CHAPTER 52: IF ONLY 1.2

4.3K 135 8
                                    

hindi pa din ako makapaniwala sa mga nalaman ko, nailipat na din si daryl sa isang private room kailangan na din siya mailipat ng hospital dahil wala masyado kagamitan sa hospital para masuportahan si daryl.

Hindi ko alam na ganun kabigat ang pinagdadaanan niya, tahimik na lang ako na umiiyak..

Tok tok

Si dust na siguro yun ?

Tumayo agad ako at binuksan ang pinto, pagkabukas ko ay bumungad agad sakin ang mga magulang ni daryl, niyakap nila agad ako .. wala ako nagawa kundi ang umiyak sa mga balikat nila

" sorry hijo .. sorry " - cattaleya

Lumapit agad sila kay daryl, gusto ko magtanung .. maraming bagay ang gumugulo sakin pero hindi ko alam kung tama ba na itanong ko pa ito ..

" alam ko na gusto mo malaman ang lahat, magtanung ka lang " - cataleya

" hindi ko po maintindihan ang nangyayari"

" i think its time for me to clarify everything, all this years hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad sayo pero alex believe me mahal ka ni daryl .. hindi ko alam kung bakit nagawa niya na saktan ka, lahat ay palabas lang alex ang amnesia, si carla .. lahat yun ay palabas para lang mailigtas ka, alam ko na alam mo ang sinasabi ko tungkol sa nangyari sa inyo ni daryl noon "

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa magalit kay daryl, pero hindi ko maintindihan kung para saan ang ginawa niya !

" mahal na mahal ka niya alex para ipagpalit sa lahat, ang anak niya na si alexir ay galing sa sarili niyang laman at dugo .. sarili niya iyong anak, ang carla na nakilala mo ay ang babaeng ginamit niya para saktan ka, nung araw na pumunta ka sa mansyon gusto ko na sabihin sayo ang lahat dahil hindi ko rin naman tanggap ang ginagawa nila pero pinigilan ako ni daryl para sayo, sa apat na taon ay hinanap niya ang taong nanakit sainyo pero nabigo siya dahil patay na rin ito, malaki ang naging pag sisisi niya sayo at nagawa ka niya saktan.. alex malaki ang pag sisisi niya na dahil kahit ang kasal niyo ay hindi rin totoo"

Nagulat ako sa mga nalaman ko, halos hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko..

" hijo lahat kami ay nagkasala sayo dahil inilihim namin ito sayo .. "

" alam po ba ito ni dust ? "

" oo hijo, lahat kami ay nagawa ka lokohin pero lahat yun ay para protektahan ka, hindi ko alam kung naging parusa ba samin ang ilihim sayo ang lahat, pero sa isang taon at kalahati niyang paghahanap sa mga nanakit sa inyo ay naging dahilan para pabayaan niya ang sarili niya at nagkaroon siya ng cancer .. hanggang ngayon ay lumalaban siya para sayo at sa anak niyo na si alexir .. alex sana mapatawad mo kami "

Patuloy lang ako sa pag iyak, hindi ko alam na ganun ang pinagdaanan niya ..

Maraming gumugulo sa isip ko pero hindi ko alam kung paano ko tatanggapin lahat ..

" sorry ma "

Tumayo ako agad, at tumakbo palabas ng kwartong iyon, nakita ko si dust hindi ko alam kung paano niya nagawa ito sakin ..

Naglakad ako palapit sakanya, at sinampal siya

" dust bakit mo nagawa ilihim ang lahat ng ito sakin "

" sorry alex pero hindi ko gusto ito, hindi ko alam na may sakit siya kung anu ang alam mo ay yun lang din ang alam ko sana maniwala ka "

Napa upo na lang ako habang umiiyak, niyapos ako ni dust alam ko na hindi rin ito ang gusto niya at hindi lang siya ang gumawa nito sakin ..

" sorry alex, alam ko na dadating ang panahon na ito na malalaman mo na ang katotohanan pero lahat kami ay hindi ito gusto, yun ang gusto ni daryl "

I'am the boss but he is my boss (BXB) (COMPLETED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon