Chapter 26

470 17 0
                                    

"Can you stop spoiling her? Look at those bags" turo ko sa paper bag na nakalagay sa isang upuan dito sa shop

"I'm not spoiling her, I'm just giving what she wants" sagot ni Azriel sa akin

"Pareho lang yun. Napaka dami na ng binili mo para sa kaniya"

Kanina pa kasi kami namimili ng mga gusto ni Z. At ngayon ay hinahayaan niya naman itong si Z na mag lagay ng mag lagay ng laruan sa cart.

Sobrang dami na ang nabili ni Azriel. Nahihiya na ako kasi naman ang mamahal ng mga binibili niya at lahat ng pinipili ni Z ay binabayaran niya. Hindi ko alam kung tumatae ba siya pera o may sariling puno ng pera kaya hindi namomroblema sa gastusin. Hindi ko alam kung mayaman siya pero mukha naman dahil maganda naman ang sasakyan niya e. Mamahalin.

"Minsan lang to" sagot sa akin ni Azriel

"Azriel, ang dami dami na ng pinamili niyo"

"Its okay. Ihahatid ko naman kayo"

Napairap na lang ako at tinalikuran siya. Hindi naman matatapos ang usapan namin kung makikipag talo pa ako dahil alam kong wala akong magagawa.

Ako yung nanay at hindi naman kaano ano ni Azriel ang anak ko pero siya ang nasusunod ngayong araw.

"Z, thats too many na" sita ko kay Z.

"But mommy..."

"Hayaan mo lang siya Atasha" pag singit naman ni Azriel

"Azriel..."

"Hays" buntong hininga ni Azriel at binuhat si Z tsaka may binulong doon

"Okay po" nakangiting sambit ni Z.

Hindi ko alam kung anong binulong ni Azriel kay Z na nag papayag sa kaniya na tumigil na sa kapipili ng laruan.

Pag katapos bayaran ng iilang laruan na kinuha ni Z sa pang ilang toy store dito sa mall ay umuwi na kami.

Punong puno tuloy ng paper bag ang likod ng sasakyan ni Azriel sa dami ng pinamili nila.

"Sa likod ka na, Z is already sleepy. Baka makatulog pa siya" sambit ni Azriel at ng buksan ko ang pinto ng sasakyan sa likod ay inupo niya doon si Z.

Tumango naman ako at tumabi na kay Z. Isinara naman ni Azriel ang pinto at sumakay sa drivers seat

"Atasha..." tawag ni Azriel at tumingin ako sa kaniya.

Naka tingin siya ngayon sa akin sa pamamagitan ng rear mirror.

"Do you have any idea kung sinong tatay ni Z?" bigla ay tanong niya sa akin

"Uhmm. Actually noon may naiisip na ako. Pero imposible na kasi" sagot ko ng maalala kong si Zack ang naiisip kong possible na daddy ni Z noon.

"Ngayon?"

"Ngayon? Wala naman"

"Do you wish na malaman mo kung sinong daddy ni Z?"

"Sa totoo lang? Oo naman. Pero nasasanay naman na ako na wala ang tatay ni Z" sambit ko at napatingin naman ako ng bumagsak ang ulo ni Z sa akin.

Tulog na pala iyon kaya naman inayos ko na lang ang higa niya sa akin at muling tumingin kay Azriel

"Ilang taon na si Z at nakaya ko naman na mga magulang at pinsan ko ang kasama ko sa pag aalaga sa anak ko. Kung mag papakilala pa yung tatay niya ewan na lang. Pero sana resposable yung tatay niya. Hindi niya sana ako hinayaang mag isa noong pinag buntis ko si Z" nasambit ko pa

"Ah..."

Iyon na lang ang huli kong narinig kay Azriel dahil nanahimik na siya at nag drive.

Ewan ko kung anong naisipan ni Azriel at naitanong niya ang tungkol sa tatay ng anak ko.

Waves Of LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora