Simula

2.2K 1K 225
                                    

Simula

After the long long story, there is an ending. Always have, and always will.

Sadly.

Not just a story but also some things, like happiness, enjoyment, love, and of course life.

Lahat ng bagay ay nagtatapos, gaya na lamang ng mga palabas at nobelang nagwawakas at nauuwi minsan sa masaya o malungkot na katapusan.

Ngunit para sa akin, wala naman talagang masayang katapusan sapagkat lahat ng nagtatapos ay palaging... nakakalungkot. Hindi ang katapusan ng kuwento kundi para sa mga nagbabasa o nanonood.

'Yun bang pagkatapos nating magbasa ng nobela, gusto nating may kasunod, pagkatapos nating manuod, palaging... 'yun na 'yun?' o kaya naman 'nakakabitin naman!'

Kaya naman ginagawa ko lahat upang pagdating ng araw, magiging masaya ang katapusan ng aking kuwento.

Gagawin ko talaga ang lahat, para hindi maging malungkot ang aking wakas.

Kung sanang ang buhay ko'y isinusulat na lamang ng isang magaling na manunulat ng nobela, o di kaya'y kahit yung hindi na, basta't ang ending ay mauuwi sa masaya, pero hindi eh, at yun ang katotohanang masakit isipin.

Dahil ang totoo, tayo mismo ang sumusulat ng ating kapalaran, hindi totoo ang tinatawag nilang destiny o tadhana, dahil sa huli ikaw ang magdedesisyon kung ano ang pipiliin mo sa buhay.

This will sound cliche but I'd say it anyway. I'm just an ordinary person like the others out there.

Mayroong pangarap na mahirap maabot dahil hindi tulad ng mga bidang babae sa nobela, hindi naman ako sobrang talino.. kailangan ko pang mag-aral ng mabuti para lang pumasa, hindi rin ako mayaman pero hindi naman din ako mahirap, at mas lalong hindi naman ako sobrang ganda tulad ng mga leading lady sa mga pelikula.

Wala naman akong problema doon sapagkat unang-una marami akong problemang dapat isipin.

"What?! 'Yun na 'yun?!" my friend exclaimed while staring at their big television. Well, I'm used to that line whenever the movie that we'll watch ends in any way. Mapasaya man o mapalungkot ang wakas, gusto pa niya ng kasunod.

Ganoon din naman ako, I want a sequel, a next part, a next season, and the next book in terms of novels, or a special chapter perhaps?

Biruin mo, sa dami daming problema na kinaharap ng mga bida, kung kailan wala na at kung kailan masaya na sila... 'Yun na 'yun, wala ka ng dapat abangan pa. Isipin mo na lang na they live hapilly ever after tulad ng mga fairy tales.

I smiled sarcastically.

"We have no choice." I uttered.

Umirap siya at kinuha ang inuming juice na kanina pa niya hindi naiinuman dahil sa pinapanood. Matalim niyang tinitignan ang kanilang TV na parang matatakot ito at ibibigay ang gusto niyang mangyari.

Typical Magnum.

Go back to my point, all endings are not quite happy for me.

That's why I am doing my best to achieve my dreams, and if I achieve those dreams, 'yun na siguro ang wakas ng aking kuwento. Pagnatupad 'yun, doon ko palang masasabi na I would live happily ever after.

At mag-iiba na siguro ang pananaw ko sa buhay na siguro hindi naman lahat ng nagtatapos ay malungkot.

Hindi na ako maghahangad ng iba, hindi na ako magdadagdag ng sequel, ayos na yun sa akin.

Tumayo ako at kinuha ang aking mga gamit na dala.

"Uuwi na ako."

Tinignan niya ako ng masama.

Every Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon