"Ha? U-ulitin mo nga.. Ulitin mo mga sinabi mo.." paulit ulit kong sinabi. Tumigil ang pagpatak ng luha niya at ngumiti siya sa akin.

"Puntahan mo siya.. nasa garden siya ngayon" 

Mahal ni Hannah si Ice. Mahal ko si Ice. At ako ang mahal ni Ice.

Yumakap ako kay Hannah. Mahigpit na mahigpit.  Aalis na sana ako at tatakbo papunta kay Ice ng pigilan niya ako.

"Wait. May ibibigay ako sayo" Hinila niya ako papunta sa kwarto niya.Sa kwarto nila ni Ice. 

O___O

Hindi maari. 

Nandito..

"Noong araw na yon, kinuha niya yan para sayo, pero dahil nakita kong gusto mo yan at ibibigay ni Ice para sayo, kinuha ko yan, pinilit kong ibigay sakin to ni Ice, kahit alam kong para siya sayo, naiinggit kasi ako sayo, masyado ka niyang mahal... sorry... pati yang bagay na yan, inagaw ko" sinabi niya habang inaabot ang .. VIOLET na Teddy bear na gustong gusto ko!

Hindi ako nag dalawang isip pa. Kinuha ko ang teddy bear na yon at yinakap ito. Gustong gusto ko ito. Na love at first sight ako sa teddy bear na to, dahil na din sa kulay violet siya at UBE ang favorite kong pagkain. Pero..

"Sayo na to" Ibinalik ko kay Hannah ang teddy bear na yun. Muling bumagsak ang mga luha niya. Ngumiti siya sa akin.

"T-talaga? S-seryoso ka?" tanong niya habang naiiyak.

"Siguro nga sakin dapat yan Hans, pero kanino napapunta? Sayo di ba? Ibig sabihin nakatadhang mapapunta to sayo, salamat. Salamat sa lahat lahat, salamat dahil sinabi mo to sa akin. Salamat" Bumuhos ang mga luha ko.

Parang natanggal ang tinik ko sa dibdib. 

Nagkayakapan ulit kami ni Hannah. 

"Puntahan mo na siya" sinabi niya habang tinapik niya ang balikat ko.

"Salamat Hannah...ikaw pa din ang bestfriend ko" sabi ko.

Nginitian niya lang ako. at mas mabilis pa sa alas-kwatro akong tumakbo,  nakasalubong ko sina Raj, Dars, Sae at Kyo pero nagpatuloy lang akong tumakbo.

Takbo.

TAKBOOOOOOOOOOOOOOOOOO!! WOOOO!!!

Ito na siguro ang pinakamasarap na pagtakbo ang naranasan ko buong buhay ko.

TAKBOOO DANIELLLAAAAAAAA!!!!!

Sasabihin ko na sa kanya.

A Gangster Love StoryOnde histórias criam vida. Descubra agora