Chapter 36

5K 103 4
                                    

DANIEL LEE


"Ako nga muna! Kainis! Maging gentleman ka naman kahit minsan lang!" sigaw ko kay Ace na nakikipag agawan sakin kung sino ang unang maliligo. 7pm na at kating kati na ako sa katawan ko. Gusto ko nang maligo!

"Sorry, I'm definitely not a gentleman" tapos nag wink siya at pumasok sa loob ng banyo.

"ACE!! ACE!! GET OUT!!" sigaw ko at pinaghahampas ko ang pinto. Napaka walang manners talaga! >_____< Paano na ako nito? Kanina ko pang gustong gusto maligo.

T____T

Kinuha ko ang towel ko at lumabas, sana walang tao sa pool. Naka short ako at isang shirt na plain black. Madilim na sa may living room. Patay na halos ng ilaw. May isang lampshade sa gitna na lang ang natitirang maliwanag.

Pagkalabas ko, sa may likod ng bahay kung nasan ang swimming pool, ayoko kasi ngayong pumunta ng beach, baka.... may hindi na naman magandang mangyari kaya dito na lang ako sa loob ng bahay.

Nakita ko na ang swimming pool, maliwanag doon dahil sa madaming ilaw sa paligid. May white na pahaba yung parang higaan! Yung ano... white na parang upuan na pwedeng higaan na katabi sa pool basta intindihin niyo na lang.

Nilagay ko na ang towel ko dun at tatalon na sana ako sa pool ng..

"Naka short ka?" O__O Its a ghost!

Joke. Si Ice yun.. teka... SI ICE!!!! >////<

Hindi ako nakatalon sa pool dahil sa nagulat ako dahil may nagsalita. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng pool at nakalagay ang paa sa tubig.

Bakit hindi ko siya napansin kanina? =___= Nasa may dark na part kasi siya.

"Err... obvious naman di ba?" =____= Nu ba namang tanong yan.

"Nakilala mo lang si Ace, nag short ka na?" Tanong niya ulit na parang may galit siya na something. =___= Ano bang gustong iparating ng lalaking to?

"Ha?"  >____<

"Tss" Narinig kong sabi niya. Psh. Ayan na naman ang TSS niya.

Medyo lumapit ako kay Ice. Wala lang, trip lang :D Tumabi ako sa pagkakaupo sa kanya. Umakbay ako sa kanya, na halata namang nagulat siya. Pero.. pwede naman tong gawin ng magkaibigan di ba?

"Alagaan at mahalin mo si Hannah ha? Napakahalaga niya sa akin, ayokong may mananakit sa kanya, at kung sasaktan mo siya.. wag na wag kang papakita sakin" tapos ngumiti ako sa kanya.

Ang saya ko, na kahit sa ganitong paraan... natutuwa ang puso ko :)

Tatanggalin ko na sana yung kamay ko sa pagkakaakbay ko sa kanya nang inakbayan niya din ako.

O___O... >____< .... >//////<

A Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon