Chapter 21

502 13 0
                                    

Miss A.: hey Zack. Next week May 8 na ang binyag. Ninong ka ha! You keep on telling me that

Zaack :yes, I'll be there. Send me info.

Miss A.: I'll send it to you later.

I sent a dm to Zack to inform him na next week na ang binyag ni Z. He keeps on reminding me kasi na gusto niyang maging ninong. Lagi nga din niyang kinakamusta ang anak ko.

Miss A. :you busy guys?

Maggieee: nope, why?

ThatsKayla: whats up?

ThatsKayla: anong balita?

Miss A.:Binyag ni Z on May 8. Ninang kayong dalawa ha.

ThatsKayla: Akala ko hindi mo kami kukunin na ninang e

Maggieee: oh my god. First inaanak ko to. See you

ThatsKayla: same, send us info.

Miss A. : I'll send ito to you guys later

Miss A. : See you

Its been a few months when I gave birth to Z. And next week mabibinyagan na siya. And except for that, nakipag usap na din ako kay miss Majes to continue may online class dahil hindi ko pa naman pwedeng iwan si Z dahil wala pa siyang isang taon.

"Nasa baba sila Lienel kasama si Briella" nilingon ko ang pinto ng kwarto ni Z ng may mag salita doon.

Naandito kasi kami ni Z sa kwarto niya dahil natutulog siya at binabantayan ko naman

"Pasabi po, umakyat na lang sila dito" sambit ko kay daddy

"Sige, dadalhan ko na din kayo dito ng meryenda niyo" sambit ni daddy

"Thank you po" tumango siya sa akin at sinara ang kwarto

Maya maya pa ay narinig ko na may mga nag lalakad ganun na din ang boses ni Briella na kumakanta kanta pa.

Briella is already three years old at maayos na din siyang mag salita hindi kagaya noon na utal utal pa.

"Hello" bati ko kay Briella ng makapasok sila sa kwarto ni Z at yumakap naman ito sa akin.

Lahat ng pinsan ko ay naandito maliban kay Elton.

"Asan mommy nito?" tanong ko sa kanila na tinutukoy si Briella

"Iginala lang namin yan. Hindi ko alam kung nasaan sila tita ngayon" sagot ni Lucas

"Mag meryenda muna kayo" alok ni dad na nasa pinto ngayon

"Thank you po tito" sambit nila

"Akin na po yan" sambit ni Acxel at kinuha ang tray kay daddy.

"Dito ba kayo matutulog? Bakit may mga gamit kayo doon sa baba?"

"Ay opo tito, pwede po ba?" sambit ni Lucas

"Abay oo naman, doon na lang kayo sa kwarto ni Atasha. May mga mattress naman sa storage room"

"Yun!" Sabay na sambit ng kambal

"Salamat po tito" sambit ni Lienel

"Thank you tito" sambit naman ni Iyah

"Oh siya sige. Kayo na lang ang kumuha ng mattress doon sa storage room. Paano ang dinner niyo?"

"Mag luluto na lang ako dad" sambit ko

"Tulungan na lang kita" sambit naman ni Lienel

"Ay itong si Briella?" pag tutukoy niya kay Briella

Waves Of LoveWhere stories live. Discover now