CHAPTER 48: REASONS TO LOVE YOU

4.8K 163 1
                                    

Dumating kami sa company ni daryl at kung ako ang masusunod ay ayokong pumunta dito naaalala ko lang ang nangyari samin pero kailangan ko gawin ang trabaho na ito hindi para sa sarili ko kundi para kay dust at darex ..

Masaya ako na nakikita silang dalawa na magkasama, papunta na kami sa office ni daryl at alam ko na kanina pa siya nag hihintay.

" ok ka lang ba ? " - dust

" oo naman bakit naman hindi "

Hinawakan niya bigla ang kamay ko nagulat ako pero hindi ko magawang mabawi sakanya ang kamay ko, nakatingin lang samin si darex habang nakangiti, sabay kami pumasok sa office ni daryl.

Hindi ko inaasahan na nandun din ang anak niya, alam ko na nagulat siya ng makita niya si darex tiningnan ko si dust pero halata na mas nagulat din ito sa anak ni daryl na ngayon ay nakangiti lang at nakatingin samin.

" have a sit. " - daryl

Umupo kami sa may sofa sa office niya, pakiramdam ko ay nagsusukatan ng pagkalalaki ang dalawa base na din sa pag titinginan nila, kaya mabuti pa na simulan ko na ang usapan na ito.

" ah eh kasi .. di ba ngayon simula ng shooting ko para sa commercial ? "

Tumingin na sa akin si daryl kaya naman natigil ang dalawa, dahil hanggang ngayon ay hawak ni dust ang kamay ko ay bumitaw na ako

" hindi ba niya sinabi sayo ? " - daryl

" ang tungkol saan ? " - alex

" wala ka naman talaga commercial na gagawin ? "

" paanong wala ako gagawin "

" kaya ka nandito ay para sa kompanya at para maging akin din, ang pinirmahan mo na kontrata ay ang kontrata na pinirmahan mo dati nung kinasal tayo"

Naguguluhan ako pero di ko alam kung paano sisimulan.

Nakatingin lang ang dalawang bata sa amin kaya naman kinausap ko muna sila na lumayo muna dahil may pag uusapan lang kami na importante sumunod naman silang dalawa.

" hindi ko maintindihan ang sinasabi mo ? Dust totoo ba ang sinasabi niya ? " - alex

" sorry alex pero yun ang totoo, kailangan mo pumirma sa kontratang iyon hindi ko din naman gusto ito pero sayo lahat ng pag mamay ari niya"

Pakiramdam ko ay pareho nila akong niloko, pinaglalaruan ba nila ako ?

" hindi ko maintindihan kung anu gusto niyo dalawa mangyari pero bakit niyo ba ginagawa ito ? " - alex

" para maging akin ka ulit " -daryl

Hindi ko maramdaman na mahal ko pa siya pero galit at pagkasuklam ang nararamdaman ko sakanya.

" hindi ako laruan daryl.. wag mo na ipilit pa ang sarili mo sa akin "

" hindi ka na makakalayo pa sakin alex, mahal pa rin kita .. "

" hindi ko alam ang sinasabi mo na pagmamahal, matagal mo na kinalimutan ang pagmamahal na yan, hindi ka pumapatol sa bakla yan ang paulit ulit mong sinabi sakin apat na taon na ang nakakaraan .. "

Alam ko na may itinatago sila sa loob ng apat na taon pero hindi ko alam kung dapat ko pa ba malaman ang tungkol dun, hindi na importante yun ngaun.

Tumingin ako kay dust alam ko na hindi niya inaasahan ang sasabihin ko, pero kahit alam ko na niloko niya ko hindi ko magawa magalit sakanya.

Bakit ganito ako ..

" ginawa ko lang yun para sayo para iligtas ka sa mga taong nanakit sayo " - daryl

I'am the boss but he is my boss (BXB) (COMPLETED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon