"Tawagan ko na kaya si Krystal? Baka siya lang ang makakatulong para maging maayos ulit si Roze," walang saysay na suhestiyon ni Kendall.

Silence ruled over us. And I swear I can even hear crickets somewhere because of the quietness between us.

"Paano kung mas lumala lang ang kondisyon niya?" tanong ko.

Naramdaman kong nag-angat ng tingin sa'kin si Kendall. "Wala ka pa rin talagang tiwala kay Krystal?" matabang niyang tanong.

Nilingon ko siya at nakita ang walang buhay niyang ngisi.

"Mahal na mahal niya si Roze—"

"Oh stop that love shit, Kendall. Nang dahil sa pagmamahal na iyan, napahamak silang pareho! Can you really believe it? He only did stay with her because he got her pregnant! Not because he loves her or he genuinely cares for her! Kaya nga ganoon na lang kadali sa kaniya na iwanan si Roze, 'di ba?!"

"Pero hindi mo ba nakikita, Blanka?" she cut me off too. "He sacrificed for her—"

"That's not a fucking sacrifice!" pinutol ko rin siya. "Sumama siya kay Kanika dahil gusto niya rin naman! Ngayong wala na silang anak ni Roze, wala na siyang responsibilidad kaya malayang‐malaya na siyang gawin ang kahit na anong gusto niya!"

Umiling si Kendall na tila dismayado. "I can't believe you, Blanka."

Umirap ako. "Tumawag na ako sa Mental Institution..." sagot na ikinagulat nilang dalawa.

"A-Ano?!"

Bumuntonghininga ako. "Baka bukas, sunduin na rito si Roze at dalhin na siya sa lugar na nararapat para sa kaniya." 

"Sasama ako! Pakiramdam ko nababaliw na rin ako..." sabay laghok ni Marshall ng wine.

Muntikan nga lang siyang masamid nang hampasin siya ni Kendall sa braso.

"Anong sasama ka?!" pagalit na saway bago bumaling sa'kin si Kendall. "Ali, seryoso ka ba? Bakit naman tumawag ka sa kanila?! Hindi nababaliw si Roze—"

"Eh, anong tawag mo sa nangyayari sa kaniya?!" nagtaas ako ng kilay.

"D-Depressed! Depressed ang tawag doon, Blanka! Hindi siya baliw! Bakit ba kasi tumawag ka sa MI nang hindi ko alam?! Ni hindi nga c-in-onsider ni Krystal iyon, tapos gagawin mo?! Sana sinabihan mo man lang ako bago ka nagdesisiyon!" tumaas na ang boses ni Kendall. 

I rolled my eyes at her. "Sana nga depresyon lang iyan, Kendall. Sana lang talaga! Pero hindi na iyon ang nakikita ko! Hindi na lang ito basta depresyon, okay?! Nakailang therapy na iyan, 'di ba? Pero anong nangyari? Wala! Paulit-ulit lang, Kendall! At kung depresyon nga ito, hindi ba mas makatutulong nga ang mental institute sa kaniya? Alam na rin ito ni Sir Romnik—"

"At pumayag siya?!" putol na naman niya sa'kin at mas lalo akong nairita.

"Yes!" I snapped and her eyes widened a bit. "Yes, he agreed to it!"

"But she's not insane! Why would he allow you to put his daughter—"

"I have told him that it's better if she's at MI and he agreed with me! Mas maaalagaan si Roze doon at siguradong mas mamumulat ang mga mata niya kapag nakita niyang mag-isa na lang siya!"

"No. You can't do that to her, Blanka—"

"Yes, I can! This is my last resort, Kendall! We have to push her to deal with this alone! Dahil kung hindi niya kayang mabuhay sa apat na sulok na kwarto na may mapuputing dingding at siya lang mag-isa, then how can she survive outside of MI?! How can she survive living in Terra Reale?!"

"But how sure are you that this can help her get better? We don't need to be so harsh! This is not the only option we have! Paano kung mas lumala lang ang kondisiyon niya?" pakikipagtalo niya.

FLAMES OF ROZE | Season 1 | TRS#1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon