Kabanata 10

458 389 5
                                    

Kabanata 10

Help

"Oh, ba't nandito na kayong dalawa? Tapos na ba sila sa labas?"

Umiling si Bea kay Tita Cynthia.

"Nahihilo kasi si Amaia, Ma." She explained.

"Nahihilo ka, Amaia?" Nag-aalalang tanong ni Lola.

"Konting hilo lang naman po, la." I lied. Pakiramdam ko kasi ay mas lalo akong nahilo nang tumayo ako kanina at habang naglalakad.

"Uminom ka muna ng tubig, oh." I smiled at Tita Cynthia when she offered a glass of water.

"Thank you po," Ininom ko 'yun bago nilagay sa centered table.

I sat on their couch after. Tumabi sa 'kin si Bea kaya bigla akong napatingin sa kaniya.

"Hindi ka babalik do'n?"

Bigla akong nahiya. Sa tingin ko kasi ay nawalan na siya ng ganang uminom sa labas dahil sa akin.

"Hindi na, madami na rin naman ang nainom ko." Aniya habang nakatingin sa mga matatandang nag-uusap.

She glanced at me. Tinignan niya ako ng ilang saglit bago nanliit ang mga mata niya.

"Bakit?" I asked.

Humalukipkip siya at humarap sa akin.

"Sa tingin ko..." Panimula niya habang nanliliit pa rin ang mata. "May gusto si Gen sa 'yo." Halos pabulong niyang sinabi.

What?

My brows are furrowed while looking at her. Nagtagal ang tinginan namin bago ako nakabawi.

"Ano?" I asked as if I didn't hear it.

"I said... I think Gen likes you,"

She said. Much clearer.

Napalunok naman ako at bahagyang kinabahan.

Sumagi rin naman ang bagay na 'yon sa isip ko. Pero ayaw kong umasa na naman. Marami na akong nagustuhan na lalake at ganon rin ang naging karanasan ko. I think, they also like me then the next day, mababalitaan ko na lang na may girlfriend na pala sila. Kaya habang tumatagal, hindi na 'ko umasa.

Kaya.... hindi. Imposible.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

Ngumisi siya at nagkibit-balikat. Hindi sinagot ang tanong ko.

Tumingin siya sa matatandang may pinag-uusapan. Habang ako'y nanatiling nakatitig sa kanya.

Isa lang ang nasa isipan ko. She's very observant. Sa unang tingin kasi ay parang wala naman siyang pakielam sa paligid niya pero ang hindi mo alam inoobserbahan kana pala niya.

Kaya pala mapanuri ang mata niya kanina.

I looked away when she caught me staring at her.

"Palagi bang nagpupunta ang apo ni Paciano rito, Cynthia?"

Bigla akong napatingin kay lola sa biglaan niyang pagtatanong. Lalo na't tungkol kay Gen ang tanong niya.

"Hindi, Tita. Hindi naman kasi madalas umuwi 'yang batang 'yan dito sa Sta. Valeria." Hindi ko mapigilang pakinggan ang sinasabi ni Tita Cynthia.

So... hindi naman pala madalas mag-stay 'yang si Gen dito. Well... that's good, para naman hindi ko siya madalas makita.

"Nagtagal lang ata siya ngayon dahil wala 'yung lola niya."

Napangisi si lola. "Bakit? Pati siya ay may galit sa matandang 'yon?"

Narinig ko ang bahagyang tawa ni Bea sa tabi ko.

Every Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon