CHAPTER 47: WE MEET AGAIN

4.8K 172 4
                                    

Sa pagbabalik ko sa pilipinas ay di ko akalain na nagbago na talaga ng tuluyan ang buhay ko, noon ako ang presidente ng montreal na nagtatago para lang di nila makilala at mabuhay ng normal.. ngayon isa na akong artista na nakikita ng lahat at kilala ng lahat.

Gusto ko ng normal na buhay pero mas kailangan ko ang trabaho na ito para mabuhay kami ni darex. Alam ko na lagi ako nakadepende kay dust at gusto ko naman may magawa para sakanya kaya ko tinanggap ang trabaho na ito sa pilipinas, pero bakit parang hindi ko naman alam kung para saan ang trabaho ko basta na lang kasi ako pinapirma ni dust sa kontrata na yun di ko man lang kilala kung anu at para kanino ako magtatrabaho.

Ito ako ngayon papunta sa isang restaurant para lang sa isang dinner meeting, sabi ni dust ang pupuntahan ko daw ay kasama sa trabaho ko at importante na makausap ko ang taong iyon.

Sino kaya yun ?

Wala naman siguro makakakilala sakin sa pupuntahan ko, naka maong shorts lang ako at naka polo na red at rubber shoes na red nagsuot din ako ng nerdy shades, si dust ang nag bigay ng susuotin ko hindi na kasi siya sumama kasi siya ang nag aalaga kay darex.

Palapit na ko sa restaurant kung saan kami magkikita nung ka meeting ko, nagulat na lang ako dahil pamilyar sakin ang restaurant na yun.

napuntahan ko na ang lugar na ito.

Pakiramdam ko ay para akong bumabalik sa nakaraan, hindi ko maintindihan ang pakiramdam na ito parang may mali.

Ipinarada ko ang aking sasakyan sa parking space sa harap ng restaurant.

Parang ayaw kong bumaba hindi ko alam kung bakit parang natatakot ako, natatakot ako na makita siya o ayaw ko lang talaga harapin ang kahapon ? Bahala na nga trabaho ay trabaho.

Bumaba agad ako sa sasakyan ko at nilock ito. Pagkapasok ko sa restaurant ay napansin ko na malaki na ang nagbago sa setsuna simula nung pumunta ako ibang iba na ito, maraming nagbago kagaya ko.

May sumalubong sakin na isang lalaki actually cute yung lalaki sa suot niyang pink at blue na uniform ata nila, yun din kasi suot ng waitress na nakita kong nagseserve sa iba pang customer.

Magtatanung na sana ako pero bigla itong yumuko, at bumati syempre ginaya ko na lang.

" good evening sir, naka reserve na po kayo ng table sa private room, sumunod lang po kayo sakin "

Sumunod na lang ako dun sa manager ata kasi lahat ng sumasalubong sakanya ay binabati siya, dinala ako nung lalaki sa harap ng isang pinto at iniabot yung susi.

" sir nandito na po tayo if may kailangan po kayo may phone po sa loob ng kwarto na ka connect po yun sa main kitchen sabihin niyo lang po kung anu gusto niyo at ipagluluto namin kayo. "

" ah.. eh sige salamat"

" sige po sir enjoy your night "

Ngumiti na lang ako dun sa lalaki, saka paano ko maeenjoy Ang gabing ito eh trabaho naman to saka hindi ako komportable sa lugar na ito.

Binuksan ko na lang yung kwarto at sobrang ganda sa loob nun, kulay asul ang pader na may mga drawing na ulap at may mga bulaklak na talagang nagbigay buhay sa kwarto para kang nasa bakasyon, may isang salamin na naghaharang sa loob at labas ng kwarto, sa labad naman ay makikita ang isang fountain at mga asul na rosas na pag tinamaan ng ilaw ay buhay na buhay ang kulay, hindi ko alam na ganito pala kaganda sa setsuna bukod sa masarap na pagkain, umupo ako sa isang sofa at nakatingin lang sa labas ng kwarto sayang at hindi ko kasama si dust at darex sigurado na magugustuhan din nila ang nakikita ko.

" nagustuhan mo ba ? "

" oo naman ang ganda dito "

Hindi ko namalayan na may nakapasok na pala na tao, at hindi lang basta tao, Napatayo ako sa nakikita ko, si daryl ang nasa harapan ko ngayon, bumibilis ang tibok ng puso ko para akong matutunaw gusto kong lumayo sa lugar na yun pero bakit parang wala akong lakas na gawin yun akala ko ay handa na ako pag nagkita kami pero bakit ganito.

I'am the boss but he is my boss (BXB) (COMPLETED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon