CHAPTER 36: THE GIFT OF FORGIVENESS

5.7K 164 10
                                    

Isang linggo pagkatapos ng proposal ni daryl ay naging busy na kami pareho sa mga kompanya namin pero hindi naman namin nakakalimutan ang isat isa madalas pa din naman kami nag uusap at kumakain sa labas .. hindi na rin kami pumasok sa school ko para maasikaso muna namin ang ilang bagay.. kasal ? Si daryl na ang nag aasikaso nun mas excited pa nga siya sakin.. pero alam ko na pareho namin gusto na maikasal agad ..

Pinaalam na din namin sa board of regents ang tungkol samin ni daryl at sa kasal na mangyayari wala naman tumutol at sinuportahan na lang nila ang desisyon namin .. maliban kay Mr. Atera at kay dianne.

Kakaiba ang kinikilos ni dianne at hindi ko mapigilang pag isipan siya ng masama lagi niya pinapanuod ang bawat ginagawa ko at madalas din siya may kausap sa telepono ..hindi ko alam kung anu pinaplano niya kaya naman nag hanap ako ng private detective na magbabantay sakanya, ayoko sana gawin yun ngunit hindi ako mapalagay lalo na at malaki ang pinagbago niya, hindi ko pa din sinasabi kay daryl ang tungkol kay dianne ayoko na madamay pa siya sa mga nangyayari at kung anu man ang pinaplano ni dianne ay kailangan unahan ko siya.

Beeeep beeep

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung sino yung nagtext.

From: darling daryl

I'll wait for you outside .. let's go on a date. Ilove you wifey.

Hindi ako ang nagsave ng number niya sa phone ko, hindi ko nga din alam kung bakit ganyan ang nilagay niyang pangalan sa contacts ko, kapag wala kasi yun ginagawa lagi lang kami nakain sa labas minsan nagtatampo yun dahil ayaw ko daw siyang tawagin na darling .. eh ang baduy kaya.

Nagreply ako sakanya at pagkatapos ay inayos ko na ang mga gamit ko.

Palabas na sana ako ng office ko ng marinig ko si dianne na may kausap sa telepono

( pwede ba .. mag intay ka lang basta ibigay mo ang pera ako na bahala )

( Oo sisiguraduhin ko na mawawala na siya)

Nagulat ako sa mga narinig ko .. sino ang kausap niya sa telepono ? Ang bilis ng tibok ng puso ko .. pakiramdam ko ay namamanhid ang katawan ko.

Kailangan ko magkunyari na wala akong alam .. lumabas ako ng office at nakita ko si dianne na halatang nagulat sa paglabas ko .. siguro ay di niya alam na kanina pa ko nasa opisina.

" ahhh .ah kanina ka pa ..ba dyan ?"

Nauutal siya dahil siguro sa takot na may nalaman ako ..

" oo .. pumasok ako ng maaga pero aalis din ako ikaw na bahala dyan "

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nagmadali ako maglakad papunta sa parking lot .. pakiramdam ko ay may nanunuod sakin.. lakad takbo ang ginawa ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Riiing riiiing

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag pero unknown number .. sinagot ko agad ang tawag.

" sino ka ?"

( nakakatuwa kang panuorin na matakot, wag kang mag alala lahat ng meron ka ay mawawala agad ..)

Tooot tooot

Bigla na lang namatay ang tawag.. lalo akong nahina sa mga narinig ko, boses yun ng isang lalaki .. napasandal ako sa isang poste sa sobrang panlalambot, hindi na ko ligtas .. si daryl paano na siya ? Baka madamay pa siya dito ..

Mabilis ako tumayo at tumakbo papunta sa parking lot pero may biglang humila sa akin at dahilan para mag wala at mag sisigaw ako.

" wifey ako to .. anu nangyayari sayo ? "

I'am the boss but he is my boss (BXB) (COMPLETED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon