"Kailan po?"

Gen smirked. "Let's see." Aniya.

I never know that Genesis Cavallero likes kid. Hindi ko alam na mahilig siya at marunong kumausap ng bata. Na mas marunong pa siya kaysa sa akin. Sobrang dami ko pa talagang bagay na hindi alam sa kanya.

Minsan ay nagugulat nalang ako kapag may bagay akong hindi inexpect na ginagawa niya.

"Alright, I'll leave now."

Isang beses niya akong tinignan bago tumalikod at naglakad palayo. While me, I remained looking at him, looking at him leaving and walking away from us, from me.

I was busy staring at Gen's back when I caught Lola looking at me in a serious way.

Tumikhin ako at yumuko. Tinignan ko na lang si Tintin na nakatingin pa din sa palayong si Gen.

Lumapit ako sa kanya. I patted his head like the way Gen did to her. Tumingala siya sa akin. "H'wag ka ng malungkot, magkikita pa naman kayo, eh."

I don't know if she's the one that I'm comforting right now. Para kasing... sarili ko ang sinasabihan ko ng ganoon.

I made a face.

What the hell?

"Talaga po?"

I nodded. "Oo, 'di ba sabi niya 'yon?"

She pouted and looked in Gen's direction. Napatingin na din ako at hindi ko na siya nakita.

I sighed.

"Sana nga po." She said and sighed too.

I hope so too.

"Alam mo po, ate. Bagay po kayo ng kuya ko. Ang kaso lang ay may gitlfriend na siya, eh, sayang." Tintin pouted. "Sana ikaw na lang 'yung Amaia na sinasabi niya." She added.

Ngumisi ako.

Kung alam lang ng bata na 'to.

Nakaupo na kami ngayon at nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay, panay ang kuwento niya sa akin tungkol sa kanya habang ako'y nakatingin lang at pangiti-ngiti.

"Bakit mo naman naisipang dalhin ang bata na 'yon dito?"  Rinig ko mula sa likod ang galit na boses ni Lola.

"Haynaku, Miranda. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay may galit ka pa sa pamilya ng batang 'yon." Si Lolo Victor na agad nalaman ang ikinakagalit ni Lola.

Hindi sumagot si Lola.

"Alam ko namang mali ang ginawa ng pamilyang 'yan sa pamilya mo... pero ibahin mo naman ang anak ni Damien. Napakabait at napakagalang na bata. Kahit na mayaman ay hindi ko 'yon nakitang nangmata ng kagaya kong mahirap. Tignan mo nga'y inihatid pa ako at siya pa mismo ang nagbuhat ng tubig papunta dito."

I was acting like I'm listening to Tintin's story, pero ang totoo, sa mga taong nasa likod namin ako nakikinig.

"Hindi pa natin alam ang tunay na motibo ng batang 'yan dito, Victor. Baka nakakalimutan mong kadadating lang niya ngayong taon dito sa probinsya? Galing ng ibang bansa kaya hindi natin alam kung bakit nauwi dito ng Pilipinas."

Every Ending (COMPLETED)Where stories live. Discover now