CHAPTER 49: LOVE IS BLIND

4.9K 146 10
                                    

napadpad ako sa isang bar hindi ko alam kung bakit ako dun napunta, nag disguise na din ako para di ako makilala pagkapasok ko ng bar ay halos nagtatawanan ang mga tao dahil dun sa mga bakla na nagpapatawa sa may stage.

Nagpunta ako dun sa may isang table sa gilid wala masyado tao dun at hindi masyado dinadaanan.

Umupo lang ako dun, inikot ko ang mata ko at di ko inaasahan na nandun si lantis at ang anak ko ..

Nakadiaguise din si lantis pero bakit nandun ang anak ko ..

O_________O

ang anak ko nasa bar ?????

Tatayo na sana ko pero nakita ko si dust, akala ko ba umuwi na sila.

Masyado ng maingay sa bar gusto ko sila lapitan pero nasa bandang unahan sila at halos madami ng tao dun.

Nagtatawanan na ang lahat pero hindi ko maramdaman ang saya na nararamdaman nila.

Nagsalita na yung mga bading na nagpapatawa

" iyan .. ang daming pogi ngayong gabi di ba prend " gay 1

" oo nga may nakita na ako dito, iyon o si papa ang gwapo niya talaga " gay 2

" aba oo nga, hello papa pwede ka ba umakyat sa stage ngayon ? "

Napatingin ako dun sa tinutukoy nila nakita ko na si dust na umakyat sa stage

" hi papa anung pangalan mo ? " - gay 1

" dust "

" nice name prend sosyal ito " - gay 2

" alam mo nakita nakita sa tv eh, pamilyar ka talaga sakin " - gay 1

" baka kamukha ko lang "- dust

Nagtawanan na ulit ang mga tao, alam ko na kinakabahan si dust hindi niya lang pinapahalata.

" ay oo tanda ko ikaw yung manager nung gwapong artista na dumating sa pilipinas " -gay 1

" ay prend may aritista tayo dito " - gay 2

" dahil dyan kailangan magsample ka muna " - gay 1

Nagsisigawan na ang mga tao, napapangiti na lang ako kay daryl

" sige po pahiram na lang ng gitara "

" ay prend talented, wag ka dyan di reach ng beauty mo iyan " - gay 2

iniabot sakanya ang gitara nagsimula na siya tumugtog pamilyar sakin ang kanta na yun

" bago po ako magsimula ay ang kantang ito ay para sa taong mahal ko, matagal ko siyang naging kasama naging butler niya ko naging ka school mate at siya ang boss ko, sa loob ng apat na taon siya lang ang minahal ko hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit kapag kasama ko siya ay pakiramdam ko ay kumpleto ako, alam ko na nasaktan ko siya dahil niloko ko siya at alam ko na wala din siya dito pero sana kung nandito lang siya malaman niya na mahal na mahalko siya .. hindi ko din maipaliwanag kung bakit mahal na mahal ko siya pero sana malaman niya na pwede ako na lang sana ang minahal niya "

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, ang bilis ng tibok ng puso ko .. halos lahat ng tao ay nakatingin sa kanya kung alam lang niya na nandito ako.

" sana malaman mo na mahal kita "

Bakit ba hindi pwedeng maging tayo
Ang nais mo ay kaibigan lang ako

Ang kantang yun ay ang kantang kinanta niya para sa akin, hindi ko alam kung bakit hindi ko nakita na matagal ko na siya kasama sa buhay ko.

Dinamdam ko ng lubos ang mga sinabi mo
Wala na ba akong pag asa sa puso mo

I'am the boss but he is my boss (BXB) (COMPLETED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon