Chapter 30.

89 7 0
                                    


Bumaba na ako ng motor ko, at pumunta sa direksyon nila. Napatingin naman ako sa sinabit ni Grace sa pinto, Temporary Close.

"Yung totoong boss, andito na." Sigaw pa ni Wendy, na kinangisi  ko. 

"Andaya! Baket hindi ka pumasok kanina?" Tampong singit ni Grace, habang naka pout pa. Tinulak ko naman siya onti, dahil napakalapit na naman ng mukha niya sakin.

"Late nanaman ako nagising." Sagot ko sakanya. Pero napa cross arms lang siya sakin, habang naka nguso padin. Ngumisi nalang ako, at ginulo ang buhok niya. 

"Pangalawang beses nayan ah." Napatingin naman ako sa nag salita. 

"Pagod siguro." Sagot ko kay Zac. At tumango lang sakin, habang may ngisi sa labi. 

"Y-Yssha? Roi?" Tawag ko sakanila, kaya lumingon sila sakin.

"Pinayagan naba kayo?" Tanong ko sakanilang dalawa. 

"Hmm, ako po hindi." Diretsong sagot sakin ni Ysha, habang nakapalumbaba pa. 

"Ikaw Roi?" Sabay tingin sa direksyon ni Roi.

"Yeah."  

"Good! And okay lang yan Ysha, you can come next year." Ngiting sabi ni Wendy sakanya. 

"Bakit hindi ka sasama?" Seryoso ko sakanyang tanong. Natigilan naman siya sa tanong ko, at napayuko nalang. 

"Grind! Wag mo sungitan!" Bulyaw sakin ni Grace. Kaya nilingon ko siya, at sinamaan ng tingin. Agad naman siyang pumunta sa likod ni Wendy, tssk.

Ganun ba ka seryoso ang tono ng pagkaka tanong ko? Tssk.

"K-Kasi po.. may sakit po ang mama ko kailangan ko po siyang alagaan." Sagot niya sakin habang naka yuko. Kaya natigilan ako. 

"O-Okay." Sagot ko nalang, at umiwas ng tingin sakanya. 

"Tara na?" Sabay sabay naman kaming napalingon, sa gilid namin. We saw Zac, at napangisi nalang ng makita siyang, nakasakay sa driver seat ng isang truck. 

"Gagamitin natin yan?" Rinig kong tanong ni Grace. 

"Yup, madami ang bibilhin natin eh." Rinig ko namang sagot sakanya ni Wendy. 

Agad kaming pumunta sa gawi ni Zac, at sumakay na sila. Tatlo lang ang pwede sa loob kaya si Wendy, at Grace ay nasa labas. 

"Grind? Ikaw?" Napalingon ako sa sumigaw na si Grace. 

"Sundan ko nalang kayo." Sagot ko sakanya, at tumango naman siya sakin. Pumunta na ako sa motor ko, sabay suot ng helmet ko. At agad na pinaandar ito. 

Nakasunod lang ako sakanila, at hindi ko mapigilang mapa irap dahil kay Grace. Tumatayo siya sa truck, tas biglang sasayaw at kakaway sakin. Tawang tawa naman si Wendy sa ginagawa niya, di manlang pinipigilan, dahil delekado ang ginagawa niya. Napa iling nalang ako. 

Nakarating na kami, at dumiretso sa parking. Agad naman akong nakahanap ng parking sa motor ko, at nilock ito. At dumiretso na sakanila.

"Anong mga bibilhin?" Tanong ko agad sakanila, pagka lapit ko. 

"Madami to eh. Pero para mas madali, mag hati tayo sa dalawang grupo." Sagot sakin ni Wendy, habang nakatitig sa isang papel. 

"Akin si Y-Ysha, at Zac." Pili ko agad, kaya napalingon sila sakin. Nakita ko naman kung pano sumimangot si Grace. 

"So... si Grace and Roi sakin." 

Tumango naman ako sa sinabi ni Wendy, at hindi ko mapigilang mapa ngisi dahil naka busangot sakin si Grace. 

Remembering The Sky (Làs Èspalas Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now