Chapter 29

5K 107 6
                                    

DANIEL POV


Ang hirap mabuhay ng ganito.. na kinikipkip mo lang yung nararamdaman mo, at pag nakita mo silang magkasama, nasasaktan ka. Ang tanga noh? Wala naman akong karapatang magselos, pero bakit ganun? Bakit siya pa? Sa dinami dami ng mga lalaki sa mundo..

Bakit si Ice pa?

Sa bahay namin ako umuwi, hindi sa B7 kundi sa bahay kung nasan ang pamilya ko. Wala sina Mama at Papa dun, nasa England sila because of some unfinish business, si Shiarra, si kuya Josh at si Ms. Soon-to-be-my-sister-in-law ang nasa bahay.

Nung umuwi ako, dumiretso ako sa kwarto ko kahit tinawag at tinawag ako ni kuya, hindi ako lumingon. Ayokong makita niya na nasasaktan ako, ayokong makita niya na mahina ako.

Nung makarating ako sa kwarto, walang naglakas loob na sundan ako, alam ko na alam nina kuya na nasasaktan ako, na mahina ako ngayon, at alam niya na mag-isa kong tinitiis ang sakit.

Kung nandito lang sana si Jake, kung nandito lang siya.. may karamay siguro ako, may isang tao sigurong kasing tigas ng bato ang ulo na pipilit sa aking lumaban sa lahat ng problema ko, may mangungulit sakin at higit sa lahat, may isang taong uunawa sa akin.

Bakit ka ba nawala Jake? Bakit mo ako iniwan? Akala ko ba mahal mo ako? Ganun ba talaga yun? Kung kailan naman kailangan na kailangan kita.. saka ka wala. 

Pumikit ako at mapait na ngumiti "Sana.. may karamay man lang ako sa lahat ng sakit.. Ang selfish ko talaga.. Ang sama sama ko"


Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa may pisngi ko. "Jake..Jake.. Kailangan ko ng kaibigan ngayon.. Yung handang pakinggan lahat ng sakit na nararamdaman ko.. Kailangan ko yun Jake.. ikaw dapat yun di ba? Ikaw naman talaga yun!!" Napasigaw ako at malakas na hinagis ang unan na yakap yakap ko.

Nagulat na lang ako ng bilgang kumatok si kuya. "Hey, uhm.. can I?.. can I talk with you for a minute?" 

Huminga ako ng malalim at saka sumagot. "Su-sure kuya..come in" Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Umupo ako ng maayos sa kama nung pumasok na si kuya.

Habang palapit siya.. nakikita ko na kung gaano kaswerte ang babaeng papakasalan ni kuya. Lahat ng hahanapin mo sa isang lalaki, na kay kuya Josh na lahat lahat. Attitude and looks. Kung hindi ko lang siya kapatid, matagal ko nang pinag nasahan si kuya.

Umupo siya sa tabi ko at umakbay sakin. "Uhm.. How am I gonna start this? I'm nervous right now.. Uhm.."at huminga pa siya ng malalim. Napatawa naman ako ng mahina. Nakakatuwa kasi siya,

"Yeah, thats more like it, now I know how to make you smile" At pinat niya pa ang ulo ko. 

"What brings you here kuya?" Tumingin ako sa kanya, Unti unting naglaho ang mga ngiti niya.

"So.. whats up?" tanong niya with a serious tone. Napalunok naman ako. Ano to? Bakit kinakabahan ako.Baka malaman ni kuya.. pero, ano bang masama kung malaman niya? Wala naman di ba?

A Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon