Chapter 25

513 12 1
                                    

"Are you ready to go home na?" tanong ni Lucas ng buksan ang pinto ng kwarto namin

Mamaya pa namin kami uuwi pero kung mag tanong siya ay parang gusto niyang mapaagap pa ang alis dito sa Boracay

"Hindi pa" sabay na sagot ni Lienel at Iyah

"Bitin" sambit ko

"Agree, I hope we can spend one week here" sambit naman ni Lienel

"Oo nga, nakakawala ng stress dito" sambit naman ni Khloe.

Naandito kaming lahat sa room namin nila Khloe dahil lalabas kami at hinihintay nilang matapos kong bihisan si Z

"We can go back here po right?" tanong naman ni Z.

"Ofcourse our baby" malambing na sambit ni Lucas kay Z ng buhatin niya iyon

"Yey, ninong" yakap naman ni Z.

Napakaclose nitong si Z sa ninong niya kaya naman parang may tatay na din siya pero iba pa din kung yung tunay niyang tatay ang nakakasama niya.

Kailan kaya mang yayari iyon? Kailan makakasama ni Z ang sarili niyang ama? At mang yayari pa kaya iyon?

"Lets go na. Mag lunch muna tayo before pumunta sa airport" sambit ni Acxel kaya naman nag ayos na kami ng gamit at sabay sabay na lumabas ng kwarto.

Lucas and Acxel help me to bring our things kaya naman maalwan sa akin ang pag akay kay Z.

"Mommy where is tito Az?"

"I don't know anak e" sagot ko ng mag tanong sa akin si Z

"Ah. Baka po later makita ko siya?" sambit niya naman at nag patuloy sa pag lalakad habang winawagayway ang kabilang kamay at hindi na lang ako umimik dahil nakapasok na kami sa buffet area at naupo na sa vacant seat.

Kumuha na din kami ng kaniya kaniyang pag kain at nananghalian bago dumeretso sa airport.

"Doon pa kami sa dulo ni Z" sambit ko ng makaupo na sila "akin na yung bag, kahit yung kay Z na lang" dagdag ko pa

"Here" abot ni Lucas at nagulat ako ng may ibang kamay na kumuha noon.

"Saan ang seat niyo?" tanong niya sa akin

"Sa dulo pa" sagot ko naman

"Tito Az!" tawag agad sa kaniya ni Z.

"Hello baby girl" bati naman ni Azriel sa kaniya "ako na mag dadala nito. Sa dulo pa din naman ako" ani nito sa akin kaya naman napatango na lang ako at dumeretso na kami ni Z sa pag lalakad.

"Dito na kami" sambit ko ng makarating na kami sa seat namin

"Dito din ang seat ko" sambit niya naman

"Tito Az katabi ka po namin?"

"Yes Z" nakangiting sagot ni Azriel at nilagay na ang bag ni Z sa taas at naupo na siya.

Doon siya sa tabi ng window habang nasa gitna naman namin si Z.

"Mommy, I want beside the window po" sambit ni Z sa akin

"But baby, we have designated seat e" paliwanag ko naman sa kaniya

"Wait, I'll ask the attendant if we can change the seat" sambit ni Azriel "excuse me, pwede po bang mag palit kami ng seat?" tanong niya sa babaeng attendant at tinuro si Z.

"Ahm, sure sir" nakangiting sagot ng attendant sa kaniya na parang kinikilig pa dahil nakangiti sa kaniya si Azriel.

"Thank you"

Waves Of LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu