CHAPTER 45: IF I CAN GO BACK 1.2

4.6K 167 8
                                    

DARYL'S POV

Life is too fast for a broken man ..

Sometimes it is not enough just to smile but it is just too hard to laugh.

It's almost 4 years simula ng nawala siya sakin at  all this time hindi ko alam kung paano ako magpapakilalang muli sakanya, mahirap magdesiyon ng isang bagay na alam mo na maraming pwede mawala sayo

4 years ago iniwan ko siya ..

Sinaktan ko siya ..

Kinalimutan ko siya ..

Masama ba na iligtas mo ang taong mahal mo at ilayo sa mga taong gustong pumatay sa sariling pamilya mo dahil lang sa isang nakaraan na hindi naman dapat kayo ang nagbabayad para sa kasalanang ginawa nila.

Hindi dapat kami ang nagbayad para sa kasalanan nila ..

FLASHBACK

" SIr nababa na po ang heart rate ng pasyente, marami na po naubos na dugo we need blood transfusion "

Hindi ko alam kung nasan ako, ang tangi ko lang naririnig ay mga taong nagkakagulo sa loob ng isang puting kwarto, ramdam ko ang mga sugat at pasa sa buo kong katawan pero hindi ko alam kung bakit nandun ako ..

Inisip ko kung paano ako napunta sa lugar na yun .. sa di kalayuan ay nakita ko ang isang lalaki na duguan at halos puro dugo ang katawan, hindi ko alam kung bakit parang gusto ko siya hawakan at gusto ko siya lapitan ..

"  Sir may malay na po yung una pasyente"

Naglapitan ang ilan sa mga nurse sakin pero wala akong lakas na magsalita pakiramdam ko ay tumama ang ulo ko ng malakas, naramdaman ko na lang na parang inaantok ako .. at tuluyan na kong nilamon ng dilim.

Nagising na lang ako na nasa isa akong kwarto, maraming tao sa kwarto na yun mga taong hindi ko pa nakikita.

" daryl .. hijo gising ka na " - cataleya

" nasaan ako ? SIno kayo ?  "

Halata sa mukha ng mga nasa loob ang pagkagulat .. pero hindi ko matandaan kung sino sila at nasaan ako ..

" tatawagin ko lang ang doctor " - dust

Pakiramdam ko ay parang gumuguho ang lahat, sa sobrang sakit ng ulo ko ..

" sino kayo ... nasaan ako "

" hijo ako ito ang mama mo .. jusko po anak anu nangyari sayo "

Sigaw lang ako ng sigaw sa sakit ng ulo ko, hanggang sa dumating ang doctor pati na ang isang nurse may kinuha ito na parang isang bagay sa bulsa at itinurok sakin naramdaman ko na lang na parang unti unti ay inaantok ako.

Sa bawat pag pintig ng aking sentido, ay para akong nauupos na parang may kulang sa pagkatao ko na pilit kong hinahanap .. 

Gusto ko imulat ang mata ko ngunit natatakot ako na kung ano ang mangyari, alam kung gising na ko pero natatakot ako na sa pagbukas ng mata ko ay may nawala talaga sakin na kelangan ko ibalik.

Sa aking isip ay naramdaman ko ang mainit na haplos sa aking katawan, na tila pamilyar ang init na dumadampi sa aking kaibuturan ,hindi ko alam pero kailangan ko ang lalaking yun .. siya ang buhay ko tama .. naaalala ko na.

Minulat ko ang aking mata, hindi ko napigilan ang maiyak para sa aming dalawa, paano ko siya nakalimutan ng ganun kabilis .. bakit ganito ang nangyari sa dapat masaya naming pamilya.

I'am the boss but he is my boss (BXB) (COMPLETED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon