"Welcome Home!" salubong ng lahat ng makapasok kami sa loobng bahay.
Karga ni mommy si Z, habang si daddy ay dala ang aming mga gamit.
Mukhang pinag handaan nila ang pag uwi ni Z sa bahay. May banner pa sila naka sulat na 'Welcome home, Zelaine Ariella' may kaunti ring salo-salo
Kinuha ni Lucas ang gamit na bitbit ni dad, habang ang iba ay lumapit agad kay Z at ang iba ay binati ako.
Lahat naman sila ay nakita na si Z, maliban kila lolo at Lola kaya ayun, si lola na ang may hawak kay Z.
Nilaro naman siya ni Elton at Briella na akala mo ay nakakaintindi na ang apat na araw pa lang na sanggol dahil ngumingiti ito sa tito at tita niya.
"Ang taba ng anak ni Atasha, napaka tapang na bata at nailabas niya si Z" dinig kong sambit pa ni lola habang nilalaro din si Z
"Hay naku ma, sinabi mo pa. Buti na nga lang po at naandon si Lucas at Lienel" sambit ni mommy
"Oh ngayon Lienel alam mo na kung paano manganak" biglang sambit ni Acxel
"Oh anong ibig mong sabihin Acxel?"
"Wala naman, atleast you know what to do na when its you're time" asar nito at tumingin pa sa kambal niya
"Huwag ka mag alala Acxel, ikukwento ko kay Khloe yung nangyari kay Atasha" pag babalik ni Lienel ng asar kay Acxel
"Yun naman pala bro, wag ka mag alala malalaman din ni Khloe kung paano manganak" biro ni Lucas
"Hoy! Mag tigil nga kayong kambal, biro biro kayo diyan sa pag aanak" saway ni tita Zeyha
"Joke lang e hahaha" sabay na sambit ng kambal kaya natawa naman kami.
"Dalawang Acxel, kayo wag niyo gawing biro yang pag aanak. Mga hindi pa kayo handa" sambit ni Lolo
"May savings ako from endorsing, may business naman si Lienel"
"What the..." napamaang na lang si Lienel
"Joke lang, peace" sambit ni Lucas at nag peace sign kaya naman tumawa si Acxel
"Mag tigil kayong kambal, ayaw ko pa maging lolo, at tsaka asan nga pala si Khloe?" tanong ni tito Marcus
"Maya maya pa yun makakarating" sambit ni Acxel
"oh siya, mag kainan na muna tayo" sambit ni lolo
Nag tayuan naman na sila at kinuha ko si baby Z kay mommy para maka kain siya dahil hindi pa ako kakain dahil busog pa ako.
habang nag kakainan sila ay nag kukwentuhan din ng tumunog ang door bell at nag prisinta si Iyah na siya na ang titingin kung sino iyon.
"Ate, package mo daw" sambit ni Iyah ng makapasok ng bahay bitbit pa ang isang malaking paper bag
"Package ko? Wala naman akong pinadala or inorder e" takang sambit ko at inabot ang paper bag
"I don't know, hindi din naman pinabayaran e"
"Hindi mo yan order, maybe may nag padala sayo" sambit ni Lienel at nag kibit balikat na lang ako bago buksan ang paper bag gamit ang isang kamay dahil hawak ko sa kabila si Z
"Let me help you" sambit ni Iyah at binuksan ang paper bag
"A baby stuff?" takang tanong ko ng mailabas ni IYah ang laman ng paper bag
Ang laman ng paper bag ay clothes for babies, meron ding socks and gloves na color pink.
"May note ate oh" abot sa akin ni Iyah ng maliit na papel
YOU ARE READING
Waves Of Love
RomanceHaving a family is great, but only when you are ready emotionally, physically and financially. Every teenager wants to enjoy their life before getting into a family because they believe that they can't do what they want when they are already a pare...