Chapter 14

6.2K 105 0
                                    

DANIEL POV


Kakatapos lang ng klase, mga 4pm din nang mag uwian na. Sabay sabay kaming naglakad palabas hanggang sa may gate ng B7.

At muli.. Sumakay sila sa kani kanilang BIG motorcycles. Yung pang-mayaman. Edi sila na nga! Tss. Pero, si Ice lang yung kasabay ko maglakad. Hindi pala niya nadala yung BIG black motorcycle niya.

Tahimik lang kaming dalawa. Naglalakad. 

*toot toot*

From: Sae

Hey gurl. Come hir at d amusement park.NOW , tnx nid u to b wid me :)

At bakit naman kaya ako gusto nitong papuntahin sa amusement park. =____= Di na ako 6 years old!

"Ice, mauna ka na.. may pupuntahan pa ako" 

"Pasama" Hay nako, kailangan ko pa ba siyang isama? Tss.

"Ikaw bahala" I just walk fast.

Pero mabilis din pala siya maglakad! Ayan tuloy kasabay ko siya, at pag may madadaanan kaming babae aba't nakatingin kay Ice! At ngumingiti ngiti pa kay Ice, Geez, Sluts. Tapos may mag ha-hi pa. Buti na lang suplado tong si Ice, buti nga sa kanila.

Nang makarating ako sa amusement park, =____= Walanjo, andaming PDA.

Holding hands dito, holding hands doon, mag ka akbay dito, magkaakbay doon. Hindi naman February ah! 

Biglang may kumaway na babae. Sure akong si Sae na yun, at GRABE!! Kasama naman pala niya si Dars.

Nang makalapit kami ni Ice, aba ang dalawa kung makangiti sa amin. =____= Nag iisip ng kung ano ang dalawang to.

"Wow Daniel, kasama mo pala si Ice, akala ko magiging chaperon kita for today" tapos ang lapad pa ng ngiti niya. 

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" andaming tao. andaming eeeew. Ayoko sa ganitong lugar.

"To have FUN! Ge bye na! Mag enjoy kayo ni Ice ha? MUAH!" at nag fying kiss pa talaga si Sae. Nakupo, hinigit niya si Dars palayo. Langyang yun sinayang pa oras ko pag punta dito. =____=

Sinusundan lang ako ni Ice kung saan magpunta, pero ang totoo, PAUWI na talaga ako! >___< Kainis yun si Sae, bakit kaya ako pinapunta dito? 

Napansin kong tahimik si Ice, well lagi naman siyang tahimik =____= Pero sa totoo, ang boring niya kasama!

Hay. Malapit na ako sa labasan ng amusement park ng may makita ako.... OH MY GOD!!!

Its... A BIG VIOLET TEDDY BEAR!!!!

Nagtatakbo talaga ako palapit sa store na yun. AS IN!!! Kahit andami daming teddy bear na maganda, hindi talaga naalis ang paningin ko dun sa BIG VIOLET TEDDY BEAR na yun. Parang na love-at first sight ata ako. *___*

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now