CHAPTER 42: FORGOTTEN MEMORIES

4.7K 153 2
                                    

Naging mabilis ang pag galing ko pagkatapos ng mga nangyari samin ni daryl, si dust ang lagi kong kasama siya din ang nagbabantay sakin simula nung nagising ako at hanggang ngayon ay hindi ko pa din maintindihan kung anu nangyari kay daryl, bakit hindi niya ako naaalala ?  Inilalayo din ako ni dust kay daryl sa tuwing pupuntahan ko ito, ngayong araw ay pareho kaming lalabas na sa hospital at gusto ko din malaman ang lahat.

" ok ka lang ba ?" - dust

" dust anu ba talaga ang nangyari pagkatapos namin mabangga please i want to know what happen " - alex

" alex i want you to forget everything, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo, just forget it."- dust

" no, dust alam ko may mali dito, may hindi ba kayo sinasabi sakin ? I want to know .. hindi ko matanggap na hindi ako naaalala ni daryl "- alex

Alam ko na may itinatago si dust pero bakit hindi niya ito masabi sakin ?

Mabilis kong inayos ang gamit ko, nakatingin lang sakin si dust alam ko na iniisip niya lang ang kapakanan ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko parang may mali.

Pag kalabas namin ng kwarto ko ay pumunta ako sa kwarto ni daryl nakasunod lang sakin si dust pero wala naman siyang balak na pigilan ako, pagkapasok ko sa kwarto ay wala ng tao sa loob .. wala na si daryl, siguro ay nakauwi na ito sa bahay.

Maglalakad na sana ako paalis sa lugar na iyon ng bigla ako pigilan ni dust.

" alex kung anu man ang malaman mo nandito lang ako .. "

" i know dust but im married to daryl, asawa ko siya at mahal ko siya"

Nagpatuloy ako sa paglalakad, gusto ko na agad makauwi para makausap si daryl alam ko na maipapaliwanag niya ito lahat.

SA MANSYON

Nakita ko ang sasakyan ni daryl, kaya mabilis akong bumaba ng sasakyan ni dust, siya na din ang naghatid sakin dahil ayaw niya din ako iwan.

Pagkapasok ko ng mansyon ay parang gulat na gulat ang mga katulong namin lalo na ang mga magulang ni daryl.

" hijo .. bakit nandito ka ? Akala ko ay ihahatid ka ni dust  sa mansyon mo ?" - cataleya

" ma, may problema ba ? "- alex

" hijo kasi ganito .. paano ko ba sasabihin sayo ang tungkol kay daryl "- cataleya

" ma, sabihin niyo po .."- alex

Hindi ko napansin na bigla na lang sumulpot si daryl habang nakaakbay sa isang babae, parang hindi siya ang dary na kilala ko.

" Ma, bakit nandito siya ? Baliw ata yan nung nasa hospital tayo siya daw ang asawa ko, kakilala niyo ba yan ?"- daryl

Nabigla ako sa mga sinabi ni daryl, talaga ba na nakalimutan na niya ko ? Magsasalita na sana ako ngunit nagsalita ulit si daryl.

" pwede ba umalis ka na dito hindi ako napatol sa bakla , at pwede ba umalis ka sa mansyon ko .. hindi kita kilala " - daryl

Pakiramdam ko ay unti unti ay kinukuha ang lahat sakin, parang wala na akong dapat ipaglaban ..

" daryl ako to si alex .. ang asawa mo, tingnan mo ito, di ba ito ang wedding ring natin ?"- alex

Tiningnan ko ang kamay nia pero walang akong nakitang singsing sa kamay niya, siguro ay tinanggal niya ito lalapitan ko sana siya pero hindi ko inaasahan ang ginawang paghalik nung babae na yun kay daryl.

" babe, sino ba yan ?"

" hindi ko alam, hanggang dito sinusundan ako.. pero maganda na nandito na siya, para sabihin ko sayo na bakla ka ..ito ang asawa ko ai carla kaya pwede ba umalis ka na "

I'am the boss but he is my boss (BXB) (COMPLETED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon