CHAPTER 31: JUST CALL ME DARLING

5.6K 198 3
                                    

Alex's pov

Huling araw na ng practice namin para sa pageant, kasama ko pa din si christian.. siguro we can consider ourselves in a relationship right now, simula ng nangyari yun sa condo niya hindi na siya lumayo sakin.. pero hanggang ngayon iniisip ko pa din si dust, hindi ko na siya nakita simula nung sa restaurant sobra ko siya nasaktan..

Pero tama naman ang ginawa ko di ba ?

Sana mapatawad niya ako.

halos Ilang oras pa kami nag practice bago pa kami pinauwi nung baklang instructor namin.. at syempre kasama ko pa din si christian.

" kanina pa kita tinitingnan pero parang ang lalim naman ata ng iniisip mo ?"-daryl

" ah wala yun .."

Pagkatapos ng araw na ito ay cultural at grand ball na.. matanggap mo pa kaya ako pag nalaman mo na ang totoo ?

" ah wifey .. nagugutom ka ba ? Tara kumain "-daryl

Hindi pa ako nakakapagsalita hinila na niya agad ako, patagal ng patagal na nakikilala ko siya mas lalo lang ata napapadalas ang paghila niya sakin ..

Sa sobrang paghila niya sakin di ko na namalayan na nasa tapat na kami ng isang convenient store .. ang bilis di ba ?

Pumasok kami sa loob .. syempre hindi niya pa din ako binibitawan kaya ang ending holding hands sa convenient store halos nakatingin na nga samin mga tao.

" ah eh christian pwede mo na ko bitawan .. nakatingin na sa atin mga tao eh .. "

" alam mo ang daya mo tawag ko sayo wifey tapos christian ang tawag mo sakin "- daryl

Nakatingin tuloy samin mga tao dahil sa lakas ng pagkakasabi niya, tapos bigla na lang niya ko binitawan .. at nagpunta sa counter para bayaran yung mga kinuha niya.

" sir artista po ba kayo ?" Tanung nung babae sa counter kay christian

" hindi.. "- daryl

" ang gwapo niyo naman po .. im shirley "

" he's my wife .. and im not interested to you, just punch everything and i'll pay for it"-daryl

Nagulat ako sa sinabi niya at syempre natameme yung babae.. kaya nagsimula na magpunch yung shirley,hindi ko alam kung kikiligin ba ko o kung anu .. ang lakas talaga ng topak ng lalaking to.

Nagsimula na siya maglakad palabas .. hindi niya ako pinapansin kaya sinundan ko na lang siya, anu ba trip nito ?

" hoy christian .. "

Tinawag ko siya pero hindi naman niya ko nililingon ..

" hoy christian anu ba ?"

Naiinis na talaga ako sa lalaking to .. nagtampo ba siya sa di ko pag tawag ng darling sakanya .. ang baduy kaya.

" ah eh .. paano ba to .. darling "

" ^______^ yes wifey .. "

Sa sobrang lapad ng ngiti niya.. hindi ko alam kung tatawan ko ba o hindi,

Lumapit siya sakin at bigla niya na lang ako inakbayan .. halos lahat na ata ng tao nakatingin samin, wala naman ako dapat ikahiya di ba ?

Naglakad lang kami pabalik sa school may kukunin pa kasi kami .. papasok na sana kami pero nakita ko si dust, halos di ko na siya makilala.. payat at parang puyat na puyat siya..lumapit ako sakanya pero bigla na lang niya ko niyakap..

" hindi mo ba talaga ako kayang mahalin ? Please naman .. alex mahalin mo ko "

Tinawag niya kong alex ..tiningnan ko si christian sana hindi niya nahalata.

I'am the boss but he is my boss (BXB) (COMPLETED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon