko. Napangisi nalang ako, at bumalik sa panonood sa mga nag aayos.

"Bali yung DJ nalang, may kilala daw si Sister Susan kakausapin niya daw muna. Atsaka yung mga lamesa bali ipapabilog siya para yung gitna dun yung sayawan." Sabi niya, at napatingin ako sa sketch niya ng design dito sa ground.

Napa tango tango naman ako ng makita ang ganda ng drawing niya.

"Bali pupunuin lang to ng maliliit na ilaw, pati yung nga puno?" Tanong kopa.

"Yup." Sagot nilang tatlo. Andito pa pala yung dalawa.

"Gawin na natin." Sabi ko at agad na hinubad ang jacket ko. Tinali ko ito sa bewang ko at kinuha na ang mga ilaw.

Kami nila Grace, Ysha, Bea at Wendy, sa mga puno kami muna mag lalagay ng ilaw. Dahil masyado itong madami. Yung mga lalake naman yung naglalagay ng ilaw sa buong ground, at halatang matatapos na sila.

Remembering The Sky (Làs Èspalas Series #1) (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora