Chapter 27

5.2K 104 2
                                    

DANIEL POV


O_______O

Si Sae.. may sakit siya sa puso?! DAFUQ!

"Raj ano to? Magpaliwanag ka!"


Humarap siya sa akin at kitang kita ko na namumula na ang mata niya, dahil sa kakaiyak siguro. Pero bakit? Anong meron? At tska bakit niya sinasabing may sakit sa puso si Sae? Ha-Ha. Hindi totoo yun.

"Daniel.. ang sakit kasi.. mahal na mahal ko siya.. Noon pa..tapos eto pa malalaman ko? Nagpalaya naman ako.. Pinili ko kung saan mas masaya siya.. pero P*TANGINA lang.. sa bawat ngiti niya.. sa bawat ngiting nakikita natin sa kanya.. P*TA.. nasasaktan siya! Nahihirapan siya! Alam mo kung bakit nagkakaganito ako?! Kasi ang tanga ko! Ang tanga tanga ko para hindi ko mapansin na nahihirapan na siya.. Ang sakit sakit  Daniel.. mahal na mahal na mahal ko siya.. hindi man ako yung lalaking mahal niya, pero ako yung lalaking habangbuhay na magmamahal sa kanya.. kaya eto ako.. hanggang iyak at walang magawa upang.. T*NGINANG BUHAY TO!" Sumipa siya sa sahig, pinagsusuntok niya ang pader. Sinasaktan lang ni Raj ang sarili niya :((

Niyakap ko pa ng mahigpit si Raj. Hanggang ngayon, gulat na gulat pa rin ako sa nalaman ko, may sakit si Sae? Bakit hindi ko alam.

"Alam ba to ni Darius?" tanong ni Lance

"H-Hindi.. ayaw sabihin ni Sae" naiyak pa rin si Raj habang nakayakap sa akin. Nararamdamam ko yung sakit na nararamdaman niya. Kahit hindi ako si Raj, alam ko kung gaano niya kamahal si Sae, pero ngayon ko lang din ito nalaman. Ang sabi niya noon pa? Ibig sabihin nililigawan pa lang ni Dars si Sae ay mahal na ni Raj si Sae?

Madami akong gustong itanong sa kanya. Pero hindi ito ang tamang panahon. Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko si Sae.

"Hello Sae?" 

[Hi Daniella! Wow! Tinawagan mo ako? Mag gagala ba tayo? Ayyye! Sa wakas.. pero di ba competition ngayon?]

"Nasaan ka?"

[Huh? Ah.. eh.. Papunta pa ng school niyo, bakit? nilipat ba ang location ng competition sa cheering? Saan?]


"Magkita tayo sa bahay, dun ka pumunta"


[Ha? Pero... may problema ba? Bakit parang malungkot ka Daniel? Inaway ka ba ni Dars?! Lagot yun sa akin! Ugh!]


"Hindi yun Sae, mag-uusap tayo"


[Ha? Malapit na ako sa school niyo eh]


"Mag-uusap tayo, basta pumunta ka na ng bahay"


[Aish! Mahalaga ba pag uusapan natin? Manong iliko niyo po, tapos diretsuhin niyo lang yang street na yan... ay papunta na ako sa inyo Daniel, ano ba pag uusapan natin?" 

A Gangster Love StoryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin