"Atasha, mauuna na ako" napalingon ako ng pumasok sa kitchen si Lienel
"Why? Nakakain ka na ba?"
"Yes nakakain na ako. I really have to go..." pag mamadali niya kaya lumabas na ako ng kitchen para masundan siya
"Bakit uuwi ka na agad?" tanong ko
"I don't want to see your cousins face" sabay irap niya sa nakaupong si Lucas
"What did you do ba Lucas?"
"I didn't do anything!" sagot nito sa akin na nag kibit balikat pa
"Thats the problem! You're not doing anything" sambit ni Lienel at padabog na umalis.
Narinig ko na din na nag bukas ang sasakyan ni Lienel at itong si Lucas ay paupo upo lang kaya pinandilatan ko siya.
Bumuntong hininga pa siya bago tumayo at nag lakad palabas.
Narinig ko na ang pag alis ng sasakyan ni Lienel at maya maya pa ay narinig ko na din ang pag harurot ng motor ni Lucas.
Napailing na lang ako napaupo sa couch. Napatingin na lang ako sa kamay ko at napainom sa hawak kong baso ng tubig.
Dahil sa pag sunod ko kay Lienel ay di ko na namalayang may hawak pala akong baso.
"Oh asan na yung dalawa?" napalingon ako ng mag salita si mommy habang pababa ng hagdan
"Umalis na, they have problem ata" nasagot ko na lang
"Oh okay. How are you anak? Malapit ka ng manganak" sambit niya tsaka nag lakad papalapit sa akin
"Feel good. I'm excited to see my baby na, mom"
"Me too, I can't wait to finally meet my grand daughter" haplos niya sa tiyan ko
"Yung daddy kaya niya alam na manganganak na ako? Is he excited too? Does he know that he is already a daddy?"
"Anak, I'm sure malalaman mo din kung sino ang daddy ng anak mo. But for now you know naman na andito kami ni daddy mo to support you. Right?"
"Yes mom, I know it. But you can't blame me if there is some time na iniisip ko kung anong pakiramdam na panagutan ng ama ng anak ko. I badly want to know who is daddy of my baby, but I don't know how to find him..." mangiyak ngiyak na sabi ko.
"Atasha, don't think too much okay? Thats bad for your health"
"Yeah I know, but... aish I can't do anything about this..."
"Isipin mo na lang na darating din ang panahon na mag papakilala na sayo ang tatay ng anak mo" she said while hugging me.
Tumango na lang ako sa kanya dahil wala namang mang yayari kung sasagot pa ako e. Hindi naman dadating yung tatay ng anak ko kung sasagot pa ako.
Oo hindi ko problema ang pera para sa anak ko, pero iniisip ko talaga kung ano yung pakiramdam na panagutan. At para sa anak ko, hindi ko kayang makita siyang lumaki na walang tatay. Alam kong andyan si Lucas at Acxel to stand as her daddy, pero iba pa rin yung sarili niyang ama yung makikita niya habang lumalaki siya.
"I alread review your video for CPR, I can say that you improve a lot than the two videos you sent me months ago. And as well as your bandage skills" sambit ni miss Majes.
May klase kasi ako sa kanya ngayon dahil nga natapos na ang holiday ay balik na ulit sa pag aaral, at alam na din naman niyang pag second year na ako ay papasok na ako sa university.
"For now, I will teach you the different medicines you should inject in different situations" dagdag pa niya at tumango pa ako
Iyon na nga ang ginawa ni miss Majes. She told me different medicines that I should use. Hindi naman ganoong naging mahirap dahil ipinakita niya sa akin ang ibat ibang bottle noon pati na rin ang label.
YOU ARE READING
Waves Of Love
RomanceHaving a family is great, but only when you are ready emotionally, physically and financially. Every teenager wants to enjoy their life before getting into a family because they believe that they can't do what they want when they are already a pare...