CHAPTER 34: THE ONE YOU LOVE

6.1K 182 5
                                    

" mahal kita .. alexander gabriel montreal, mahal na mahal ka ng baliw na kagaya ko"- daryl

Parang unti unti akong lumulubog sa kinatatayuan ko, hindi ko maintindihan paano niya nalaman ?

" hindi mo na kailangan pa itago sakin, alam ko na naguguluhan ka pero sana matanggap mo ... ako si Daryl carlo montecillo ang future husband mo "

" paano mo nalaman ?? Ang tungkol sakin?"

" dahil sakanya .."

Itinuro niya ang isang lalaki sa di kalayuan na palapit sa aming direksyon .. mukhang pamilyar siya sakin, ng makalapit na yung lalaki na tinuro niya sakin nagulat na lang ako kilala ko siya kilalang kilala ko siya.

" sorry bestfriend .. plano niya to! "- Lantis

" wifey.. si lantis ay cousin ko, di ko alam na best friend ka niya, di ko muna pinaalam sayo kasi iniintay ko na matapos ang pageant pati ang grand ball kaso hindi ko naman inaasahan na iba pala ang mangyayari .. sorry wifey "

" sorry din bestfriend .. di ko naman alam na itong pinsan ko pala ang mapapangasawa mo .. aksidente ko lang naman naikwento sakanya na pupunta nga ako sa school mo, di ko naman alam na iba pala ginagamit mong pangalan, tapos iyon naikwento ko lahat .. sorry talaga "

Hindi ako makapagsalita sa mga nalaman ko mula sa kanila pero alam ko na masaya ako dahil alam ko na si christian ...

NO

Hindi na siya si christian siya na si daryl ang lalaking minahal, mamahalin at ang magiging asawa ko, lumapit ako sakanya at niyakap siya ng sobrang higpit ..

" nakakaistorbo na ata ako sa inyo, hoy pinsan ikaw na bahala dyan sa bestfriend ko ha ibalik mo yan ng buo ha.. "

Nang tuluyan na makalayo si lantis ay bigla na lang ako hinila ni daryl palapit sakanya at niyakap niya ko ng sobrang higpit .. pagkatapos ay hinalikan niya ko..

" akala ko .. hindi mo matatanggap na ako mapapangasawa mo, mahal na mahal kita wifey.. "- daryl

" daryl .. matagal mo na ba alam ?"

" medyo lang wifey, tara sumama ka sakin"

" ha? San tayo pupunta ? "

" basta sumama ka na lang muna .. marami tayo dapat pag usapan .."

Wala ako nagawa kundi ang sumunod na lang sakanya, nagpunta kami sa parking lot ng school at sumakay sa kotse niya hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni daryl mabilis niya pinatakbo ang kotse wala Ko masabi kahit isang salita tumingin na lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin, ipinikit ko na ang aking mata sa sobrang pagod.

Naramdaman ko na lang na may gumigising sa akin kaya minulat ko ang aking mata at ang nakita ko ay ang mukha ni daryl na sobrang lapit sa mukha ko .. mabilis ako umayos ng pwesto ngunit di ko inaasahan na ma uuntog ako sakanya, pareho kami napahawak sa ulo.

" wifey naman kasi .. di naman kita rereypin eh "- daryl

=______=

" kasi naman .. natutulog ako tapos gigisingin mo ko nasan na ba tayo ? "

" basta bumaba na tayo at may nag iintay sa atin .. " - daryl

" may nagiintay ? Teka nasan na ba tayo ?"

Hindi na siya nag salita at nagmadali ng bumaba ng kotse, naghanap ako ng salamin at tiningnan ko muna ang sarili ko bago ako bumaba ng kotse.

Sobrang dilim at hindi ko masyado makita ang dinadaanan, hindi ko alam kung saan ako dinala ni daryl, wala ako ideya kung anung lugar yun, naglalakad na ko ng biglang lumiwanag ang isang poste nagpatuloy ako sa pag lalakad at sa bawat paglalakad ko ay isa isang nag liwanag ang mga poste, kinakabahan na ko hindi ko alam kung nasaan si daryl patuloy lang ako sa pag lalakad napahinto lang ako sa paglalakad ng makita ko ang hagdan na daan, hindi ko alam kung tutuloy ako.. dahil ang bahagi ng lugar na yun ay sobrang dilim.

I'am the boss but he is my boss (BXB) (COMPLETED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon