Lolo Victor sighed. "Ang rinig ko'y dahil daw kay Donya Isabela kaya siya nandito at ang Lolo niya. Nalugi kasi ang ilan nilang negosyo simula noong ang Donya ang nangalaga dito at ang balita ko'y nakakabawi na sila mula sa mga nalugi nilang puhunan."

The old man paused for a minute.

"At hindi naman dahil ganoon ang pamilya ng bata, ganoon nadin siya. Sa edad kong ito, alam na alam ko pa din kung senseridad ang isang tao kapag gumagawa ng mabuti at hindi, at para sa akin ang apong 'yan ni Paciano ay talagang nagpapakita ng senseridad. Napakaresponsableng bata hindi tulad ng ibang tao d'yan, wala pa ngang napapatunayan, nagyayabang na." He sighed. "Tsk, tsk. Talagang iba talaga ang nagagawa ng galit sa isang tao. Kung ako sa 'yo Miranda ay aalamin ko muna ang tunay na pagkatao ng batang 'yan bago ko siya husgahan. Tignan mo nga't tinulungan akong buhatin ang tubig na 'yan dito. Hindi ka man lang nagpasalamat sa kanya."

Hinihintay ko si Lola na may sabihin pero wala akong narinig ma kahit ano sa kanya.

'Yon ang huli kong narinig sa usapan nila bago ko marealized na nakalipat na sila sa kabilang puno ng mangga.

Nang araw ding 'yon ay sobrang tahimik ng matanda. Malalim ang iniisip. Iniisip ko kung natamaan ba siya sa sinabi ni Lolo Victor dahil ako mismo ay talagang natamaaan.

Halos ilang beses ko siyang pinagtabuyan dahil sa kadahilanang natatakot akong baka mamaya, hindi pala totoo ang lahat ng sinasabi niya.

I then thought that he has a girlfriend pero kapagkuwan ay nalaman ko ding wala naman pala. Hindi ko muna kasi inalam ang tunay na katotohanan, eh. Agad akong nagconclude na mayroon siyang girlfriend just because of someone say so and just because of my stupid thinking. He already said that he doesn't have one but I didn't believe him.

Tulad ni Lola ay tulala din ako tungkol sa mga bagay na iniisip. Hindi na ako magugulat kung si Gen din ang iniisip niya.

"Amaia."

Gabi na at kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan nang marinig ko si Lolang tinawag ang pangalan ko.

Kinabahan ako bigla. "P-po?"

"Kailan sinabi ng Cavallero na 'yon na may gusto siya sa 'yo?"

Nabigla ako sa narinig kaya hindi agad ako nakasagot. "A-ano po 'yon?"

I wanted to clarify what I've heard. Baka mamaya ay mali pala ang masabi ko sa kanya.

"Kailan sinabi ng Cavallero na may gusto siya sa 'yo?" Ulit niya sa tanong niya.

"Uhm..." Lumunok ako at tumikhim bago sumagot. "N-noong isang linggo lang po." Matapat kong sinabi.

Huminga siya ng malalim. "Sigurado ka bang... wala ka talagang nararamdaman sa Cavallerong 'yon?" Tanong niya, nagdududa.

I parted my lips. I was thinking what should I answer pero sa huli ay wala ay nag-iwas ako ng tingin at sinabing. "Wala po." Pabulong kong sagot.

Wala siyang sinabi.

Ganoon lang ang naging usapan namin ni Lola hanggang sa matapos ang hapunan. Tahimik at parehas na malalim ang iniisip.

Bakit kaya natanong ni Lola ang bagay na 'yon? 'Di kaya nagdududa siya sa sinabi ko?

Malamang.

Every Ending (COMPLETED)Where stories live. Discover now