CHAPTER 26: A FRIEND OF MINE

6.2K 210 3
                                    

Setting: Mansyon

Halos hindi na ko makatulog at makakain dahil sa sobrang pag iisip kung anu ang gagawin ko para sa grand ball at paano yung bwisit na pageant na yun .. kaya ito nasa kwarto lang ako nilulunod ang sarili ko sa problema .. wala na ba dadagdag ?

Push pa more.

Sobrang dami ko na iniisip

Pero mas iniisip ko si christian .. paano pag nalaman niya na hindi johann ang pangalan ko tapos ikakasal na ko sa isang lalaking di ko pa nakikita ? MamahaliN pa kaya niya ako ? Handa ba siyang maging kabet?

No.

Hindi pwede ang kabet.

Pero paano nga ba?

Riiiiiing .... riiiiing

May internal telephone ang kwarto ko kahit nasaan ka sa mansyon pwede ako tawagan,

Sinagot ko na agad.

"Yes hello "

( sir may nagiintay po sa inyo sa labas .. may dala po kotse )- maid

" malamang kotse yan, magtaka kung ang dala niyan ay barko "

medyo nagulat din ako sa sinabi ko epekto ata ito nung napanuod ko sa tv, yung host kasi na bakla di ko matandaan ang pangalan pero ang galing niya talaga barahin yung mga tao .. ganun yung tawag nila sa pamimilosopo eh. Medyo nagagaya ko na din.

( sir papapasukin ko na po ba ngayon ? )

" try mo bukas papasukin yan .. baka kasi trip niya magintay ?"

( sir naman eh .. pinapasok ko na po ? May kailangan pa po ba kayo ?)

" malamang pinapasok mo .. kelan ka pa nakapasok kung nasa labas ka ? Oo may kailangan ako .. asikasuhin mo yung bisita, mag aayos lang ako."

(Ngayon na po ?)

" pwede naman bukas .. bukas wala ka ng trabaho "

( ay ganun .. sige po pupunta na ko dyan)

" syempre ikaw ang pupunta .. alangan naman na ako pa ang pupunta sayo ?"

( ok po )

Ibinaba ko na ang telepono, minsan natutuwa ako sa mga ganung tao pero sino kaya bisita ko ? Wala naman nakakaalam ng mansyon ko maliban kay .. dianne, dust, mga driver, katulong, butler ...

MEron pa ba ko nakalimutan ..

BAHala na nga ..

Nagsimula na ko mag ayos.. baka mukha akong lunod na lunod sa problema, kaya nagmadali agad ako sa pag aayos at lumabas na ko ng kwarto ko .. hinanap ko kung sino yung bisita ko ..

Tiningnan ko sa may sala pero wala naman tao, pinuntahan ko sa kusina pero wala din .. kaya nagpunta ako sa may lanai nakita ko yung isang nakatalikod na lalaki .. kaya lapit ako paunti unti.

Bigla naman siyang lumingon ..

O.O

" hey .. Ganyan ba talaga dapat ang maging reaksyon mo sa bestfriend mo na INIWAN MO ?"

" lantis ?? Ikaw ba yan .. "

" yes bestfriend .. ang tagal ko din hinanap kung nasan ka hah ! "

Bakit niya ko hinahanap ?

Si lantis ferio ay bestfriend ko .. simula elementary siya ang kauna unahang nakaalam sa pagkatao ko .. at dahil bestfriend ko siya, halos magkapatid na ang turingan namin.. malaki ang naging kasalanan ko sakanya, simula kasi ng pinalayas ako ng mga magulang ko hindi ko na siya nakita pa o nakausap ..

I'am the boss but he is my boss (BXB) (COMPLETED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon